Search Header Logo
ESP Q2 Week 2

ESP Q2 Week 2

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Hard

Created by

Roldan Roperos

FREE Resource

8 Slides • 0 Questions

1

ESP Q2 Week 2

Slide image

2

ANG SUHESTIYON NI NORMAN

ni: Arllen Joy D. Angalan


Naranasan mo na bang magbahagi ng iyong ideya o suhestiyon sa iyong mga kaibigan? Ano ang reaksyon ng iyong mga kaibigan? Masaya ba sila sa inyong ideya?

Halina at tuklasin natin ang mga pangyayari sa kwento na may pamagat na


Panuto: Basahin ang kuwento at isulat ang tamang sagot sa isang malinis na papel.

3

ANG SUHESTIYON NI NORMAN

Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang Julie, Pia at Norman nang biglang dumating si Cassandra dala ang kaniyang bisikleta. Alam nina Julie, Pia at Norman na hindi pa gaanong magaling si Cassandra sa pagbibisikleta kaya bilang magkaibigan, pinapayuhan nila si Cassandra na palaging mag-ingat tuwing magbibisikleta.

4

ANG SUHESTIYON NI NORMAN

Habang nag-uusap, nagbigay si Norman ng suhestiyon na mas mabuti na sundin natin ang mga panuntunan sa pagsakay ng bisikleta gaya ng palaging magsuot ng helmet, maglagay ng proteksiyon sa siko at tuhod, tiyaking sakto ang hangin sa mga gulong, i-check ang breaks, umiwas sa mga lubak para di mawala ang iyong balanse, magsuot ng matingkad na damit o di kaya’y maglagay ng blinkers para makita ka agad at makaiwas sa disgrasya. “Tama ‘yun Norman,” sabi nina Pia at Julie, “maganda ang iyong suhestiyon.”

5

ANG SUHESTIYON NI NORMAN

“Kailangan ba talagang isuot ang lahat nang iyan?” tanong ni Cassandra. “Eh dito lang naman ako sa loob ng lugar natin magbibisikleta, wala naman sigurong mananadya na sagasaan ako di ba?” Ngumiti si Julie at sinabing, “Cassandra maganda ang suhestiyon ni Norman tungkol sa mga pag-iingat na dapat nating gawin tuwing tayo ay nagbibisikleta. Tinuturuan tayo ni Norman dahil gusto niya na tayo ay maging ligtas at makaiwas sa sakuna.”

6

ANG SUHESTIYON NI NORMAN

Napaisip si Cassandra at naunawaan niya ang ibig ipahiwatig ni Norman. Nagpasalamat si Cassandra kay Norman dahil sa pagbibigay nito ng kanyang suhestiyon na may kalakip na nagmamalasakit upang makaiwas ito sa sakuna. Natuwa naman si Norman dahil malugod na tinangggap at iginalang nina Pia, Julie, at Cassandra ang kaniyang suhestiyon.

7

Mga Tanong

8

Mga Tanong

ESP Q2 Week 2

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 8

SLIDE