Search Header Logo
AP Week 5 - Mga Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol

AP Week 5 - Mga Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol

Assessment

Presentation

Social Studies

5th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Dominic Liquido

Used 8+ times

FREE Resource

13 Slides • 13 Questions

1

AP Week 5 - Mga Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol

Slide image

2

Multiple Select

Attendance muna tayo mga bata :)

1

Present

2

....

3

Open Ended

BALITAAN: I-share ang anumang balita o pangyayari na napanood, narinig, o nabasa.

4

Balik-aral: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

5

Multiple Choice

Nagtapos noong 1815, ilang taon bago lumaya ang bansang Mexico mula sa pananakop ng Espanya noong 1821.

1

Polo Y Servicios

2

Sistemang Bandala

3

Kalakalang Galyon

4

Monopolyo sa Tabako

6

Multiple Choice

Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan

1

Polo Y Servicios

2

Sistemang Bandala

3

Kalakalang Galyon

4

Monopolyo sa Tabako

7

Multiple Choice

naging kapaki-pakinabang at naging dahilan upang magpetisyon kay Haring Felipe II ang mga mangangalakal sa Sevilla sa Espanya na protektahan ang monopolyo ng “Casa de Contratacion” na nakabase sa Sevilla.

1

Polo Y Servicios

2

Sistemang Bandala

3

Kalakalang Galyon

4

Monopolyo sa Tabako

8

Multiple Choice

Nagkaroon ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Mexico. Ito ay tumagal mula 1565 hanggang 1815.

1

Polo Y Servicios

2

Sistemang Bandala

3

Kalakalang Galyon

4

Monopolyo sa Tabako

9

Multiple Choice

sapilitang pagtatrabaho nang 40 araw ng lahat ng mga lalaking Pilipino na may gulang na 16 hanggang 60.

1

Polo Y Servicios

2

Sistemang Bandala

3

Kalakalang Galyon

4

Monopolyo sa Tabako

10

BUWIS O TRIBUTO

Tumutol ang maraming Pilipino sa pagbabayad ng tributo dahil na rin sa pang-aabuso ng mga encomendero na lumilikom nito. Bukod sa tributo, marami pang ibang buwis ang ipinataw sa mga katutubo.

11


Ang donativo de zambuanga, falua at vinta ay mga buwis na kailangang bayaran upang suportahan ang hukbong militar sa pagsugpo ng pananalakay ng ilang mga Muslim sa pagkakataong nambibihag sila ng mga katutubo upang ibenta bilang alipin.

12

Naging dahilan din ito upang magkamkam ng pera ang mga tiwaling Espanyol na walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa Espanya. Sa bandang, huli, napagtanto ng mga katutubo na sa halip na mapakinabangan nila ang tributo para matugunan ang mga batayang pangangailangan, lalo pa itong nagsadlak sa kanila sa kahirapan.

13

ROYAL COMPANY 

Real Compania de Filipinas - “Royal Company of the Philippines” - Itinatag noong Marso 10, 1785 - Layunin nitong maitaguyod ang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa. - Walang buwis na ipinataw sa mga produkto mula Europa at Amerika. - Nalugi dahil sa mahinang pangangasiwa ng mga pinuno. Nabuwag noong Setyembre 6, 1984,ang pagkabuwag nito ay nagbukas sa malayang kalakalan.

14

REDUCCION

Sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas, napansin nila agad na

karamihan sa mga katutubo ay nakatira malapit sa ilog, sapa o dagat. Sa

mga nsabing lugar, magkakahanay o linear ang pagkakaayos ng

pamayanan sapagkat sinusunod lamang ng mga kabhayan ang direksyon

sa dalampasigan.

15


Ang sinauang kaayusan ng pamayanan ng mga katutubo ay hindi

pabor sa mga Espnayol. Una, ang ganitong kaayusan para sa kanila ay

hindi nagpapakita ng sibilisasyon sapagkat ang mga sibilisadong tao para

sa kanila at nakatira sa pamayanang may pagkakaayos kung saan may

sentro.


16

Kung gayon malinaw na ipinatupad ang patakarang reduccion upang mas maging madali ang mga sumusunod; pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo, pagpapalaganap ng Kristiyanismo, pangongolekta ng buwis, pagbabantay sa kanila at paghuli sa mga lumalabag sa batas.

17

Gayunpaman, nagdulot ito ng mga negatibong epekto sa mga katutubo sapagkat nalayo sila sa kanilang pinagkukunan na kabuhayan at nawalay sa mga kamag-anakan. Napilitan din silang magbayad ng buwis at sumunod sa patakarang Espanyol dahil ang paninirahan sa pueblo ay may kaakibat ng pagtanggap sa pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.

18

Open Ended

Sa inyong palagay, ano ang naging epekto sa mga Pilipino ang mga patakarang ito?

19

Tukuyin kung anong Patakarang Kolonyal ang tinutukoy

20

Multiple Choice

Layunin nitong maitaguyod ang kalakalan

sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at mapaunlad ang industriya at

agrikultura ng bansa

1

Tributo

2

Reduccion

3

Royal Company

21

Multiple Choice

Naging dahilan din ito upang magkamkam ng pera ang mga tiwaling Espanyol na walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa Espanya.

1

Tributo

2

Reduccion

3

Royal Company

22

Multiple Choice

Walang buwis na ipinataw sa mga produkto mula Europa at Amerika.

1

Tributo

2

Reduccion

3

Royal Company

23

Multiple Choice

Upang mas maging madali ang mga sumusunod; pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo, pagpapalaganap ng Kristiyanismo, pangongolekta ng buwis, pagbabantay sa kanila at paghuli sa mga lumalabag sa batas.

1

Tributo

2

Reduccion

3

Royal Company

24

Multiple Choice

Nagdulot ito ng mga negatibong epekto sa mga katutubo sapagkat nalayo sila sa kanilang pinagkukunan na kabuhayan at nawalay sa mga kamag-anakan.

1

Tributo

2

Reduccion

3

Royal Company

25

Ugaliing i-check ang ating Google Classroom para sa iba pang gawain. Magkakaroon tayo ng Long Quiz sa AP bukas.

26

Kung gayon malinaw na ipinatupad ang patakarang reduccion upang mas maging madali ang mga sumusunod; pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo, pagpapalaganap ng Kristiyanismo, pangongolekta ng buwis, pagbabantay sa kanila at paghuli sa mga lumalabag sa batas.

AP Week 5 - Mga Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE