Search Header Logo
ESP Q2 WEEK 3

ESP Q2 WEEK 3

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Easy

Created by

ZHARINA ANNE VERDIJO

Used 2+ times

FREE Resource

14 Slides • 15 Questions

1

ESP Q2 WEEK 3

SLeM 3:

MAGKAIBA MAN TAYO,

TAYO AY IISA PARIN

Slide image

2

Slide image

3

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ano ang nararapat mong gawin kung walang papel at lapis ang iyong bagong kamag-aral?

1

A. Itago ko agad ang aking papel at lapis.

2

B. Magkukunwaring wala akong papel at lapis.

3

C. Bibigyan ko siya ng papel at pahihiramin ng lapis.

4

D. Iiwasan ko siyang maging katabi upang hindi

4

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


2. Nakita mong tinutukso ng mga bata ang isang Badjao, ano ang iyong dapat gawin?

1

A.sasali sa panunukso

2

B.iiwasan upang hindi madamay

3

C. kakausapin ang mga batang itigil ang panunukso

4

D. tatawagin ang barangay tanod upang sila ang umawat

5

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pag-uugali ng pagtanggap sa mga pangkat-etniko?

1

A.Si Jojo na umiiwas sa hindi kapuwa Badjao

2

B.Si Laura na hindi nakikipagkaibigan sa mga etniko

3

C. Si Dennis na umiiwas sa lahat at mas nais mapag-isa

4

D. Si Lene na walang pinipiling lahi kapag nakikipagkaibigan

6

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


4. Sino-sino ang tinatawag na mga pangkat-etniko?

1

A. Hindu, Tagalog, Ilocano

2

B. Tsino, Muslim, Amerikano

3

C. Ifugao, Bikolano, Tagalog

4

D. Cebuano, Ifugao, Amerikano

7

Multiple Choice

UNANG PAGSUBOK


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


5. Ano ang iyong gagawin kung nakita mong walang makain ang isang pangkat-etniko?

1

A. bigyan ng makakain

2

B. iwasan at balewalain

3

C.pagtawanan at kutyain

4

D. layuan at ipagtabuyan

8

Slide image

9

BALIK-TANAW


Panuto: Kulayan ang bahagi ng bulaklak na nagsasaad ng pagtulong sa may kapansanan. Gawin ito sa sagutang papel.

SA ANSWER SHEET PO ITO GAGAWIN

Slide image

10

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN



Ang pangkat-etniko ay tumutukoy sa isang grupo ng lahi ng mga tao na mayroong sariling kultura, relihiyon, lengguwahe, at pinagmulan. Sila ay may sariling pagkakakilanlan.

11

Slide image

12

Ang bawat isa sa atin ay may iba-ibang lahing pinagmulan kung kaya nararapat lamang na ating igalang at pahalagahan ang paniniwala ng bawat isa. Sa ganitong paraan ay mauunawaan natin ang bawat isa at maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan

Slide image

13



Nararapat lamang na ating ibahagi ang ilang mga bagay sa mga pangkat-etniko o katutubo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng mga pagkain, damit, at laruan. Maging ang pagiging mapagmalasakit, maunawain, at mapagkalinga ay dapat rin nating iparamdam sa kanila.


Slide image

14

GAWAIN 1:

(SA ANSWER SHEET PO GAGAWIN)


Panuto: Hanapin ang ilang pangkat-etniko na nakapaloob sa talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Slide image

15

Multiple Choice

GAWAIN 2:


Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at malungkot na mukha kung ito ay hindi wasto.


1. Binigyan ng baon ni Nafi ang kanyang kamag-aral na isang katutubo.

1
2

16

Multiple Choice

GAWAIN 2:


Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at malungkot na mukha kung ito ay hindi wasto.


2. Nakikipaglaro ang mga mag-aaral sa bago nilang kaklase na isang Ifugao.

1
2

17

Multiple Choice

GAWAIN 2:


Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at malungkot na mukha kung ito ay hindi wasto.


3.Nilalayuan ni Bianca ang isang batang Mangyan.

1
2

18

Multiple Choice

GAWAIN 2:


Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at malungkot na mukha kung ito ay hindi wasto.


4.Namahagi ng mga pagkain, tubig, at damit ang mga kabataan sa mga katutubong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

1
2

19

Multiple Choice

GAWAIN 2:


Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at malungkot na mukha kung ito ay hindi wasto.


5.Ipinagkaloob ni Fina ang kanyang mga laruan sa mga batang T’boli.

1
2

20

TANDAAN

Lagi nating tandaan na lahat tayo ay pantay-pantay maging anumang pangkat-etniko ang ating kinabibilangan. May iba-iba man tayong paniniwala, panuntunan, kinagawian, relihiyon, at kultura, tayo ay iisa parin. Tayo ay magtulungan at magbigayan upang maging maganda ang ating samahan

Slide image

21

Slide image

22

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Sumulat sa loob ng puso ng maikling panalangin para sa kapuwa natin at mga pangkat-etnikong naaapektuhan ng mga suliraning ating kinakaharap.


 Ang panalangin na gagawin ay ukol sa kanilang kaligtasan sa anumang pagsubok na kanilang kinakakaharap sa kasalukuyang sitwasyon: Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod. Gawin ito sa sagutang papel.


1. Pangkalusugan

2. Pangkabuhayan

3. Pang-edukasyon

4. Panlipunan

Slide image

23

Slide image

24

Multiple Choice

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Sino-sino ang tinatawag na mga pangkat-etniko?

1

A.Hindu, Tagalog, Tsino

2

B. Tsino, Muslim at Amerikano

3

C. Ifugao, Bikolano at Tagalog

4

D. Cebuano, Ifugao, Amerikano

25

Multiple Choice

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


2. Ano ang iyong gagawin kung nakita mong walang makain ang isang batang pangkat-etniko?

1

A.bigyan ng makakain

2

B. iwasan at balewalain

3

C. pagtawanan at kutyain

4

D. Huwag pansinin ang mga pangkat etniko

26

Multiple Choice

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


3. Paano mo kakausapin ang isang batang Badjao na nagtatanong sayo ng lokasyon?

1

A. Iiwasan ang bata dahil hindi maintindihan.

2

B.Pagtatawanan sa paraan ng kanyang pagsasalita.

3

C. Kausapin nang maayos at pilit intindihin ang nais ipahayag.

4

D. Magkunwaring hindi mo siya naririnig.

27

Multiple Choice

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


4. Ano ang nararapat mong gawin kung walang magagamit sa pagguhit ang iyong bagong katutubong kamag-aral?

1

A. Magkukunwaring wala ka ring gamit.

2

B. Sasabihan na magpabili siya sa magulang.

3

C. Papahiramin ko siya ng aking mga gamit sa pagguhit

4

D. Sasabihan siya na sa iba na lang manghiram dahil magagalit ang nanay mo.

28

Multiple Choice

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


5. Paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa mga pangkat-etniko?

1

A. iwasan at layuan

2

B. layuan at sigawan

3

C. kaawaan at limusan

4

D. unawain at tulungan

29

Slide image

ESP Q2 WEEK 3

SLeM 3:

MAGKAIBA MAN TAYO,

TAYO AY IISA PARIN

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 29

SLIDE