Search Header Logo
Filipino 6

Filipino 6

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Medium

Created by

Maluisa Gonzalss

Used 2+ times

FREE Resource

9 Slides • 31 Questions

1

Filipino 6

Aralin 12: Nang magtampo ang puno

Slide image

2

Nang magtampo ang puno

May isang puno akong natatanaw

Mula sa bintana niyong aming bahay

Mga ibong doo'y nagaawitan

Isang musikang kay sarap pakinggan.


Ngunit isang araw ay aking nagisnan

Mga batang doo'y nagumpukan

Puno'y inaakyat may tirador pang tangan

Daho'y nalalanta't naninilaw nang tuluyan.



3


Dati-rati ito'y hitik sa bunga

Ang punong malabay tila malungkot na,

Wari'y isang taong nanlulupaypay na

Parang nagwiwikang, "Nais kong mabuhay pa"


Muling binuhay ang punong may lihim

At nanariwa mga dahong masinsin

Sa mga sanga nito'y mga ibo'y mapapansin

Ang puno nagtatampo'y nabuhay mandin.

4

Multiple Choice

tangan

1

dikit-dikit

2

nanghihina

3

nakita

4

sanaga

5

hawak

5

Multiple Choice

Masisinsin

1

dikit-dikit

2

nanghihina

3

nakita

4

sagana

5

nagising

6

Multiple Choice

nanlupaypay

1

nanghihina

2

nakita

3

sagana

4

nagising

7

Multiple Choice

nagisnan

1

dikit-dikit

2

nanghihina

3

nakita

4

nagising

5

sagana

8

Multiple Choice

hitik

1

nanghihina

2

dikit dikit

3

sagana

4

nagising

9

Open Ended

Ano ang natatanaw ng nagsasalita sa tula?

10

Open Ended

Ano ang nakita niya isang araw?

11

Open Ended

Ano ang nangyari sa punong dating hitik sa bunga?

12

Open Ended

Bakit nila binantayan ang puno?

13

Open Ended

Ano ang pagbabagong naganap sa puno mula nang ito ay binantayan?

14

Fill in the Blank

Maririnig ang awitan ng mga ____ sa puno

15

Fill in the Blank

Tila nagsasabi ang punong nanghihina na siya at nagnanais na _______ pa.

16

Fill in the Blank

Ang mga dahon ng puno ay nalalanta na't _________

17

Fill in the Blank

Sinasabi ng nagsasalita sa kanyang amang at _____ ang nangyari sa puno.

18

Fill in the Blank

May hawak na _______ ang mga bata

19

Open Ended

Paano mo pangangalagaan ang puno sa inyong kapaligiran?

20

ISIPIN

Ang paghingi ng pahintulot ay mahalaga sapagkat ito ay nangangahulugan ng paggalang sa karapatan ng iba. Maaaring ang pahintulot ay pagbigyan o di kaya nama'y tnggihan. Sa paghingi ng pahintulot at pagtugon dito ay gumagamit ng mga ekspresyong maayos maging ito ay may pagbibigay o pagtanggi.

21

Open Ended

Hindi ka pa nakakabili ng aklat ngunit kailangan na ninyo ito. Nalaman mong may ganitong aklat ang iyong pinsan na nagamit na niya noong isang taon. Paano ka hihingi ng pahintulot na mahiram ito?

22

Open Ended

Nais mong yayain ang iyong kamag-aral sa isang handaan. Ipagpapaalam mo siya sa kanyang mga magulang. Ano ang sasabihin mo?

23

Open Ended

Gusto mong sumama sa iyong tiya sa pamimili sa mall. Kailangan mo ring magpaalam sa iyong ina. Paano mo ito sasabihin?

24

Open Ended

Mayroon kayong pagsasanay ng sayaw sa bahay ng iyong kamag-aral. Kailangan mong sabihin ito sa iyong ina. Paano ka hihingi ng pahintulot?

25

Open Ended

Napahagis ang iyong bola sa bakuran ng inyong kapitbahay. Hindi ka maaaring pumasok nang walang pahintulot. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

26

Balikan

  • Bawat isa ay dapat marunong humingi ng pahintulot.

  • Sinuman ay maaaring tumanggi sa pahintulot.

  • Marami sa kanila ang hindi na marunong humingi ng pahintulot.

  • Dapat ang lahat ay marunong magpasalamat sa ibinigay na pahintulot.

27

Alamin

Ang Panghalip-Panaklaw ay sumasaklaw sa kaisahan, bilang, dami, at kalahatan


Ito ay maaaring tiyakan o di - tiyakan.

28

Tiyakan

A. Sumasaklaw sa kaisahan

* isa

*bawat isa

* balang

29

B. Sumasaklaw sa dami at kalahatan

* ilan

*tanan

*pawang

*kaunti

*lahat

*madla

*marami

*panay

*iba


30

Di-Tiyakan

*ano(anuman)

*alin(alinman)

*sino(sinuman)

*kanino(kaninuman)

*saan(saanman)

*Kailan(kailanman)

31

Multiple Choice

Sa anumang gagawin ay kailangan ang panalangin

1

anumang

2

kailangan

3

panalangin

4

ang

32

Multiple Choice

Nagpapalitan ng kuro-kuro ang madla

1

nagpapalitan

2

kuro-kuro

3

madla

4

ang

33

Multiple Choice

Ang ilan ay tumikim ng ulam.

1

Ang

2

ilan

3

tumikim

4

ulam

34

Multiple Choice

Ang isa sa kanila ay nagpapasalamat sa panauhin.

1

kanila

2

nagpapasalamat

3

panauhin

4

ang

35

Multiple Choice

Saanman siya pumunta ay laging nakasunod ang kaibigan.

1

saanman

2

siya

3

laging

4

ang

36

Multiple Choice

kailanman ay hindi kami nagsasawang tumulong

1

kailanman

2

hindi

3

nagsasawang

4

tumulong

37

Multiple Choice

Kaunti lamang ang pumasok sa tanggapan

1

kaunti

2

lamang

3

pumasok

4

tanggapan

38

Multiple Choice

Hindi ka na dapat umangal kaninuman niya ibigay ang mga kagamitan.

1

hindi

2

kaninuman

3

niya

4

mga

39

Multiple Choice

Pawang masisipag ang kasama nila

1

pawang

2

kasama

3

masisipag

4

nila

40

Multiple Choice

Marami ang umaasa na magiging maganda ang panahon.

1

marami

2

magiging

3

umaasa

4

panahon

Filipino 6

Aralin 12: Nang magtampo ang puno

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 40

SLIDE