Search Header Logo
Ang Tula

Ang Tula

Assessment

Presentation

English

9th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Venus Gray

Used 40+ times

FREE Resource

9 Slides • 2 Questions

1

Ang Tula

Slide image

2

Open Ended

Ano ang nga ba ang Tula?

3

Ang Tula

- isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, ipinararating sa ating damdamin
- ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagpili ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. 

4

Open Ended

Ano- ano ang paksa paksa ng tula?

5

Mga Paksa sa Tula

  • Tulang Makabayan

  • Tula ng Pag-ibig

  • Tulang Pangkalikasan

  • Tulang Pastoral

6

Tulang Makabayan

  • maraming tulang Asyano partikular na sa Timog-Silangang Asya ang nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan. 

  • marami sa mga bayani o kilalang Asyano ang nakasulat ng mga tulang nagpapahayag ng kanilang damdaming nasyonalismo

  • ang iba ay nagbibigay-diin sa mga natatanging kasaysayan ng isang bansa, makasaysayang mga pook, magagandang tanawin at may kinalaman sa buhay ng dakilang pinuno

Slide image

7

Tula ng Pag-ibig

  • ang paksa ng tulang ito ay may kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog, maalab na pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang minamahal

  • ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi ng paksang ito

Slide image

8

Tulang Pangkalikasan

  • ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagan ng kalikasan sa buhay ng tao gayundin ang kadakilaan, kagandahan, at karilagan ng kalikasan na nakaaakit sa mga makata na sumulat ng mga tulang may ganitong paksa.

Slide image

9

Tulang Pastoral

  • ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian ng buhay sa kabukiran, gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga lupa, at maging ang kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa

  • kilala ito lalo na sa mga bansang agrikultural sa Asya partikular sa Pilipinas, indonesia, at Vietnam

Slide image

10

Ibang paksa malimit gamitin ng mga makata...

  • Iba't ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali

  • Dignidad sa paggawa

  • Paksang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay

  • Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang-asal

  • Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap

11

Pagtatapos...

Ang Tula

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 11

SLIDE