

FILIPINO 8 KABANATA 3 ARALIN 3
Presentation
•
Education
•
8th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Maricho Barrit
Used 8+ times
FREE Resource
31 Slides • 9 Questions
1
FILIPINO 8
KABANATA 3
ARALIN 3

2
Dokumentaryong Pantelebisyon
Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
3
KASANAYAN
Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan (F8PD-IIIe-f-31)
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31)
Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta) (F8WG-IIIe-f-32)
4
Dokumentaryong Pantelebisyon
5
I. PAGTUKLAS
6
Open Ended
Panuto: Magtala ng mga programang pantelebisyon paborito mong panoorin. Isulat ito sa telebisyon gayundin ang maikling paliwanang kung bakit mo ito paboritong panoorin.
7
Open Ended
Gabay na tanong
1. Paano nakaaapekto ang telebisyon bilang isang midyum ng panitikang popular sa paghubog ng pagkatao ng mga kabataan sa kasalukuyan?
8
Dokumentaryong Pantelebisyon
9
Bukod sa radyo, ang isa pa sa mga itinuturing na mahalagang midyum sa larangan ng broadcasting ay ang telebisyon. Tunay na napakalaki ng epekto nito sa bubay ng mga Pilipino.
10
Alam Mo Ba?
Ang mga Nangungunang Estasyon ng Telebisyon sa Bansa
11
Si Joaquin "Chino" Roces, may-ari ng Manila Times ay binigyan ng isang radio-TV franchise mula sa Kongreso sa ilalim ng Republic Act 2945 noong Hunyo 19, 1960. Pagkatapos ay itinatag niya ang Associated Broadcasting Corporation kasama ang mga unang studio sa Roxas Boulevard, na naging ika-apat na telebisyon network na naitatag sa bansa.
12
Pinatatakbo ng ABC ang mga serbisyo sa radyo at telebisyon mula 1960 hanggang Setyembre 23, 1972 nang ideklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas ng Martial. Parehong ang ABC at ang Manila Times ay pilit na isinara dahil sa mga karibal ng ABS-CBN, RBS, at mga broadcast at radio sa telebisyon at telebisyon ng MBC na isinara din ng batas militar sa araw na iyon.
13
Matapos ang People Power Revolution noong 1986, nakagawa ng matagumpay na representasyon si Chino Roces kasama si Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino para sa pagpapanumbalik ng network. Ang karibal ng ABC sa ABS-CBN ay muling binuksan noong taong iyon ngunit hindi pa nabuksan ang ABC hanggang gumawa ito ng isang broadcast broadcast sa 1991 at sa wakas nabuksan muli noong 1992.
14
Namatay si Chino Roces noong 1988, ngunit ang kanyang anak na si Edgardo Roces ay muling magbukas ng network pagkatapos.
15
Ang mga bagong stockholder na pinamumunuan ng broadcast beterano na si Edward Tan at anak ni Chino Roces na si Edgardo ay nagsimula sa mahirap na gawain sa pagpapatuloy ng mga broadcast.
16
Ipinagkaloob ng Securities
and Exchange Commission ang kanilang aplikasyon para sa isang pagtaas ng capitalization at mga susog sa mga artikulo ng pagsasama at mga batas ng ABC. Kasunod nito ay binigyan sila ng isang pahintulot upang mapatakbo ng National Telecommunication Commission (NTC).
17
Sa kasalukuyan, bukod sa ABS-CBN, na isang malaking estasyon ng telebisyon sa bansa ay nabuo rin ang DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang GMA Network. Itinayo ito ng isang residenteng Amerikano sa Pilipinas na nagngangalang Bob Stewart noong 1960. Kilala ang Estasyong ito sa islogang “Kapuso, anumang kulay ng buhay.”
18
Sa parehong taon ay nabuo rin ang isa pang estasyon, ang TV 5 na dating kilala sa pangalang ABC 5 na pag-aari ng Media Quest Holdings, Inc. Ito ay may islogang “Para sa iyo, Kapatid”
19
Panuto: Talakayin at pag-aral ang isang balitang-ulat ni Amanda Fernandez/FRJ, GMA News na pinamagatang “Pananakit sa Bata bilang Pagdidisiplina Dapat Bang Ipagbawal?”
20
I-klik lamang ang link na makikita sa ibaba upang talakayin ang balitang-ulat ni Amanda Fernandez/FRJ, GMA News
https://www.gmanetwork.com/news/news/ nation/234417/pnoy-to-let-peace-panel-decide-on-npa-truce/story/
21
Open Ended
Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang mga halimbawa ng ilang pangyayaring nagpapakita ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga bata?
22
Open Ended
2. Sang-ayon ka ba na maisabatas ang House Bill 4455 na nagbabawal sa pagsasagawa ng corporal punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina? Bakit?
23
Kasanayang Pangwika
Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
24
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o nagpapahayag.
25
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong makikita sa ibaba ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.
26
1. Sanhi at Bunga- ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na maliwanag na makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga, at iba pa ay madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
27
Halimbawa:
· Nagsikap siyang Mabuti sa kayang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
· Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.
28
2. Paraan at Resulta- Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
· Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
· Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.
29
3. Kondisyon at Resulta – Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
· Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling mahirap.
· Kung nakinig ka sana sa iyong magulang, hindi magiging ganyan ang iyong buhay.
30
4. Paraan at layunin – Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
· Nagsikap siyang Mabuti sap ag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.
· Para makatulong sa magulang, magsikap siya nang husto sap ag-aaral.
31
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili – ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay nagaatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nagaatubili ay bunga ng pag-aalinlangan. Ang salitang hindi, sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya, samakatwid, kung gayon.
Halimbawa:
· Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang baya na iyan.
32
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, simyempre kasama ang pang-ugnay na na at nang.
Halimbawa:
· Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang napatunayan ko ito.
33
SUBUKIN MO.
Panuto: Kilalanin o piliin ang mga konseptong may kaugnayang lohikal sa pangungusap.
34
Multiple Choice
1. Nagsasanay siyang mabuti sa pag-awit, kaya naman napili siyang panalo.
DAHILAN AT BUNGA
PARAAN AT LAYON
PARAAN AT RESULTA
KONDISYON AT BUNGA
35
Multiple Choice
2. Kung maaga kang nagising, sana'y di ka mahuhuli
DAHILAN AT BUNGA
PARAAN AT LAYON
PARAAN AT RESULTA
KONDISYON AT BUNGA
36
Open Ended
Punan ng angkop na ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
3. _____________ magtitiyaga ka lang nang mabuti, Sana'y regular ka na sa trabaho
37
Open Ended
4. Makapagtapos ka sa pag-aaral, __________________ nag-aaral kang mabuti.
38
Open Ended
5. Naglalako siya ng mga paninda, ____________ may makain sa araw-araw
39
Maraming salamat sa kooperasyon, hanggang sa muli.
40
Namatay si Chino Roces noong 1988, ngunit ang kanyang anak na si Edgardo Roces ay muling magbukas ng network pagkatapos.
FILIPINO 8
KABANATA 3
ARALIN 3

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 40
SLIDE
Similar Resources on Wayground
29 questions
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan
Presentation
•
9th Grade
37 questions
Unang Digmaang Pandaigdig
Presentation
•
8th Grade
37 questions
DCP #3 REVIEW!
Presentation
•
7th - 8th Grade
35 questions
APAN 7
Presentation
•
7th Grade
39 questions
Rebolusyong Pranses
Presentation
•
8th Grade
30 questions
FILIPINO 7 Aralin 6
Presentation
•
7th Grade
37 questions
Kaharian ng Srivijaya at Sailendras
Presentation
•
7th Grade
32 questions
ika-12 ng Oktubre 2020
Presentation
•
7th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
School Wide Vocab Group 1 Master
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade