Search Header Logo
Mga Pagbabagong Naganap sa Sariling Lungsod/Bayan  sa Aspekt

Mga Pagbabagong Naganap sa Sariling Lungsod/Bayan sa Aspekt

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Practice Problem

Medium

Created by

ZHARINA ANNE VERDIJO

Used 4+ times

FREE Resource

19 Slides • 20 Questions

1

Mga Pagbabagong Naganap sa Sariling Lungsod/Bayan sa Aspekto

Slide image

2

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.


Ang dating pangalan ng Malabon ay Tambobong.

1

TAMA

2

MALI

3

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.


Mabilis bumaha sa Malabon noon lalo na kapag hightide at sinasabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan.

1

TAMA

2

MALI

4

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.


Ngayon ang lungsod ng Malabon ay isa sa may maunlad na ekonomiya sa larangan ng pagsasaka.

1

TAMA

2

MALI

5

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.


Noong late 60’s walang sariling shopping mall ang Malabon.

1

TAMA

2

MALI

6

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.


Ngayon, may sarili ng ospital ang Malabon.

1

TAMA

2

MALI

7

Multiple Choice

BALIKTANAW

Piliin ang titik sa loob ng kahon ng angkop na kasagutan sa katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot bago ang bilang.


Anong lugar sa Metro Manila ang kauna-unahang naging

lungsod?

1

Republic Act No. 9019

2

Abril 21, 2001

3

Maynila

4

Quezon City

5

Pateros

8

Multiple Choice

BALIKTANAW

Piliin ang titik sa loob ng kahon ng angkop na kasagutan sa katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot bago ang bilang.


Ano naman ang pinakahuling naging lungsod?

1

Republic Act No. 9019

2

Abril 21, 2001

3

Maynila

4

Quezon City

5

Navotas

9

Multiple Choice

BALIKTANAW

Piliin ang titik sa loob ng kahon ng angkop na kasagutan sa katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot bago ang bilang.


Ano ang nananatiling bayan?

1

Republic Act No. 9019

2

Abril 21, 2001

3

Maynila

4

Quezon City

5

Pateros

10

Multiple Choice

BALIKTANAW

Piliin ang titik sa loob ng kahon ng angkop na kasagutan sa katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot bago ang bilang.


Kailan naging ganap na lungsod ang Malabon?

1

Republic Act No. 9019

2

Abril 21, 2001

3

Maynila

4

Quezon City

5

Pateros

11

Multiple Choice

BALIKTANAW

Piliin ang titik sa loob ng kahon ng angkop na kasagutan sa katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot bago ang bilang.


Ang Malabon ay ganap na naging lungsod sa bisa ng anong batas?

1

Republic Act No. 9019

2

Abril 21, 2001

3

Maynila

4

Quezon City

5

Pateros

12

Sa paglipas ng panahon, may mga pagbabagong nagaganap sa ilang lugar kasama na rito ang ating lungsod, ang lungsod ng Malabon. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kasaysayan. May mabuti o hindi mabuti man ang magiging bunga nito, tiyak na mag-iiwan ito ng mabuting alaala sa isip at puso ng bawat mamamayan.


13

Ang Malabon ay isang siyudad na matatagpuan sa may hilagang bahagi ng National Capital Region. Mas kilala ito sa pangalang “Tambobong” na galing sa isang puno na matatagpuan dito. Ang kasalukuyang pangalan ng Malabon ay nakuha sa “Labong”.


Slide image

14

Malaki ang pagbabagong naganap sa ating lungsod sa aspekto ng istruktura at kapaligiran noon at ngayon. Kung dati, karamihan sa mga kabahayan ay gawa lang sa kubo, at may ilang maykaya na nakapagpatayo ng magagarang bahay na ngayon ay itinuring ng ilang ancestral houses ang nanatili isandaang taon na ang nakalilipas katulad ng Santos-Luna, Lapuz-Lazaro Family, at ang bahay ng mga Cayco sa C. Arellano Street

Slide image

15

Ang mga kalsada noon ay iilan lamang ang sementado dahil halos bangka ang sinasakyan ng mga tao sapagkat napapaligiran ito ng katubigan

Slide image

16

Dito rin matatagpuan ang pinakalumang simbahan kagaya ng San Bartolome na halos 400 taon ng nakatayo

Slide image

17

Malaki ang pagbabagong naganap sa kapaligiran lalo na sa mga kalsada. Dati ay madalas itong binabaha ngunit sa kasalukuyan, marami na ang naisaayos at napataas na kalsada at gumawa ng flood control nang maiwasan ang pagbaha tuwing high tide at sinasabayan ng malakas na pag-ulan. 

Slide image

18

Dati ay wala ring sariling ospital ang Malabon, ngayon ay mayroon ng sariling pagamutan na matatagpuan sa likod ng City Hall. Bagong gawa rin ito at mayroon na rin tayong sports complex at unti-unting binago ang bihis ng mga pampublikong pamilihan. Marami na ring mga foot bridge na itinayo para sa kaligtasan ng bawat mamamayan maging paglalagay ng streetlights upang maging maliwanag ang mga daraanan pagsapit ng gabi.


Slide image

19

Sa larangan ng edukasyon, mayroon na ring sariling unibersidad ang ating abang lungsod, ito ay ang City of Malabon University para sa mga nais maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo na hindi na kailangan pang lumabas ng Malabon.


Slide image

20

Sa bilang ng populasyon, unti-unti itong tumataas. Sa huling datos ng PSA 2015, may kabuuang 365,525 ang kasalukuyang naninirahan dito.


Slide image

21

Malaki rin ang pinagbago ng libangan ng mga tao sa Malabon. Dati ay larong pinoy ang pinaglilibangan nila gaya ng piko at tumbang preso, ngayon dala ng makabagong teknolohiya ay nahilig sa online games, mamasyal sa mga naglalakihang malls sa Malabon upang mamili, manood ng sine o kaya kumain sa mga masasarap na kainan dito.


Slide image

22

Buhay pa rin ang mga nakasanayang mga gawain ng mga taga- Malabon gaya ng pagsisimba nang sabay-sabay ng bawat pamilya tuwing Linggo, makiisa sa araw ng kapistahan ng mga Santo at bayanihan sa oras ng pangangailangan ng mga naiipit sa alanganin.


Slide image

23

Sa kabuuan, ang ating lungsod ay may malaking pagbabago sa istruktura at kapaligiran. Hindi nagpapahuli sa mga karatig-lungsod. Lalong pinagyaman naman ang kultura natin dahil sa paglunsad ng “Malabon Tricycle Tours” taong 2015 sa pangunguna ng maybahay ng ating Punong Lungsod, Chef Mellisa Oreta na naglalayong mapasyalan ang mga tourist spot at matikman ang mga masasarap na pagkain na pamana ng ating lahi sa ating mga taga- Malabon.


Slide image

24

Mga Pagbabagong Naganap sa mga Gawain, Kaugalian

at Tradisyon sa Bayan/ Lungsod ng Rehiyon


25

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Isulat ang K kung katotohanan ang inihahayag ng pangungusap, O kung opinyon lang ang inihahayag nito.


Ang bawat lungsod at bayan ay may ipinagmamalaking

istruktura.

1

K

2

O

26

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Isulat ang K kung katotohanan ang inihahayag ng pangungusap, O kung opinyon lang ang inihahayag nito.


Gawa sa kahoy ang mga gusali noong unang panahon.

1

K

2

O

27

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Isulat ang K kung katotohanan ang inihahayag ng pangungusap, O kung opinyon lang ang inihahayag nito.


Mas magaling sa computer ang bata ngayon kumpara

noon.

1

K

2

O

28

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Isulat ang K kung katotohanan ang inihahayag ng pangungusap, O kung opinyon lang ang inihahayag nito.


Ang lungsod ng Malabon ang may mababang bilang o porsyento na gumagamit ng gadget o cellphone.

1

K

2

O

29

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Isulat ang K kung katotohanan ang inihahayag ng pangungusap, O kung opinyon lang ang inihahayag nito.


Ang mga libangan noon ng mga bata ay maglaro ng

larong Pinoy gaya ng piko, tumbang-preso at tagu-taguan.

1

K

2

O

30

Multiple Choice

Sagutin ang katanungan. Pumili sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.


Pinangunahan itong itayo ng ating butihing

Punong Lungsod Kgg. Antolin “Len-len” Oreta III

upang bigyang liwanag ang mga daraanan lalo na kung gabi

1

Streetlights

2

Flood control

3

Mall

4

Footbridge

5

Oreta Sports Complex

31

Multiple Choice

Sagutin ang katanungan. Pumili sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.


Naging prayoridad itong proyekto upang maiwasan ang pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan sabayan pa ng high tide.

1

Streetlights

2

Flood control

3

Mall

4

Footbridge

5

Oreta Sports Complex

32

Multiple Choice

Sagutin ang katanungan. Pumili sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.


Naging ligtas at malayo sa disgrasya ang mga

tao sa kalsada mula ng paramihin ito.

1

Streetlights

2

Flood control

3

Mall

4

Footbridge

5

Oreta Sports Complex

33

Multiple Choice

Sagutin ang katanungan. Pumili sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.


Naagapan ang mga maysakit at hindi na

kailangan pang lumabas ng Malabon upang magpagamot.

1

Ospital ng Malabon

2

Flood control

3

Mall

4

Footbridge

5

Oreta Sports Complex

34

Multiple Choice

Sagutin ang katanungan. Pumili sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.


Natuwa ang mga tao nang ito ay naitayo

sapagkat mayroon na silang mapapasyalan upang libangin ang sarili matapos ang maghapong pagtatrabaho

1

Ospital ng Malabon

2

Flood control

3

Mall

4

Footbridge

5

Oreta Sports Complex

35

Ang bawat lungsod/bayan ay may kaniya-kaniyang maipagmamalaki sa larangan ng istruktura maging ang pisikal na anyo nito. Noon masasabi natin na ang mga gusali sa lungsod ay gawa sa mga kahoy at ang iba naman ay sa bato. Karamihan ay

halos nasa unang palapag lang, sa paglipas ng panahon, gawa na sa bato at mga nagtataasang gusali na ang ating makikita. Noon ang kalsada ay napakaluwang, may mga puno’t halaman pa na kahit gabihin ka pa, ay di ka makakaramdam ng takot subalit ngayon ang mga kalsada ay nagsikipan na, marumi ang paligid at mataas ang bilang ng krimen.


36

Kung nagbago ang anyo ng kapaligiran, sumabay din ang mga taong naninirahan dito. Sinasabi noong unang panahon na hindi pa gaanong marami ang tao, ngunit dahil ang iniisip ng mga taga-probinsiya na sa lungsod ay madaling kumita ng pera, sila ay nagpuntahan dito. Trabaho ang naging pangunahing dahilan nila ng pagluwas. Dahil dito, lalong sumikip ang lansangan, tumaas ang bilang ng mga tao at krimen gayundin naging marumi ang kapaligiran.


37

Maging ang libangan ng tao ay nagbago rin. Noon mas kilala nila ang mga larong Pinoy gaya ng tumbang-preso, tagu-taguan, luksong-baka at piko. Madalas makikita nating ginagabi sa lansangan ang mga kabataan noon. Sa paglipas ng panahon, dala ng modernong teknolohiya, iilan na lang ang naglalaro ng larong Pinoy, sa halip ay gadget ang kanilang hawak, tablet o cellphone o kaya naman ay mga nasa computer shop. Mas nahilig silang manood ng videos sa Youtube or mag-tiktok o kaya laruin ang mga makabagong laro gaya ng mobile legends. Tunay ngang napakalaki ng pagbabago sa hilig ng mga tao upang makapaglibang.


38

Ang mga nakasanayan noon ay nabago rin. Marami pa rin ang sama-samang mag-anak tuwing Linggo at sa ibang relihiyong kinaaaniban ay may sarili silang araw ng pagsamba. Sa mga nakasanayang pagdiriwang gaya ng Pasko at Bagong Taon, dati ay sama-sama nilang sinasalubong ito kasama ang buong pamilya, ngunit ngayon, karamihan sa kanila ay pinipili nilang mapag-isa at ipagpahinga ang katawan sa mga napili nilang destinasyon saan mang lungsod/bayan na kinabibilangang rehiyon.


39

TANDAAN

Ang bawat lungsod at bayan sa Pambansang Punong Rehiyon ay nagdulot ng pagbabago sa mga gawain, kaugalian at tradisyon sa mga tao. Sumabay sila sa takbo ng panahon. Sana ang mga pangyayaring ito ay nakapagdulot sa bawat isa na mas maging mabuting tao at mas piliing pangalagaan ang mga ito. Magbago man ang lahat, sana huwag nating kalimutan ang aral na dulot ng nakaraan na magiging bahagi na ng ating kasaysayan.


Mga Pagbabagong Naganap sa Sariling Lungsod/Bayan sa Aspekto

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 39

SLIDE