Search Header Logo
Kwento: Mahusay na , mas Pinahusay pa!

Kwento: Mahusay na , mas Pinahusay pa!

Assessment

Presentation

Religious Studies

5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Anatolia Maestro

Used 13+ times

FREE Resource

10 Slides • 9 Questions

1

Mahusay na , mas Pinahusay pa!

Slide image

2

Mahusay na, mas Pinahusay pa!

Constancia Paloma


  • Isa si Ernestina sa unang limang nangunguna sa klase. Nag-anunsiyo ang kanilang guro na may limang mag-aaral mula sa ikalimang baitang na mapipili upang maging kinatawan ng isang paligsahang pangkabataan ukol sa teknolohiya sa Lungsod Baguio.


3


Masayang-masaya siya nang malaman iyon dahil hindi pa siya nakararating sa Baguio City. Bukod dito, ibig niyang magkaroon ng maraming kakilala mula sa iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas. Tinawag ng guro si Ernestina, kasama ang apat niyang kamag-aral na nasa top 5, at sinabihan sila na kung sino ang pinakamahusay mag-ulat gamit ang teknolohiya ang pipiliin.

4

Poll

Nakapunta na ba kayo ng Baguio?

Opo.

Hindi pa po.

5


Sinabihan silang magsanay sa paggamit ng Microsoft Word, Excel, at Powerpoint. Isang on-the-spot na pag-uulat ang gagawin nila. Binigyan sila ng guro ng isang linggong palugit upang magsanay sila sa bahay o sa computer shop kung wala silang magagamit sa bahay.

6


Dahil sa matinding hangarin ni Ernestina na maging mahusay sa paggamit ng teknolohiya, hindi muna siya nanood ng palabas sa telebisyon at gumugol ng mahabang oras sa pagte-text. Ginamit niya ang kaniyang oras sa pagsasanay sa teknolohiya. Nagpaturo pa siya sa kaniyang ate na nag-aaral ng computer engineering ng mga pamamaraan sa paggamit ng Powerpoint.

7

Poll

Nasubukan na ba ninyo gumamit ng Powerpoint?

Opo

HIndi pa po

8

Matapos ang isang linggo, pinagsama-sama ng guro ang lima at binigyan ng paksa. Pinagamit sila ng tig-iisang computer. Inatasan sila mag-ulat sa pamamagitan ng Powerpoint, gamit ang wikang Filipino. Pinayagan din silang gumamit ng mga retrato o artwork mula sa internet. Binilinan sila na ipakita ang kanilang pagiging malikhain.

 


9

Binigyan silang lahat ng tatlong oras upang tapusin ang kanilang ginagawa. Ang makukuhang pinakamahusay ang ipadadala sa Baguio upang lumahok sa paligsahan. Sa loob ng tatlong oras, hindi nakaramdam ng pagod si Ernestina. Alam niyang mahusay na siya sa paggamit ng Powerpoint, ngunit higit niyang pinaghusay ang pagsasanay kaya’t hindi siya nahirapan sa ipinagawa ng guro. 


10

Poll

Nais ba ninyong gayahin si Ernestina?

Opo

Ayaw po.

11

Matapos ang tatlong oras, pumasok na ang dalawa pang guro upang humatol kung alin sa lima ang nakagawa ng pinakamahusay na proyekto. Sinabi ng mga hurado na lahat ay magaganda ang nagawa. Pero ang mapipili ay mahusay na, pero higit pa niyang pinaghusay. 


12

Poll

Sa palagay ba ninyo mapipili si Ernestina? Bakit?

Opo, kasi kakilala niya ang mga hurado.

Opo, kasi nagsikap siya at nagsanay mabuti.

Hindi po, dahil may mas magaling pa sa kanya.

13

Tuwang-tuwa si Ernestina nang marinig niya ang kaniyang pangalan. Nagbunga ang kaniyang hangaring higit pang magpakahusay sa anumang proyektong iaatas ng paaralan.


14

Sa wakas, narating niya ang Baguio. Buong husay din niyang ginanap ang tungkulin niya bilang kinatawan ng kanilang paaralan. Nagbunga ito sapagkat nakamit niya ang unang gantimpala na nagbigay sa paaralan niya ng isang computer package at scholarship sa isang paaralan para sa pagtuntong niya sa kolehiyo.

 

Mahusay na, pinaghusay pa!

 iyan si Ernestina!

15

Poll

1. Ano ang ginawa ni Ernestina upang matiyak na ang kaniyang proyekto ay mapipiling pinakamahusay?

nagpaturo siya sa kanyang guro

nangopya siya sa internet

nakiusap sa guro na piliin siya

nagsanay siyang mabuti

16

Poll

2. Bakit gusto ni Ernestina na pumunta sa Baguio?

dahil hindi pa siya nakarating sa Baguio at nais niya magkaroon ng mga kaibigan

dahil maganda sa Baguio may maraming bulaklak

gusto niyang maranasan ang klima sa Baguio

17

Poll

3. Ano ang naging batayan sa pagpili ng magiging kinatawan sa timpalak sa teknolohiya?

pinakamaganda ang nagawang presentasyon

ang may pinakamagandang laptop

pinakamahusay mag-ulat gamit ang teknolohiya

18

Poll

4. Kung ikaw si Ernestina, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang paghahanda? Bakit?

Opo, dahil gusto ko sumikat sa aming paaralan

Opo, dahil gusto kong manalo sa patimpalak para makuha ang premyo.

Opo, dahil gusto kong sumaya ang mga magulang ko.

19

Open Ended

5. BIlang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang media at teknolohiya upang mapahusay pa ang mga gawaing pampaaralan?

Mahusay na , mas Pinahusay pa!

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 19

SLIDE