Search Header Logo
Pang-ugnay

Pang-ugnay

Assessment

Presentation

World Languages, Other

7th Grade

Easy

Created by

Aya Jessa Mae Capilitan

Used 18+ times

FREE Resource

11 Slides • 22 Questions

1

Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at Pagpapahayag ng Saloobin

Slide image

2

Poll

Narinig mo na ba ang salitang pang-ugnay?

Oo, narinig ko na.

Luh, ano 'yon?

Hindi ako sigurado...

3

Multiple Choice

Ano kaya ang salitang-ugat ng salitang "pang-ugnay?

1

pang

2

ugnay

3

pangug

4

ngugna

4

Open Ended

Ngayon, ano ang ibig sabihin ng ugnay?


Magbigay ka nga ng kasingkahulugan nito na mga salita.

5

TAMA KA, KAIBIGAN!

Ang mga pang-ugnay ay ginagamit natin para sa pagdurugtong ng ating mga pangungusap.

6

Multiple Choice

Sa pangungusap na ito, hanapin ang pang-ugnay.


Bumaba ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.

1

Bumaba

2

ekonomiya

3

bansa

4

dahil sa

5

kawalan

7

Multiple Choice

Ang tamang sagot ay "dahil sa". Balikan natin ang pangungusap.

Ano ang napansin mo rito?

1

Maaari itong mahati sa dalawang pangungusap.

2

Hindi ito mabubuo kung wala ang salitang dahil sa rito.

3

Kulang ang diwa ng pangungusap.

4

Wala akong napansin dito.

8

Kung ang sagot mo ay tiktik B, tama ka, kaibigan!

Ang pangungusap na ito ay hindi mabubuo kung wala ang salitang "dahil sa". Kulang na ang magiging diwa ng pangungusap at hindi na ito maiintindihan ng mga mambabasa.

9

Isa pa...


"Ang mga mamamayan ay dapat na magsuot lagi ng face mask sapagkat ito ay proteksyon laban sa sakit."


10

Multiple Choice

Ano ang pang-ugnay sa nabasang pangungusap?

1

mamamayan

2

magsuot

3

lagi

4

sapagkat

11

Kaibigan, tama ka! Ngayon, alamin naman natin ang iba't ibang layunin sa paggamit ng mga pang-ugnay.

  • Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

  • Panghihikayat

  • Pagpapahayag ng Saloobin

12

Multiple Choice

Nagkaroon siya ng mataas na marka sa Filipino _____ ginalingan niya ang pagsagot sa kaniyang modules.

1

pero

2

dahil

13

Multiple Choice

Ayan, nalate ka tuloy sa inyong online class, _____ kasi nagpupuyat ka lagi.

1

mabuti

2

palibhasa

14

Open Ended

Ang napansin ko sa aking mga sagot ay nagsasaad ito ng __________.

15

Mahusay ka! Ang iyong mga sagot ay nagsasaad ng sanhi o dahilan.

Narito pa ang mga pang-ugnay na maaari nating gamitin para dito.

  • sapagkat/pagkat

  • dahil/dahilan sa

  • palibhasa

  • kasi/naging

16

Multiple Choice

Ano ang tamang salita na kokompleto sa diwa ng pangungusap?

"Hindi ka kasi nakikinig, _____ bagsak ka sa quiz."

1

tuloy

2

ngunit

17

Multiple Choice

Hindi kampante si Dee Na Ligo na mayroong siyang kapwang naghihirap ngayong pandemya, _____ naglunsad siya ng isang Alay Kapwa na programa para makatulong.

1

subalit

2

kaya naman

18

Open Ended

Ang napansin ko sa aking mga sagot ay nagsasaad ito ng __________.

19

Napakahusay mo kaibigan! Ang mga sagot mo ay nagsasaad ng bunga o resulta.

Narito pa ang mga pang-ugnay na maaari nating gamitin para dito.

  • kaya/kaya naman

  • dahil dito

  • bunga nito

  • tuloy

20

Multiple Choice

Punan ang patlang ng tamang salita upang makompleto ang diwa ng pangungusap.

"Hindi na naman siya kumain, _____ papayat na siya niyan."

1

sigurado

2

bagama't

21

Multiple Choice

"Ang ipinahayag ng aming guro ay tumulong sa ating kapwa. _____ ngang gawin natin iyon."

1

masama

2

mabuti

22

Fill in the Blank

Nakuha mo ba ang sagot sa dalawang tanong? Kung oo, binabati kita kaibigan!

Ngayon naman, ano kaya ang mayroon sa iyong mga naging sagot?


Nagsasaad ito ng P _ G S _ N _ - A _ O N.

23

Mahusay! Narito muli ang mga salitang maaaring gamitin para sa pag-sang-ayon.

  • totoo

  • oo

  • mabuti

  • sigurado

24

Multiple Choice

Ano ang tamang salita na kokompleto sa diwa ng pangungusap?

"Maganda ang iyong ideya _____ hindi ito makabubuti para sa lahat."

1

basta

2

ngunit

25

Multiple Choice

Gusto kong sumama sa handaan _____ natatakot ako dahil magkakaroon na ng social gathering.

1

subalit

2

sana

26

Ano ang napansin mo sa mga sagot?

Ayun! Naghahayag sila ng pagtutol o hindi pagsang-ayon sa pahayag na sinabi.

27

Narito muli ang mga pang-ugnay na maaaring gamitin para sa pagsasaad ng pagtutol.

  • hindi

  • ngunit

  • subalit

  • datapwat

  • bagama't

28

Multiple Choice

Piliin sa choices ang salitang kokompleto sa diwa ng pangungusap.

"_____, mayroon pang pag-asang umunlad ang ating bansang Pilipinas pagkatapos ng pandemya."

1

Sa palagay ko

2

Bunga nito

29

Multiple Choice

"Naglabas ang gobyerno ng alituntuning bawal lumabas kapag nasa edad 20 pababa, _____ hindi ako lalabas dahil ako ay isang minor pa lamang."

1

sana

2

kung gayon

30

Multiple Choice

"_____ mawala na ang COVID na ito sa mundo upang bumalik na ang lahat sa dati."

1

Sana

2

Basta

31

Mahusay ka, kaibigan! Kung napansin mo, ang mga sagot ay nagpapahayag ng saloobin. Narito pa ang ibang pang-ugnay na maaaring gamitin sa paghahayag ng saloobin.

  • sa palagay ko/hinuha ko

  • kapag/pag

  • kung gayon

  • sana

  • basta

32

Poll

Ngayon, alam mo na ba ang mga pang-ugnay na maaari nating gamitin?

Opo, naiintidihan ko na po.

Medyo malabo pa rin po.

Ha? Ano 'yon ma'am?

33

Poll

Nag-enjoy ka ba sa laro?

Sobra po! Sana ganito lagi!

Mej lang po. Huwag nalang ganito.

Mas galingan mo pa po next time ma'am. Hehe.

Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at Pagpapahayag ng Saloobin

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 33

SLIDE