Search Header Logo
Q2_W4-W8 - EPEKTO NG KALAKALANG KOLONYAL

Q2_W4-W8 - EPEKTO NG KALAKALANG KOLONYAL

Assessment

Presentation

Social Studies

5th Grade

Medium

Created by

Pablo Pasaba

Used 19+ times

FREE Resource

11 Slides • 11 Questions

1

Q2_W4-W8 - EPEKTO NG KALAKALANG KOLONYAL

KALAKALANG GALYON



MONOPOLYO SA TABAKO

Slide image

2

Slide image

3

KALAKALANG GALYON

Nagkaroon ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Mexico. Ito ay tumagal mula 1565 hanggang 1815. Ito ay tinatawag na kalakalang galyon o kalaklang Maynila-Acapulco (Mexico).

4


Ang kalakalang ito ang naging pangunahing pinagmulan ng malaking kíta ng kolonyalistang Espanyol sa bansa. Umabot sa 110 galeon ang naglayag sa loob ng 250 taon (1565-1815). Hanggang 1593, mahigit tatlong barko ang naglalayag mula at patungo sa mga pantalan ng Maynila at ng Acapulco. Ang kalakalang ito ay naging kapaki-pakinabang at naging dahilan upang magpetisyon kay Haring Felipe II ang mga mangangalakal sa Sevilla sa Espanya na protektahan ang monopolyo ng “Casa de Contratacion” na nakabase sa Sevilla.

5


Dahil dito nagpalabas ng kautusan noong 1593 na nagtatalaga nang dalawang galeon lámang ang maaaring maglayag kada taon mula sa dalawang pantalan. Ang isa ay naglalayag mula Acapulco papuntang Maynila na may 500,000 pisong halaga ng mga kalakal, at ang ikalawa naman ay naglalayag mula Maynila papuntang Acapulco na may kargadang produktong nagkakahalaga ng 250,000 piso. Sa ganitong limitasyon, kinailangan ang paggawa ng pinakamalalaking galeon na gawa sa pinakamatitibay na kahoy sa Filipinas at makapagsasakay ng mabigat na kargamento at mga pasahero. 

6


Naging sanhi din ito ng talamak na korupsiyon sa gobyerno. Napabayaan din lalo ang mga probinsiya dahil ninais ng mga opisyal na lumahok sa kalakalan. Ang Kalakalang Galeon ay nagtapos noong 1815, ilang taon bago lumaya ang bansang Mexico mula sa pananakop ng Espanya noong 1821. Ilan sa mga epekto ng kalakalang galyon ay; nagkaroon ng kontrol ang mga Tsino sa kalakalan; nagkaroon ng palitan ng kaalaman sa pilosopiya, teknolohiya at maging sa agham ay nagkaroon ng palitan ng mga kultura at pagpapaunlad ng mga ito. Sa pag-alis at pagdating ng galyon, Malaki at mahalaga ang tulong na nagawa nito sa kabuhayan ng mga tao. Lumago din ang ekonomiya ng bansa. 

7

Slide image

8

MONOPOLYO SA TABAKO 

Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamaraan upang matiyak at mapanatiling malaki ang kinikita ng Espanya dito. Kaugnay nito ay hindi nalinang ang kalayaan sa pagtatanim ng iba pang produktong agrikultural lalo na sa mga lugar kung saan ito lamang ang ipinapatanim. 

9


Nakilala ang Pilipinas na pangunahing tagagawa ng tabako sa alin mang bansa sa Silangan. May multa ang mga magsasakang hindi makatupad sa itinakdang aanihin. Sa Maynila, dinadala ang mga dahon ng tabako. Umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng monopolyo kaya ipinatigil ito at tuluyang nahinto sa panahon ni Gobernador Primo de Rivera taong 1882.

10

Epekto ng Monopolyo ng Tabako ni

Gobernador-Heneral Jose Basco

POSITIBONG EPEKTO

1. Tumaas ang ating ekonomiya

2. Maraming bansa ang nakipag kalakal sa atin para sa tabako

3. Nakilala tayo bilang "Land of Tobacco" dahil sa pag import natin ng mataas na uri ng tabako.

11


NEGATIBONG EPEKTO

1. Nagkaroon ng matinding taggutom dahil ang mga magsasaka ay tanging tinatanim lamang ay ang tabako.

2. Maraming namatay dahil sa taggutom dahil sa Monopolyo sa Tabako.

3. Maraming mga magsasaka ang nag alsa dahil sa paraan ni GobernadorHenaral Jose Basco. 

12

Multiple Choice

Galyon

1

sasakyang pandagat na may dalang mga produkto

2

pagbili ng produkto sa murang halaga

3

paglipat ng tirahan sa iisang lugar

4

pagbubuwis ng higit pa sa inaasahan

13

Multiple Choice

Sitwasyon kung saan kontrolado o hawak lamang ng isang kompanya o may kapangyarihan ang industriya o pagtutustos ng isang bagay o produkto

1

Reduccion

2

Monopolyo

3

Tributo

4

Polo y Servicio

14

Multiple Choice

Halamang may malalaking dahong pinatuyo at ginagamit sa paggawa ng sigarilyo

1

Laing

2

Lagundi

3

Tabako

4

Malungay

15

Multiple Choice

Kalakalang Galyon

1

Kalakalang Acapulco-Manila

2

Kalakalang Mexico-Manila

3

Kalakalang Acapulco-Cebo

4

Kalakalang Barcelona-Manila

16

Multiple Choice

Siya ang nagpasimula ng Monopolyo ng Tabako

1

Gobernador Primo de Rivera

2

Gobernador-Heneral Jose Basco

3

Gobernador-Heneral Pablo Pasaba

4

Gobernador-Heneral Jonvic Remulla

17

Multiple Choice

Nagkaroon ng malawakang taggutom.

1

Kalakalang Galyon

2

Monopolyo sa Tabako

18

Multiple Choice

Nagkaroon ng palitan ng kaalaman sa pilosopiya, teknolohiya at maging sa agham ay nagkaroon ng palitan ng mga kultura at pagpapaunlad ng mga ito.

1

Kalakalang Galyon

2

Monopolyo sa Tabako

19

Multiple Choice

Nakilala ang Pilipinas bilang "Land of Tobacco" dahil sa pag import natin ng mataas na uri ng tabako.

1

Kalakalang Galyon

2

Monopolyo sa Tabako

20

Multiple Choice

Maraming mga magsasaka ang nag alsa dahil sa paraan ni GobernadorHenaral Jose Basco.

1

Kalakalang Galyon

2

Monopolyo sa Tabako

21

Multiple Choice

Maraming bansa ang nakipag kalakal sa atin dahil sa dahong sangkap sa paggawa ng sigarilyo.

1

Kalakalang Galyon

2

Monopolyo sa Tabako

22

Multiple Choice

Napabayaan ang mga obligasyon ng mga pinuno ng bayan at lalawigan sa kadahilanang naging abala sila sa pagsali sa _____

1

Kalakalang Galyon

2

Monopolyo sa Tabako

Q2_W4-W8 - EPEKTO NG KALAKALANG KOLONYAL

KALAKALANG GALYON



MONOPOLYO SA TABAKO

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 22

SLIDE