
Kung May Tiyaga May Nilaga!
Presentation
•
Other
•
9th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edelyn Gramaje
Used 5+ times
FREE Resource
10 Slides • 16 Questions
1
Kung May Tiyaga May Nilaga!
Aralin 11 sa ESP 9
2
UNANG ARAW
Mag-isip Ka Muna!
3
Multiple Choice
1. Ano ang pinakawastong paraan na nararapat gawin ng isang mag-aaral na halos walang pantustos sa kanyang pag-aaral?
A. Maghanapbuhay na lamang at tumigi sa pag-aaral.
B. Humingi ng tulong sa iba.
C. Ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng mga problemang pinansiyal.
A. Magtrabaho habang nag-aaral.
4
Multiple Choice
2. Isa kang mag-aaral na nahihirapang maunawaan ang mga aralin sa paaralan, ano ang iyong gagawin?
A. Magpaturo sa isang kamag-aral o kaibigan.
B. Maglaan ng panahon upang higit na mapagtuunan ito ng pansin.
C. Makinig at unawain ang itinuturo ng guro.
D. Gumawa lagi ng takdang aralin.
5
Multiple Choice
3. Dahil sa paglaganap ng internet ay mas marami ang mga kabataan na nagsasaliksik na lamang dito sa halip na magbasa ng aklat. Alin sa mga sumusunod ang di-mabuting dulot ng ganitong pagbabago?
A. Lalabo nang husto ang mata ng mga kabataan.
B. Hindi na gaanong magbabasa ng mga aklat ang mga kabataan.
C. Maaaring maling kaalaman ang makuha ng mga kabataan.
D. Masasanay ang mga kabataan sa madaliang pagkuha ng mga sagot.
6
Multiple Choice
4. Kadalasan sa mga mag-aaral na nakakakuha ng mababa o bagsak na marka ay dahil sa kakulangan nila ng tiyaga. Ang pahayag na ito ay…
A. Tama sapagkat magandang katangian ito na kailangan sa pag-aaral.
B. Tama sapagkat may kahirapan ang ilang aralin.
C. Mali sapagkat mas madali na ang mag-aral sa ngayon.
D. Mali sapagkat sa talino nakasalalay ang tagumpay sa pag-aaral.
7
Multiple Choice
5. Bakit nararapat na mismong mag-aaral at hindi kanilang mga magulang ang gagawa ng anumang gawaing pampaaralan?
A. Sapagkat sila ang bibigyan ng marka.
B. Sapagkat masasanay sila sa pagiging palaasa.
C. Sapagkat maaaring hindi nila matutuhan ang konsepto ng aralin.
D. Sapagkat baka mas maganda pa kung sila mismo ang gumagawa.
8
Multiple Choice
6. Ang tiyaga ay paggawa sa kabila ng…
A. Hadlang
B. Tagumpay
C. Lungkot
D. Saya
9
Multiple Choice
7. May kasabihan sa ingles no pain, no gain. Ang ibig ipahiwatig nito ay ang bawat tagumpay ay dapat may kaakibat na…
A. Mga negatibong bagay o emosyon
B. Mga malulungkot na sitwasyon.
C. Mga kahirapan o pagsubok.
D. Mga pagkakasakit pisikal man o emosyonal.
10
Multiple Choice
8. Ano ang positibong dulot ng pagiging matiyaga?
A. Hindi magiging sagabal sa sinuman ang anumang balakid.
B. Matuto siyang makibagay sa anumang balakid.
C. Magiging produktibo siya anuman ang kalagayan niya.
D. May kagalingan siya sa bawat paggawa.
11
Multiple Choice
9. Ang tiyaga ay makikita sa isang kabataan na…
A. Nagpapakita ng kahusayan sa pag-aaral.
B. Mapagkumbaba sa kabila ng tagumpay.
C. Inaabot ang pangarap sa kabila ng suliranin.
D. Hindi nakikibagay sa masamang barkada.
12
Multiple Choice
10. Ano ang sinasagisag ng nilaga sa kasabihang “Kapag may tiyaga, may nilaga?”
A. Pagiging komportable sa buhay kapag natapos ang unos.
B. Pag-abot sa anumang mithiin na pinapangarap ng isang indibidwal.
C. Kaayusan sa buhay ng taong nagtiyaga.
D. Hindi pag-atras sa kabila ng mga balakid
13
Open Ended
II. Magsulat ng limang mabubuting dulot ng pagiging matiyaga ng isang kabataan:
11.
12.
13.
14.
15.
14
SI REBECCA LAGING MAY PAG-ASA
MARISHRYL M. OGALE
15
Mahirap na pamilyaang kinalakihan ni Rebecca. Panganay siya sa sampung magkakapatid at ang tanging ama lamang niya ang bumubuhay sa kanila. Bilang kahalili ng mga kapatid ay malaki ang pananagutan na kanyang ginagampanan sa loob ng tahanan.
16
Siya ang katuwang ng ina sa mga gawain bahay katulad ng paghugas ng pinggan, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke, at maging pagluluto. Isama pa rito ang pagiging mata at bibig ng nanay at tatay niya sa kanilang magkakapatid.
17
Sa kabila nito ay hindi tumigil sa pag-aaral si Rebecca. Pinagsikapan niyang humabol sa mga aralin lalo na sa mga araw na siya ay lumiliban dahil sa kawalan ng ban. Sa gabi bago matulog ay pinag-aaralan niya ang mga itinuturo ng kanyang mga guro sa loob ng silid - aralan. Natuto rin siyang maghanapbuhay upang tustusan ang kanyang pag-aaral.
18
Nagbenta siya ng kakanin sa kanyang mga kaklase at iba pang mag-aaral. Pinag-aralan niya ang pag-aayos ng kuko upang makatulong din sa kanyang pamilya. Ito ay sa kabila ng kanyang mga tungkulin sa loob ng tahanan.
19
Naging lalong kahanga-hanga ang batang si Rebecca nang magtapos na balediktoryan sa elementarya at haiskul. Siya pa rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa kabila ng maraming gawaing pinagtutunan ng pansin. Dahil sa karangalang natanggap nang magtapos ng haiskul ay naging full scholar siya sa kolehiyo na kanyang pinasukan sa loob ng apat na taon.
20
Sa ngayon si Rebecca ay isa nang matagumpay na inhinyera. Ang kanyang buhay ay patunay na hindi sagabal ang kahirapan upang maabot ang mga pangarap. Ipinakita niya na ang pagiging mabuting anak, kapatid, at mag-aaral ay makakamit ang anumang mithiin na tunguhin sa buhay.
21
MGA GABAY NA TANONG:
22
Open Ended
1. Anu-ano ang mga damdaming umiral sa iyo sa pagkabasa ng kuwento ni Rebecca? Bakit?
23
Open Ended
2. Ilarawan ang naging buhay-mag-aaral ni Rebecca.
24
Open Ended
3. Ilarawan ang pamilyang pinagmulan ni Rebecca at ang naging buhay niya sa loob ng tahanan nila.
25
Open Ended
4. Anu-anong katangian na nalinang kay Rebecca dahil sa kalagayan sa buhay?
26
Open Ended
5. Dapat bang tularan si Rebecca? Bakit?
Kung May Tiyaga May Nilaga!
Aralin 11 sa ESP 9
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 26
SLIDE
Similar Resources on Wayground
18 questions
KABANATA I GRADE 10
Presentation
•
10th Grade
22 questions
Q2_W3_Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Bawat Pamilya
Presentation
•
KG
22 questions
Zonobiomi
Presentation
•
9th Grade
17 questions
UNIT IV: ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN
Presentation
•
10th Grade
23 questions
Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng P
Presentation
•
9th Grade
20 questions
4TH QUARTER_FILIPINO (KINDER 2)
Presentation
•
KG
20 questions
CĐ 8.3
Presentation
•
KG
19 questions
Slobodan pad i vertikalan hitac u vis
Presentation
•
10th Grade
Popular Resources on Wayground
6 questions
Secondary Safety Quiz
Presentation
•
9th - 12th Grade
10 questions
Afterschool Activities & Sports
Quiz
•
6th - 8th Grade
19 questions
ROAR Week 2026
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Lab Safety Quiz
Quiz
•
6th Grade
15 questions
Cool Tool:Chromebook
Quiz
•
6th - 8th Grade
22 questions
would you rather
Quiz
•
3rd - 11th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
6 questions
Secondary Safety Quiz
Presentation
•
9th - 12th Grade
19 questions
ROAR Week 2026
Quiz
•
9th - 12th Grade
22 questions
would you rather
Quiz
•
3rd - 11th Grade
55 questions
CHS Student Handbook 26-27
Quiz
•
9th Grade
10 questions
Fact Check Ice Breaker: Two truths and a lie
Quiz
•
5th - 12th Grade
12 questions
Lab Safety Quizizz
Quiz
•
9th Grade
20 questions
1.1 (a) Classifying Polynomials
Quiz
•
9th Grade
15 questions
School-Wide Expectations
Quiz
•
9th - 12th Grade