Search Header Logo
“Mag-usap Tayo!”

“Mag-usap Tayo!”

Assessment

Presentation

World Languages, Life Skills

5th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Chatleen Til-adan

Used 15+ times

FREE Resource

26 Slides • 21 Questions

1

“Mag-usap Tayo!”

Week 4

Slide image

2


Sa modyul na ito, inaasahang naipapaliwanag mo ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.

3

Open Ended

Ano ang dapat isaalang-alang kung makikipag-usap at makikipagpalitan ng mensahe gamit ang FB Messenger, Skype, twitter, instagram, email at iba pa?

4

Poll

Naranasan mo na ba ang makipag-usap at makipagpalitan ng mensahe gamit ang cellphone, computer at internet?

Opo

Hindi po

5

Gawain sa Pagkatuto 1

Piliin ang tamang sagot

6

Multiple Choice

1. Ito ay isang paraan ng pakikihalubilo sa mga tao na nasa ibang lugar gamit ang kompyuter na konektado sa internet at nakatutulong para mapabilis ang paghahanap ng mga kasagutan o impormasyon.

1

a. netiquete

2

b. no flaming

3

c. chat

4

d. discussion forum

5

e. emoticons/smiley faces

7

Multiple Choice

2. Madalas itong kinahuhumalingan ng mga kabataan lalo na sa paghahanap ng mga bagong kakilala at pakikipag-usap sa mga kaibaigan.

1

a. netiquete

2

b. no flaming

3

c. chat

4

d. discussion forum

5

e. emoticons/smiley faces

8

Multiple Choice

3. Iniiwasan dapat ang labis na paggamit nito sa pakikipag chat para matutukan ang nilalaman ng buong mensahe o impormasyon.

1

a. netiquete

2

b. no flaming

3

c. chat

4

d. discussion forum

5

e. emoticons/smiley faces

9

Multiple Choice

4. Ito ay mga negatibong emosyon na nakadirekta sa sinuman at iba pang mga taga-ambag na hindi katanggap-tanggap at hindi hinahayaan gawing kalapastanganan.

1

a. netiquete

2

b. no flaming

3

c. chat

4

d. discussion forum

5

e. emoticons/smiley faces

10

Multiple Choice

5. Ito ay dapat sinusunod at isinasaalang-alang ng mga gumagamit ng Discussion Forum o Chat para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

1

a. netiquete

2

b. no flaming

3

c. chat

4

d. discussion forum

5

e. emoticons/smiley faces

11

Multiple Choice

6. Ito ay hindi dapat ginagamit sa pagsusulat ng mensahe sa chat para hindi lumabas na naninigaw ang pakahulugan ito.

1

a. Paalala

2

b. ALL CAPS

3

c. web cam

4

d. FB Messenger

5

e. parent/guardian

12

Multiple Choice

7. Isa ito sa mga pinakatanyag at kilalang halimbawa ng Discussion Forum o Chat na ginagamit ng mga tao sa pagpapadala ng mga mhahalagang detalye o impormasyon.

1

a. Paalala

2

b. ALL CAPS

3

c. web cam

4

d. FB Messenger

5

e. parent/guardian

13

Multiple Choice

9. Ito ay pagbabasa ng mga post nang malakas bago ang pagpindot ng send button.

1

a. Paalala

2

b. ALL CAPS

3

c. web cam

4

d. FB Messenger

5

e. parent/guardian

14

Multiple Choice

10. Ito ay pagbabasa ng mga post nang malakas bago ang pagpindot ng send button.

1

a. Paalala

2

b. ALL CAPS

3

c. web cam

4

d. FB Messenger

5

e. parent/guardian

15

Suriin

16

Chat

Ang chat ay isang uri ng impormal na pakikipag-usap o pagpapadala ng mensahe sa isang tao gamit ang internet.

Slide image

17

discussion forum

  • Ang discussion forum naman ay isang uri ng pamamaraan na nakatutulong para mapabilis ang pangangalap ng mga impormasyon sa maraming mga paksa.

18


Ang mga chat room at forum ay parehong pamamaraan upang makipag-usap sa ibang mga tao gamit ang Internet, ngunit ginagamit sa iba't ibang paraan kagaya ng pagnenegosyo. Sapagkat pinapayagan sa chat room na makipag-usap sa mga tao sa nakatakdang oras.

19

. Ang mga forum ay mas angkop para sa mga talakayan kung saan hindi lahat ng mga kalahok ay kailangang maging online sa parehong oras. Mayroon itong mas maayos na talakayan na pinaghiwalay ang mga paksa sa tinatawag na mga “thread," na kung saan minsan ito ay pinapabago kung hindi tumutugma sa usapan.

20

Ang pagsali sa mga discussion forum o chat ay mahalaga at kapakipakinabang lalo na sa negosyo, trabaho at iba pang mahahalagang bagay na kabahagi sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Subalit, mahalagang unawain at unahin ang kaligtasan sa paggamit ng mga ito upang maiwasang mabiktima ng mga mapagsamantala. Kaya naman mayroong mga panuntunan na dapat tandaan at isaalang-alang sa paggamit nito kagaya ng mga sumusunod:

21

Mga Panuntunan sa Pagsali ng Discussion Forum at Chat

22

A. Makilahok:

Ito ay pagbabahagi at pakikibahagi sa kapaligiran. Hindi sapat na mag-login at basahin lamang ang mga discussion thread ng iba. Para sa lubos na pakinabang ang lahat ay dapat mag- ambag.

23

B. Gamitin ang naaangkop na wika:

Kapag ang salita ay hindi maaaring sinasabi sa media o nakapaligid na kapamilya, hindi rin ito maaaring gamitin dito kailanman.

24

C. I-report kung may di-gumagana:

Ang discussion forums ay electronic. Sila ay puweding masira. Kung sa anumang dahilan nakakaranas ka ng hirap na makilahok, mangyaring tumawag, mag-email, o kung hindi man i-report ang isyu. 

25

D. Tulungan ang ibang kalahok:

Maaari kang magkaroon nang higit na karanasan sa online discussion forums kaysa sa tao sa tabi mo. Tulungan natin sila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila na ang mga ito ay hindi mahirap.

26

E. Maging matiyaga:

Basahin ang lahat ng bagay sa thread discussion bago tumugon. Ito ay makakatulong sa iyo na maiwasan ang pag- uulit ng isang bagay sa ibang tao. Kilalanin ang mga puntos na ginawa na kung saan sumasang-ayon ka at magmungkahi ng alternatibo para sa mga hindi mo gusto.

27

F. Maging direkta:

Gusto mong maging malinaw at nakapagsasalita ng iyong punto, iwasan ang mangaral o magarbo. Maging direkta. Manatili sa punto. Huwag mawawala sa sarili, o ang iyong mga mambabasa, sa sobrang masalitang mga pangungusap o talata. 

28

G. Gumamit ng wastong istilo ng pagsusulat:

Kung ikaw ay magsusulat ng isang term paper, tamang pagbabaybay, pambalarilang konstruksiyon at istraktura ng pangungusap ay inaasahan, at iba pa. Ang mga aktibidad ng pagsulat na kaugnay sa akademikong pakikipag-ugnayan sa online na mga talakayan ay hindi naiiba.

29

H. Sipiin ang iyong mga sanggunian:

Kung ang kontribusyon sa pag-uusap kasama ang mga intelektuwal na pag-aari (authored material) ng iba, halimbawa, mga libro, mga pahayagan, magazine, o journal articles-online o sa print, sila ay dapat na binibigyan ng tamang pagpapatungkol.

30

I. Emoticons at texting:

Ang social networking at text messaging ay may nailalarawan na malawakang linguistic shortcut na hindi bahagi ng akademikong dialogue.

31

J. Igalang ang pagkakaiba-iba:

Gumamit ng wikang walang maaaring ipakahulugan na nakakasakit sa iba. Racists, sexist, at heterosexist na mga komento at mga biro ay hindi katanggap-tanggap, dahil ang mga derogatory o sarkastikong komento at pagbibiro ay nakadirekta sa mga paniniwala sa relihiyon, kapansanan at edad. 

32

K. No yelling!:

Ang paggamit ng naka-bold letter upper-case ay masamang porma at tulad ng stomping sa paligid at yelling sa isang tao. 

33

L. No Flaming.

Ang negatibong emosyon na nakadirekta sa sinuman at iba pang mga taga-ambag ay simpleng hindi katanggap-tanggap at hindi hinahayaan gawing kalapastanganan. Ang akademikong kapaligiran ay inaasahan na may mas mataas at maayos na paggamit ng wika. 

34

M. Tandaan:

Maging maingat sa pagpo-post. Suriin ang iyong mga nakasulat na mga post at mga tugon upang matiyak na naipahayag mo nang tama kung ano ang iyong nilalayon. Ito ay isang mahusay na pagkakataon sa pagsasanay ng iyong pagwawasto, rebisyon, at muling pagsusulat ng mga mahalagang kasanayan. 

35

Paalala:

Basahin ang iyong mga post nang malakas bago ang pagpindot ng send button. Ito ay magsasabi sa iyo ng marami tungkol sa kung ang iyong grammar at istraktura ng pangungusap ay tama, ang iyong tono ay angkop, at ang iyong kontribusyon ay malinaw o hindi.

36

Gawain sa Pagkatuto 2:

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang Tama kung wasto ang ipinahahayag nito at Mali kung hindi.

37

Multiple Choice

Ang paggamit ng ALL CAPS (malalaking titik) ay nagpapakita ng tila paninigaw sa ka-chat o sa taong pinadadalhan ng mensahe.

1

Tama

2

Mali

38

Multiple Choice

Mahalagang gamitin ang chat sa mga bagay na hindi makabuluhan

1

Tama

2

Mali

39

Multiple Choice

Iwasan ang paggamit ng web camera o web cam sa pakikipag-chat para hindi makita ang taong kausap.

1

Tama

2

Mali

40

Multiple Choice

Ang discussion forum ay nakatutulong para mapadali ang paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon sa maraming paksa.

1

Tama

2

Mali

41

Multiple Choice

Ang pagsunod sa mga panuntunan sa paggamit ng discussion forum o chat ay isang responsibilidad ng mga miyembro o nais mag-myembro.

1

Tama

2

Mali

42

Multiple Choice

Maging mahinahon sa pakikipag chat at iwasan ang paggamit ng mga sensitibong impormasyon na maaaring makasakit sa mga miyembro nito.

1

Tama

2

Mali

43

Multiple Choice

Maaaring magpost ng kahit na anong mga dokumento kahit ito ay hindi mo ag-aari para mapakinabangan ng iba.

1

Tama

2

Mali

44

Multiple Choice

Ang FB Messenger, Viber at Skype ay ilan lamang sa mga kilalang ginagamit ng mga tao sa pakikipag-chat.

1

Tama

2

Mali

45

Multiple Choice

Ang paggamit ng mga emoticons o smiley ay nakatutulong para maipahayag ng malinaw ang nilalaman ng mensahe.

1

Tama

2

Mali

46

Multiple Choice

Tiyaking hindi mapanira ang mga impormasyong ibabahagi sa discussion forum o chat.

1

Tama

2

Mali

47

Maraming Salamat sa Pakikinig.

“Mag-usap Tayo!”

Week 4

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 47

SLIDE