Search Header Logo
FILIPINO 9 (PARABULA AT TAYUTAY)

FILIPINO 9 (PARABULA AT TAYUTAY)

Assessment

Presentation

Other

4th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Rolanie Bughao

Used 11+ times

FREE Resource

29 Slides • 0 Questions

1

FILIPINO 9 (PARABULA AT TAYUTAY)

Slide image

2

Slide image

3

Slide image

4

Parabula

  • ito buhat sa salitang Griyego na “parabole”. Ito ay matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. 

    - ang Parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at Kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.


  • --------------------------

5

Katangian ng Parabula


  • Tinatawag ding mga Talinghaga o talinghaga.


  • Ang mga ito ay mga maikling kwento na galing sa bibliya na karaniwang nasa anyong patula o di kaya naman ay prosa. Nagbibigay ng payo o aral tungkol sa moralidad o sa relihiyon. Karaniwan, ang mga parabula ay mga kwentong ginagamit ni Hesus sa kanyang pangangaral noong siya ay nabubuhay.

6

Elemento ng Parabula

  • 1. Tauhan - mga karakter na hango sa bibliya na maaaring makapagbigay ng aral sa mga mambabasa ng kwento.

  • 2. Tagpuan - tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kwento.

  • 3. Banghay 

  • 4. Aral

7

Ang Nagpaparumi sa Tao

Mula sa Marcos 7:14-23

Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin!


Hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing pumapasok sa kanyang bibig, kundi dahil sa lumalabas dito. Makinig ang may pandinig!]”


Iniwan ni Jesus ang mga tao, at nang makapasok na siya sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga.



8

----------------

“Pati ba naman kayo ay hindi pa rin makaunawa?” tanong ni Jesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing ipinapasok niya sa kanyang bibig, sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.


9

-------------

At sinabi rin niya, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan.


Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay nanggagaling sa puso at dahil sa mga ito ay nagiging marumi ang tao.”

10

Aral:

Ang puso ng tao ay lubhang makasalanan. Dito nagmumula ang pagnanasa ng tao na nakagawa ng kasalanan tulad ng pagsisinungaling, pagnanakaw, pagpatay, pagmumura, at marami pang iba. Kung ano ang ikinikilos at sinasabi natin ay may malaking parte ang ating puso dito. Gayunpaman, ang Diyos ay nag-aalok ng paglilinis sa ating mga puso. Siya lamang ang kayang makapagpabago at maglinis sa ating pusong masuwayin. Manalangin ka sa Diyos na ikaw ay Kanyang katagpuin upang magkaroon ka ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos pagdating ng panahon. Hilingin mo sa Kanya na bigyan ka ng bagong puso at tulungan kang huwag makagawa ng kasalanan upang sa Kanyang muling pagbabalik ay makasama ka sa Kanyang kaharian.

11

https://www.youtube.com/watch?v=OgpZLa1TEzs

-------------------

12

TAYUTAY

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.


13

Mga Uri Ng Tayutay

1. Pagtutulad (Ingles: Simile)

Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.


Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad

Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.


14

2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)

Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.


Si Jon ay lumalakad na babae.

Malakas na lalaki si Ken.


15

3. Pagsasatao (Ingles: Personification)

Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.


Ang mga damo ay sumasayaw.

Tumatawa ng malakas ang mga puno.


16

4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)

Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.


Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.

Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.

17

5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony)

Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pang-aasar ito sa tao o bagay.


Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.

Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tigyawat ng mukha mo.


18

6. Paglipat-wika

Ito ay paggamit ng pang-uri upang ilalarawan ang mga bagay.


Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita ng kanyang emosyon ngayon.

Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.


19

7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)

Pagbanggit ito sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.


Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila

Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.


20

8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)

Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.


O Pag-ibig, nasaan ka na?

Galit, layuan mo ako magpakailanman.


21

9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)

Mga tanong ito na hindi nangangailangan ng sagot.


Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahalin?

Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga problema natin?


22

10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)

Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.


Igalang dapat ang mga maputing buhok.

Mas magiting ang panulat kaysa espada.


23

11. Panaramdam (Ingles: Exclamatory)

Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin


Noon, kapag nakikita kita, punong-puno ako ng kaligayahan at kilig per ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot.


24

12. Tambisan(Ingles: Antithesis)

Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita.


Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.

Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.


25

13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia)

Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.


Narinig ko ang tiktok ng orasan.

Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy.


26

14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration)

Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.


Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.

Masipag maglaba ang mga magulang ko.


27

15. Pagtanggi(Ingles: Litotes)

Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.


Hindi niyo ako maloloko

Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.


28

16. Salantunay(Ingles: Paradox)

Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.


Ang mga laging talo sa buhay ang nagtagumpay.

Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.


29

8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)

Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.


O Pag-ibig, nasaan ka na?

Galit, layuan mo ako magpakailanman.


FILIPINO 9 (PARABULA AT TAYUTAY)

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 29

SLIDE