Search Header Logo
Paraan Ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyo

Paraan Ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyo

Assessment

Presentation

Other

5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

MARY-JOY GARAN

Used 7+ times

FREE Resource

12 Slides • 1 Question

1

Paraan Ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

Unang Linggo

Slide image

2

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  • *Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa, pagtanggap sa kapangyarihang kolonyal/kooperasyon)

3

BALITAAN

Week 1

4

Sa araling ito, malalaman mo ang iba’t ibang tugon ng mga Pilipino sa mga naranasang dusa at hirap sa ilalim ng kanilang pamamahala. Mauunawaan mo kung paano nila hinarap

ang mga pangyayari na nagdulot nang matinding kasawian sa kanila.

5

Tagumpay sa Unang Laban

(Sinulat ni: Nianita S. Pamintuan)

Bansang Pilipinas, perlas ng Silanganan,

Pinagnanasaan dahil sa angking yaman.

Madaling pasukin dahil paligid ay katubigan,

Kaya pagpasok ng mga dayuha’y hindi nahirapan.


6

.

Sa kanilang pagdating katutubo’y nangabigla

Sa tunay na pakay hindi naging handa.

Magalang na pananalita sa mga katutubo ang sinalita

kaya mga datu’t raha ay napaamo talaga.

7

.

Tinanggap nang lubos itong mga dayuhan

At humantong pa sa sanduguan

Ito’y tanda ng kapatiran at samahan

Na magbibigkis sa kanila nang tuluyan.

8

.

Sa pagtalikod ni Lapu-lapu sa mga dayuhan

Animo’y Leon sa galit ay biglang sumalakay.

Sa dalampasigan ng Mactan, naganap ang laban

Na humantong pa sa kamatayan ni Magellan.


9

.

Mabuhay! mabuhay ang tanging sigaw

ng mga katutubong Bisaya na matatapang

na di napaghandaan ng mga dayuhan

at walang nagawa kundi lumisan nang tuluyan.


10

.

Kung may tumanggap, meron ding pumalag

tulad ni Lapu-Lapu na hari ng Mactan.

Hindi napaamo ni Ferdinand Magellan

Kaya’t pakikipagkaibigan ay tinanggihan.

11

Open Ended

1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang tula?

2. Bakit pinagnasahang pasukin ng mga dayuhan ang Pilipinas?

3. Bakit napaamo ng mga dayuhan ang mga datu at raha?

4. Ano ang naging tanda ng pagkakaibigan ng mga dayuhang Espanyol at mga datu o raha?

5. Ano-ano ang naging reaksiyon o tugon ng mga katutubong Pilipino sa pagdating ng mga dayuhan?

6. Ano ang naging damdamin ng mga dayuhan sa pagtanggi ni Lapu-lapu sa alok nilang pakikipagkaibigan?

12

Slide image

13

Slide image

Paraan Ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

Unang Linggo

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 13

SLIDE