Search Header Logo
Oras Ko, Gagamitin Ko ng Wasto!

Oras Ko, Gagamitin Ko ng Wasto!

Assessment

Presentation

Other

9th Grade

Easy

Created by

Edelyn Gramaje

Used 2+ times

FREE Resource

8 Slides • 5 Questions

1

Oras Ko, Gagamitin Ko ng Wasto!

IKATLONG ARAW

Slide image

2



Si Roberto Ka Ba o si Ben?


 Basahin ang tula sa ibaba at humandang sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.


3

Si Roberto Ka Ba o si Ben?


Kung magpapakatotoo sa sarili sino ka bang talaga?          

 Si Roberto na lakwatsero o si Ben na sa oras ay nagpapahalaga?      

Isa ka bang aral nang aral o mas pipiliin mong tumunganga? 

 Gawi mo ba’y dapat iwasto o bigyan ng paghanga?


Slide image

4


Paano masasalamin si Ben sa iyong buhay mag-aaral?         

Ang ibigay ang tuon sa mga aralin sa iyo ba’y natural?     

Sa bawat asignatura o proyekto ikaw ba’y nagpapagal?

Mga gawaing maituturing na bisyo para sa iyo ay sagabal? 

Slide image

5

O kaya naman ikaw ay si Roberto na siyang kabaligtaran?                                                        

Na laging abala sa pinagtutuunang mga libangan?

Isang mag-aaral na tila bagot na bagot sa paaralan?

At mas nais ang magbabad sa mga tambayan?  

Slide image

6

Napansin mo ba ang epekto ng paggamit sa oras nang wasto?                                             

 Pagpapahalaga sa oras dapat isaisip kahit sino.

Kung ang mabuting pagkakataon ay sinayang mo,

Oras at panahong lumipas di na babalik sa iyo!  

Slide image

7

MGA GABAY NA TANONG:

Iencode ang iyong mga kasagutan sa bawat tanong.

8

Open Ended

1. Anu-ano ang mga damdaming umiral sa iyo habang binabasa ang kuwento nina Ben at Roberto? Bakit?

9

Open Ended

2. Paano inilarawan ng tula ang pagkakaiba ng dalawang binatilyo?

10

Open Ended

3. Anu-anong mga pamamaraan ang isasagawa upang mas masalamin sa iyong buhay ang pagkakatulad kay Ben?

11

Open Ended

4. Kung ikaw ang pipili ng kaibigan sa dalawa, sino ang pipiliin mo? Bakit?

12

Open Ended

5. Kung may kaibigan kang katulad ni Roberto, paano mo siya matutulungang magbago?

13

SALAMAT

MAKIBAHAGI SA SUSUNOD NA TALAKAYAN SA SUSUNOD NA MIYERKULES.

Oras Ko, Gagamitin Ko ng Wasto!

IKATLONG ARAW

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 13

SLIDE