
Talaarawan/ Talambuhay
Presentation
•
World Languages
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Chatleen Til-adan
Used 12+ times
FREE Resource
17 Slides • 7 Questions
1
Talaarawan / Talambuhay
Week 5
2
Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay makapagbibigay ka ng mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan/talambuhay at makasusulat nang may wastong baybay at bantas sa idiniktang talata.
3
Ang talaarawan ay naglalaman ng mga karanasan ng isang tao. Maaari itong maging mahabang salaysay ng lahat ng nangyari sa buong araw. Maaari ring ilarawan ang iyong mga nararamdaman o naiisip habang nagaganap ang mga bagay na ito.
4
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Dito mo rin malalaman ang buhay ng isang tao mula pagkabata hanggang kamatayan,
5
Mga dapat tandaan upang mapadali ang pagsulat ng napakinggang talata.
-Unang Pagbasa: Isulat ang mga salita.
-Ikalawang Pagbasa: Tingnan kung tama ang naisulat. Idagdag ang mga nawawalang salita at palitan ang mga maling salita.
-Ikatlong Pagbasa: Tingnan kung tama ang mga bantas.
6
Isang Araw sa Buhay ni Mang Erning Alab Filipino 5, p.96-97
Marso 12, 2015 Alas-singko ng umaga ako nakarating sa pila. Pangatlo ako kaya maaga akong nakapagsimula ng biyahe. Magkapatid na estudyante ang una kong inihatid sa paaralan.
7
Pagbaba nila, mayroon namang sumakay papunta sa palengke. Tuloy-tuloy ang biyahe dahil maraming pasahero. Halos Iahat sila ay mga mag-aaral na may dalang malalaking bag. Ang ibang mga bata ay inihahatid pa ng kanilang mga magulang.
8
Nagpatuloy ito hanggang alas-otso. Wala ng masyadong pasahero dahil nagsipasok na sa paaralan o sa trabaho ang Iahat. Mahaba na rin ang pila ng traysikel kapag ganitong oras, kaya matumal na ang biyahe. Umuwi muna ako upang mananghalian kasama ang mga bată at palitan ang pundidong ilaw sa kusina. Naihatid ko rin ang kapitbahây naming si Aling Teray patungo sa ospital, May sakit yata ang kaniyang bunso.
9
Napakasikip ng kalsada pagsapit ng alas-singko ng hapon. Marami sanang pasahero, subalit punông-punô rin ng sasakyan ang mga kalye, kayâ mabagal pa rin ang biyahe. Mabuti na lang at may malulusutang mga eskinita na hindi kayâng daanan ng mga kotse o dyip.
10
Naisakay ko ang mga anak ni Mang Teban, kayâ humimpil muna ako sa kanilang tindahan upang doon maghapunan. Sandali lamang akong nagpahinga dahil kailangan ko ring bumalik agad sa biyahe—uwian naman ng mga nagtatrabaho ang hinahabol ko. Doon ako nag-aabang sa sakayan ng dyip—maraming pasahero na ayaw nang maglakad kapag ganitong oras.
11
Alas-diyes ng gabi na ako nakauwi. Tulog na ang mag-iina ko pagdating ko. Nakakapagod ang biyahe, pero kinakaya ko pa rin. Mabuti na nga lamang at maraming pasahero dahil tuloy-tuloy ang kita.
12
May panahon din kasi ang hanapbuhay namin—kapag bakasyon at walang mga estudyante, mahina ang kita. Iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa aking mag-iina. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas. Magpapahinga lamang ako ngayong gabi. Bukas, magbibiyahe akong muli.
13
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa nabasang talaarawan.
14
Open Ended
1. Ano-ano ang mga ginawa ni Mang Erning sa buong maghapon?
15
Open Ended
2. Anong katangian ang taglay ni Mang Erning?
16
Open Ended
3. Bilang isang anak, paano mo masusuklian ang pagsisikap ng iyong magulang upang ikaw ay mabigyan ng maayos na buhay?
17
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Piliin ang tamang sagot tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buong maghapon ni Mang Erning.
18
Multiple Choice
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
A. Pagtaas ng presyo ng gasolina
B. Ang buhay ng ilang mamamayan
C. Iba’t ibang pasahero ng traysikel
D. Isang araw sa buhay ng isang tsuper
19
Multiple Choice
2. Bakit kaunti lamang ang pasahero ni Mang Erning kapag tanghali?
A. Sumasakay sila sa dyip o bus.
B. Nakapasok na sila sa eskuwela o sa trabaho.
C. Walang pasok ang mga estudyante kapag tanghali.
D. Ayaw sumakay ng mga pasahero kay Mang Erning.
20
Multiple Choice
3. Bakit sinabi ni Mang Erning na may panahon ang kanilang hanapbuhay?
A. May mga araw na malamig at may mga araw na mainit.
B. May mga buwan na hindi maaaring magmaneho ng traysikel.
C. May mga araw na malakas ang kita at may mga araw na mahina ang kita.
D. May mga araw na nasisiraan ng traysikel si Mang Erning.
21
Performance Task
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Itala ang mga gawain mo sa buong isang Linggo. Lagyan ito ng petsa o kung kailan mo ito ginagawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Isulat ng may wastong baybay, bantas ang idiniktang talata. Sundin ang mga dapat tandaan sa pagsulat sa napakinggan talata.
23
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Punan ang patlang.
24
Fill in the Blanks
Type answer...
Talaarawan / Talambuhay
Week 5
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 24
SLIDE
Similar Resources on Wayground
19 questions
Revision U3
Presentation
•
5th Grade
20 questions
GIA ĐÌNH THÔNG THÁI
Presentation
•
5th Grade
16 questions
Lekcja 11. Przyjaciel na dobre i złe.
Presentation
•
5th Grade
16 questions
Paraules agudes
Presentation
•
4th Grade
18 questions
Isomeria Espacial (Geométrica)
Presentation
•
KG
19 questions
Leitura - Haicais 6EF
Presentation
•
6th Grade
18 questions
Rodzina wyrazów i wyrazy pokrewne
Presentation
•
4th Grade
20 questions
Wędrówka z Abrahamem - katecheza dla klasy 5
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
15 questions
Grade 3 Simulation Assessment 1
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
4th Grade
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for World Languages
20 questions
preterito vs imperfecto
Quiz
•
5th - 12th Grade
12 questions
Cinco de Mayo Video Quiz
Interactive video
•
1st - 5th Grade
15 questions
Identify Adjectives Quiz
Quiz
•
5th Grade
22 questions
Describing the Weather in Spanish
Quiz
•
3rd - 5th Grade
15 questions
Demonstrative Adjectives
Quiz
•
1st - 5th Grade