Search Header Logo
Dokumentaryong Pampelikula at mga Elemento

Dokumentaryong Pampelikula at mga Elemento

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Hard

Created by

Rosalinda Dato

Used 6+ times

FREE Resource

8 Slides • 0 Questions

1

Dokumentaryong Pampelikula at mga Elemento

Slide image

2

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA February 3, 2017

Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

3

Ang Dokumentaryong Pampelikula ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning pangekonomiya at sa mga katiwalian.

4

         Ang pangunahing layunin ng dokumentaryong Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mg kaisipan tungo sa kmalayang panlipunan.Isa aitong ekspresyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao sa lipunang ginagalawan.
    

Slide image

5

      Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at paggamit ng ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan

6

MGA ELEMENTO NG DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

  •  Sequence iskrip – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento.

  • Sinematograpiya – Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.

  • Tunog at musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.

7

IBA PANG ELEMENTO…

  •  Pananaliksik o riserts – Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

  • Disenyong pamproduksyon – Nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na pagkukuwento.

8

  • Pagdidirehe – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento sa pelikula.

  • Pag-eedit- Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula)

Dokumentaryong Pampelikula at mga Elemento

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 8

SLIDE