

APP6 ARALIN 11
Presentation
•
Education
•
12th Grade
•
Hard
Maricho Barrit
Used 3+ times
FREE Resource
20 Slides • 0 Questions
1
APP6 ARALIN 11

2
Kabanata 2 Aralin 11
Lakbay-sanaysay
3
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng lakbay-sanaysay;
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay;
3. Nakabubuo ng isang lakbay-sanaysay.
4
Pagnilay-nilayan Natin
Mahalaga ang pagbabalik-tanaw sa buhay ng isang tao. Sa pamamagitan nito, unti-unting binubuhay at sinasariwa ng bawat isa ang karanasang naging bahagi ng kanyang pagkatao. Patuloy nitong pinapagana ang ating imahinasyon upang sariwain ang nakalipas nang may galak at kasiyahan. Kaya’t hayaan nating sariwain ang ganda ng pagbabalik-tanaw na ito sa pamamagitan ng lakbay-sanaysay.
5
Silipin Natin Ito
Upang maging makabuluhan ang iyong mga nadiskubre, natuklasan at naobserbahan sa iyong paglalakbay, isulat mo! Malaking tulong ito para sa mga mambabasa upang manatiling buhay ang kultura ng bawat pamayanan. Kaya, maging handa tayo sa pagsulat ng sulating ito.
6
Ang lakbay-sanaysay ay hindi lamang tungkol sa isang lugar o paglalakbay. Ito rin ay maaaring tungkol sa nasisilayan at nadiskubre ng manunulat tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa isang pook o pamayanan. Naglalahad ito ng mga totoong pangyayari, tao, lugar at ideya. Naglalarawan ito ng totoong karanasan sa buhay ng isang tao.
7
Layunin ng sulating ito na sinagin muli ang pinanggalingan at ang kinalakhang lugar. Binigyang-halaga rin ng sulating ito ang pagtanto at pagsuri ng iba’t ibang tradisyon at kulturang nakagawian sa isang lugar.
8
Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
9
1. Mananaliksik
Bilang mananaliksik, bago pumunta sa destinasyon magsaliksik ka muna tungkol sa lugar na pupuntahan. Alamin mo ang kanilang kultura, paraang pamumuhay pati na rin ang kanilang paraan ng pagkakaiba ng pananampalataya. Dito mo matutunan ang dahilan ng paraan ng kanilang pamumuhay.
10
2. Maging Kakaiba
Bilang isang manunulat, dapat mong maakit ang iyong mambabasa. Huwag lamang ipahayag ang iyong mga pinuntahan o nakita. Sabihin mo ang lahat ng iyong nararamdaman noong ika’y naglalakbay. Gawing masining ang pagkakasulat para maramdaman ng iyong mambabasa na sila’y nandoon sa ugar na kasama ka. Lalong mainam kung gumamit ng tayutay.
11
3. Mag-isip na parang manunulat
Tandaan na ika’y may pakay sa iyong mambabasa. Kinakailangan na iparamdam mo sa kanila na kasali sila sa iyong paglalakbay. Ang isang manunulat ay nang-aakit sa kanyang mga mambabasa.
12
Halimbawa
13
ALAALANG BABALIK-BALIKAN
Angelie Cabrera
14
Kaylamig ng hapyos ng hangin, kaylinaw ng dagat, kaysaya ng mga ibong nagliparan, kayganda ng mga tanawin sa kapaligiran. Iilan lamang ito sa aking nasilayan. Kaligayahan namutawi sa aking puso’t isipan. Para akong idinuyan sa himpapawid sa aking natunghayan.
15
Nasa paanan ako ng bundok apo ng Kapatagan, digos noon nang natatanaw ko ang maisisigasig na mukha ng mga taong nagtatanim ng mga gulay at bulaklak. Masayang naliligo at nagtatampisaw sa malamig na tubig. Naghahabulan.
16
Sa patuloy na pag-inog ng bagong henerasyon, nanatiling buhay ang ganda ng lugar na ito. Ako’y nagpatuloy sa aking paglalakbay nang sa aking paglingon ay nasilayan ko ang kakaibang pamamaraan ng kanilang transportasyon, maging ang kanilang pamumuhay. Lubos akong namangha nang makita kong karga-karga ng kabayo ang mga inani nilang mga produkto upang dalhin sa ibayong lugar. Binagtas nang waalng kapagod-pagod ng kabayo ang malawak na daan. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Pilit nitong binuhay ang nakaraan. Ang nakaraang naging bahagi ng aking nakaraan. Nakaraang magiging daan sa aking kasalukuyan.
17
Hindi ako nakapagsalita sa aking nakita.
Napaupo na lamang ako sa ilalim ng puno sabay sabing “Ang buhay nga naman, hindi mo maintindihan”.
18
Sa ilang araw na pamamalagi ko sa lugar na ito, napupuna kong talagang ang buhay at hilig ng tao ay kakaiba. Bahagi ng kanilang nakasanayan doon ang uminom ng kape na gawa sa sinangag na mais na bigas sa kabila ng tindi ng init ng panahon dahil sa napakalamig na klima. Ang pagkahilig nila sa inuming ito ang siyang nagpapasaya sa kanilang puso’t isipan upang labanan ang ginaw na nararamdaman.
19
Hindi ako tumigil sa aking paglilibot sa pook na iyon nang biglang nabaling ang aking paningin sa isang sulok. Punong-puno ng kasiyahan, kagalakan at mayroon pang sayawan at aliwan. Napaisip ako sandali. “Ah, alam ko na, may pagdiriwang!” Ngunit ako’y natulala nang makita ko ang isang kabaong. Iyon pala ay isang burol. Hindi ko mawari kung bakit ganun ang aking nadatnan. Wala man lang akong nakitang umiyak nalungkot o di kaya’y nasaktan. Bahagi raw ng kanilang kulturang kinagisnan. Ang magkakaroon ng kasiyahan kapag may nilalamayan.
20
Silipin Natin Ito
Upang maging makabuluhan ang iyong mga nadiskubre, natuklasan at naobserbahan sa iyong paglalakbay, isulat mo! Malaking tulong ito para sa mga mambabasa upang manatiling buhay ang kultura ng bawat pamayanan. Kaya, maging handa tayo sa pagsulat ng sulating ito.
APP6 ARALIN 11

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 20
SLIDE
Similar Resources on Wayground
13 questions
AP Le Conditionnel Passé
Presentation
•
12th Grade
15 questions
Crase
Presentation
•
University
12 questions
Acordo ortográfico
Presentation
•
KG - University
12 questions
Gamit ng Wika
Presentation
•
11th - 12th Grade
15 questions
Se bem me lembro...
Presentation
•
12th Grade
17 questions
Storytelling: Divertidamente em Metodologias Ativas
Presentation
•
12th Grade
11 questions
Variety
Presentation
•
KG
19 questions
Plano Cartesiano!!
Presentation
•
12th Grade
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Education
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
210 questions
Unit 1 - 4 AP Bio Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
100 questions
Biology EOC Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 4
Quiz
•
9th - 12th Grade
16 questions
AP Biology: Unit 1 Review (CED)
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.PC/DF Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
verbos reflexivos en español
Quiz
•
9th - 12th Grade