Search Header Logo
Panghalip

Panghalip

Assessment

Presentation

•

Other

•

4th Grade

•

Hard

Created by

Re Jhie

Used 9+ times

FREE Resource

6 Slides • 0 Questions

1

Uri ng Panghalip

Panao

Pananong

Panaklaw

Pamatlig

Pamanggit

Slide image

2

Panghalip na Panaklaw

  • Ang panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatan

  • Dalawang uri ng panghalip na panaklaw

  • 1. tiyakan= isa, lahat, balana, iba, marami, madla, kaunti, tanan, bawat isa

  • 2. di-tiyakan= panghalip na pananong + man

  • hal. sino man, ano man, saan man, kailan man

3

Panghalip Pamatlig = ay mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawa.

  • Unang Panauhan= hawak o malapit sa nagsasalita. Hal. ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, heto,eto

  • Ikalawang Panauhan= hawak o malapit sa taong kinakausap. Hal. iyan, niyan, ganyan, diyaan, hayan, ayan

  • Ikatlong Panauhan= ang pangngalang itinuturo ay malayo sa nagsaalita o kinakausap. Hal. iyon, niyon, noo, gayon, ganoon, doon, hayun, ayun


4

Panghalip Panao = panghalip na pumapalit sa pangalan ng tao

  • Unang Panauhan= ang taong nagsasalita sa pangungusap. Halimbawa ako, ko, akin, kata, kita, tayo, kami,amin, atin

  • Ikalawang Panauhan= ang taong kinakausap. Halimbawa ikaw, ka, mo, iyo,kayo, inyo,ninyo

  • Ikatlong Panauhan = ang panghalip na pinag-uusapan. Halimbawa siya, niya, kanya, sila, nila, kanila

5

Panghalip na Pananong= ay pamalit sa pangngalan sa paraang patanong.

Isahan = sino, nino, sno. kanino, alin, ilan, saan, kailan, gaano, magkano


Maramihan = sinu-sino, ninu-nino, anu-ano, kani-kanino, alin-alin, ilan-ilan, saan-saan, kai-kailan, gaa-gaano, magka-magkano

6

Panghalip na Pamanggit = ay mula sa salitang "banggit" kaya pakahulugang pambanggit o pangsabi ay may mga halimbawang kinabibilangan ng mga salita o pandugtong na na at ng.

Halimbawa

1. Ang lalaki na nakapula ay kapatid ko.

2. Lahat ng bulaklak ay nalanta sa hardin.

pattern-tertiary

Uri ng Panghalip

Panao

Pananong

Panaklaw

Pamatlig

Pamanggit

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 6

SLIDE