
Filipino 6
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Hard
Maluisa Gonzalss
FREE Resource
11 Slides • 21 Questions
1
Aralin
Sa Pagiging Masipag
2
Sa Pagiging Masipag
Iyang kasipagan ay malayo ang mararating
Lalo na't kaakibat ang tiyak na layunin
Kaunlarang nais ay makakamit din
Kasabay ng isang taimtim na dalangin.
May mga patunay sa tunay na buhay
Panaho'y ginugugol sa tamang paraan,
At ang ginagawa'y makabuluhang bagay
Sa pag-unlad ng sarili pati sa pamilya man.
3
Sa Pagiging Masipag
Nasa isip at puso niya yaong paggawa
Hindi ningas-kugon at hindi sa salita
Kanyang natatapos nang maayos at tama.
Isang karangalan ng pamilya't bansa.
May pagliliwaliw rin siya kung minsan
Ngunit ang kasipagan ay nasa katauhan
kaya't di maitatawag kagigiliwan
Ng pamilya't kapwang sa kanya'y nagmamahal.
4
Linangin
Ibigay ang kahulugan ng salitang may guhit sa pangungusap.
5
Fill in the Blanks
Type answer...
6
Fill in the Blanks
Type answer...
7
Fill in the Blanks
Type answer...
8
Fill in the Blanks
Type answer...
9
Fill in the Blanks
Type answer...
10
Palawakin
A. Sagutin ang mga tanong.
B. Sagutin kung tama o mali ang mga pangungusap.
C. Ipaliwanag.
11
Open Ended
Ano ang kaakibat ng kasalanan?
12
Open Ended
Paano ginugugol ng masipag ang panahon?
13
Open Ended
Ano ang hindi ningas-kugon?
14
Open Ended
Bakit ginagigiliwan ang masipag?
15
Open Ended
Ano ang kasipagan para sayo?
16
Multiple Choice
Malayo ang mararating ng kasipagan.
tama
mali
17
Multiple Choice
Hindi na nagliliwaliw ang taong masipag.
tama
mali
18
Multiple Choice
Kinagigiliwan ang taong masipag.
tama
mali
19
Multiple Choice
Ang ningas kugon ay may natatapos na gawain.
tama
mali
20
Multiple Choice
Iniisip ng masipag ang pag-unlad ng sarili at ng pamilya.
tama
mali
21
Open Ended
Taglay mo ba ang pagiging masipag? Sa paanong paraan?
22
Pansinin
Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ay mag-uulat sa inyo tungkol sa isang bisyong nakakasira sa kabataan---- ang droga. Ito ay isang salot sa atin. Ang ganito ay hindi lamang suliranin ng pamilya kundi maging ng lipunan. Maraming kabataan na ang nalulong sa bisyong ito, napariwara ang buhay, at hindi na nakapagpatuloy pa ng pag-aaral. Sinasabing tayo ang pag-asa ng bayan kaya't upang hindi masira ang ating buhay, iwasan natin ito hangga't maaga.
Paano ka mag-ulat? katulad din ba ng kanyang pag-uulat?
23
Isipin
Isang kasanayan ang pag-uulat. Sa pag-uulat ay mahalagang tandaan an maayos na pagsasalita, may pagkakasunod-sunod ang sinasabi tungkol sa inuulat, wastong pagbigkas ng mga salita, at malakas ang tinig habang nag-uulat.
Ang inuulat ay maaaring nakita, narinig, o nabasa. Ito ay naglalaman ng mahahalagang detalye at impormasyong nakalap.
24
Pagsasanay
Paano mo iuulat ang balita sa ibaba? Sundin ang mga paraan sa tamang pag-paguulat.
Ang kalakhang Maynila ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan lalo na sa dakong hapon o gabi. May mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral. Ang look ng Maynila ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang araw ay sisikat sa ganap na 5:50 ng umaga at lulubog dakong 6:09 ng gabi.
25
Balikan
Siya ay nag-uulat tungkol sa droga.
Ang droga ay palasak sa atin.
Ang ganito ay hindi lamang suliranin ng pamilya kundi ng lipunan din.
Tungkol sa kanila ang pinag-uusapan.
26
Alamin
May apat na gamit ang panghalip.
1. Bilang simuno - ito ay pinaguusapan sa pangungusap.
halimbawa:
Siya ay mahusay sa larong ahedres.
Ang ganito ay dapat nating unawain.
2. Bilang kaganapang pangsimuno - tumutukoy ito sa iisang pangngalan lamang. hindi ito ginagamitan ng pandiwa.
halimbawa:
Ang bahay na puti ay amin.
Kayo ang kinatawan sa kumbensyon.
27
3. Bilang tuwirang layon - ito ay tumatanggap ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na ano.
halimbawa:
Ang babae ay nagbigay niyan.
Nagsulat ng ganire si Mira.
4. Bilang layon ng pang-ukol - ito ay gumaganap bilang layon ng pang-ukol sa kaukulang paukol.
Halimbawa:
Tungkol sa amin ang kanilang pinag-uusapan.
Ang balita ay ukol sa atin.
28
Multiple Choice
Ang ganyan ay iniluto na ng aking lola.
simuno
kaganapang pansimuno
tuwirang layon
layon ng pang-ukol
29
Multiple Choice
Ikaw ay magsusulat sa pisara.
simuno
kaganapang pansimuno
tuwirang layon
layon ng pang-ukol
30
Multiple Choice
Ang sinabi ng panauhin ay hingil sa atin.
simuno
kaganapang pansimuno
tuwirang layon
layon ng pang-ukol
31
Multiple Choice
Ang kawani ay nagpaliwanag nito.
simuno
kaganapang pansimuno
tuwirang layon
layon ng pang-ukol
32
Multiple Choice
Tayo ang pag-asa ng bansa.
simuno
kaganapang pansimuno
tuwirang layon
layon ng pang-ukol
Aralin
Sa Pagiging Masipag
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 32
SLIDE
Similar Resources on Wayground
23 questions
Paiement en ligne
Presentation
•
KG
26 questions
Il buon uso del cellulare
Presentation
•
6th - 7th Grade
26 questions
Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
Presentation
•
6th Grade
25 questions
ESP 6-Q4W2
Presentation
•
6th Grade
21 questions
SANHI AT BUNGA
Presentation
•
6th Grade
24 questions
4thPE_Wk2 - Paggawa ng Extension Cord
Presentation
•
5th Grade
26 questions
AP6Q3-Ikatlong Republika ng Pilipinas
Presentation
•
6th Grade
27 questions
dil gelişimi
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
15 questions
Grade 3 Simulation Assessment 1
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
4th Grade
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
36 questions
6th Grade Math STAAR Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
22 questions
6TH GRADE MATH STAAR REVIEW
Quiz
•
6th Grade
14 questions
Context Clues
Quiz
•
4th - 6th Grade
21 questions
6th Grade Math CAASPP Practice
Quiz
•
6th Grade
23 questions
6th Grade Math Review
Quiz
•
6th Grade