Search Header Logo
AP Week 8 Quarter 2

AP Week 8 Quarter 2

Assessment

Presentation

Other

2nd Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Teacher Meljon

Used 1+ times

FREE Resource

19 Slides • 14 Questions

1

AP Week 8 Quarter 2

Grade 2 St. Patrick

Slide image

2

Kahalagahan ng Pagkakakilanlang Kultural ng Komunidad 

Slide image

3

Naaalala mo ba ang mga kuwento tungkol sa mga pagdiriwang sa iyong komunidad? May paborito ka bang pagkain na itinitinda sa iyong

4

komunidad? Mayroon bang lumang bagay sa inyong bahay na may kuwento sa nakaraan? Ang sagot sa mga tanong na ito ay higit na magpapakilala sa iyo sa iyong komunidad. 

5


Ang bawat komunidad ay may kani-kaniyang pagkakakilanlan batay sa kulturang mayroon ito. Ano nga ba ang kultura? Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kasam a ri to ang k augalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. 

6

Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at mga pagdiriwang ay ilan din sa mga bagay-bagay na bumubuo ng tinatawag natin na “kultura”

7


Nakikita mo pa ba ang nasa larawan sa kasalukuyan?


Ano ang tawag sa kaugaliang ito?


Slide image

8

Dapat bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito?

Slide image

9

Ang bawat komunidad ay may kani-kaniyang pagkakakilanlan batay sa kulturang mayroon ito. Ano nga ba ang kultura? Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.

10


Kasama ri to ang kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa.


Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at mga pagdiriwang ay ilan din sa mga bagay-bagay na bumubuo ng tinatawag natin na “kultura”.

11

May dalawang uri ng kultura. Ito ay ang materyal at di-materyal na kultura. Ang materyal na kultura ay hango sa tradisyonal at mga nililikhang mga bagay-bagay ng mga tao. Ito ay nahahawakan at nakikita. 

12


Ang mga halimbawa nito ay mga kasangkapan, pananamit, pagkain at tirahan.

Ang di-materyal na kultura naman ay hindi nahahawakan ngunit nakikita sa mga gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo.

13

Ang halimbawa naman nito ay mga kaugalian, paniniwala, relihiyon, pananalita, sining, pamahalaan at edukasyon.

14

Bawat komunidad ay may sariling kultura na nagpapakilala rito. Mahalaga na bilang bahagi ng komunidad ay maipagmalaki at mapahalagahan mo ito upang mapanatiliang pagkakakilanlan ng sariling komunidad.

15

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:


Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasa.

16

Open Ended

1. Ano ang kahulugan ng kultura?

17

Open Ended

2. Ano ang dalawang uri ng kultura? Ipaliwanag ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.

18

Open Ended

1. Ano ang kahulugan ng kultura? 2. Ano ang dalawang uri ng kultura? Ipaliwanag ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. 3. Bakit dapat pahalagahan ang kultura ng sariling komunidad?

19

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:


Isulat ang T kung tama ang naipahahayag na kaisipan ng bawat aytem at M naman kung mali. 

20

Fill in the Blank

1. Ipagpatuloy ang mga magagandang kaugalian at tradisyon ng sariling komunidad.

21

Fill in the Blank

2. Ang kultura ng sariling komunidad ay ikahiya sa ibang komunidad.

22

Fill in the Blank

3. Ipakilala sa mga taga ibang lugar ang kulturang mayroon ang sariling komunidad sa pamamagitan ng social media.

23

Fill in the Blank

4. Imbitahan ang mga kaibigan na dumalo sa kapistahan ng sariling komunidad kung pinahihintulutan na ng mga awtoridad.

24

Fill in the Blank

5. Ipasyal sa mga makasaysayang lugar sa komunidad ang mga kamag-anak mula sa ibang lugar kung pinahihintulutan na ng mga awtoridad.

25

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:


Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa aralin. Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa kuwaderno.

26

Multiple Choice

1. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.

1

A. kultura

2

B. materyal na kultura

3

C. di-materyal na kultura

4

D. tradisyon

27

Multiple Choice

2. Hango ito sa tradisyonal at mga nililikhang mga bagay-bagay ng mga tao.

1

A. kultura

2

B. materyal na kultura

3

C. di-materyal na kultura

4

D. tradisyon

28

Multiple Choice

3. Hindi ito nahahawakan ngunit nakikita sa mga gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo.

1

A. kultura

2

B. materyal na kultura

3

C. di-materyal na kultura

4

D. tradisyon

29

Multiple Choice

4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng materyal na kultura MALIBAN sa _________

1

A. kaugalian

2

B. tirahan

3

C. kasangkapan

4

D. pagkain

30

Multiple Choice

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng komunidad?

1

A. pagmamalaki ng produkto ng komunidad

2

B. pagsusuot ng damit na gawa sa sariling komunidad

3

C. pag-imbita sa mga kaibigan na bisitahin ang mga lugar sa sariling komunidad kung pinahihintulutan na ng awtoridad

4

D. lahat ng nabanggit

31

Gawain sa Pagkatoto bilang 4:


Panuto: Punan ang patlang ng iyong mga pangako upang mabuo ang diwa ng mga talata. 

32

Open Ended

Ang bawat komunidad ay may pagkakakilanlang kultural. Bilang bahagi ng komunidad tungkulin mong pahalagahan ang pagkakakilanlang kultural ng sariling komunidad. Bilang mag-aaral, dapat ay alam mo ang mga ito. Tandaan, isapuso, pangalagaan at ipagmalaki ang mga ito. Dahil dito, ako ay nangangako na _____________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

33

Mahusay! Binabati kita sa iyong pag-aaral!

Slide image

AP Week 8 Quarter 2

Grade 2 St. Patrick

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 33

SLIDE