

ARALING PANLIPUNAN - Paghihiwalay ng Kapangyarihan
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edzel Madriaga
Used 5+ times
FREE Resource
22 Slides • 11 Questions
1
ARALING PANLIPUNAN 4 -Paghihiwalay ng Kapangyarihan at Check and Balance sa mga Sangay ng Pamahalaan

2
Mga Ahensiya sa Ilalim ng Sangay na Tagapagpaganap
3
Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture, DA)
-Ito ang nangangasiwa sa mga usapin at programa hinggil sa agrikultura ng bansa.
4
Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education, DepEd)
-Ito ang nangangasiwa at nagpapatupad ng programa sa edukasyon sa bansa maging publiko man o pribaadong paaralan.
5
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment, DOLE)
-Tungkulin ng kagawarang ito na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa loob o labas man ng bansa. Gayundin ang pagpapatupad ng mga batas sa paggawa.
6
Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance, DOF)
-Ito ang nangangasiwa sa mga usaping may kinalaman sa pananalapi ng bansa.
7
Kagawaran ng Katarungan (Department of Justice, DOJ)
-Ito ang nangangasiwa sa mga usaping may kaugnayan sa hustisya gaya ng pagkakaloob ng payong legal sa mga usapin sa pamahalaan, at pagkakaloob ng parole o ang pansamantala o lubos na paglaya ng isang bilanggo.
8
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs, DFA)
-Lahat ng mga usapin sa ugnayang panlabas ng bansa maging ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino sa labas ng bansa ay pinangangasiwaan ng kagawarang ito.
9
Kagawaran ng Pagawaing Pambayan at Lansangan (Department of Public Works and Highways, DPWH)
-Ang pangangasiwa sa mga programang impraestruktura tulad ng mga gusali, daan, at tulay ay nasa ilalim ng kagawarang ito.
10
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense, DND)
-Ito ang naatasang manguna sa pangangasiwa at pangangalaga sa seguridad ng bansa.
11
Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health, DOH).
-Ang ahensiyang ito ang nangunguna sa pangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa.
12
Kagawaran ng Industriya at Kalakalan (Department of Trade and Industry, DTI)
-Ang usapin hinggil sa pagpapaunlad ng kalakalan at industriya ngbansa ay pinamumunuan ng ahensiyang ito. Maging ang pagtiyak sa tamang presyo ng mga bilihin ay pinangangasiwaan nito.
13
Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development, DSWD)
-Ang ahensiyang ito ang nangangasiwa at nagkakaloob ng iba’t ibang serbisyong panlipunan lalo na sa mga kapusplad na mamamayan.
14
Kagawaran ng Repormang Pansakahan (Department of Agricultural Reform, DAR)
-Ipinatutupad ng ahensiyang ito ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa mga repormang agraryo.
15
Kagawaran ng Likas na Yaman at Kapaligiran (Department of Environment and Natural Resources, DENR)
-Kabilang sa mga gawain ng ahensiyang ito ang pagtiyak na napapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa.
16
Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan (Department Interior and Local Government, DILG)
-Ang ahensiyang ito ang namamahala sa mga usaping may kinalaman sa mga lokal na pamahalaan.
17
Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (Department of Transportation and Communication, DOTC)
Pinagtutuunan ng ahensiyang ito ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon sa bansa. Ito ang nangangasiwa sa pagkakaloob ng prangkisa sa mga komunikasyon at telekomunikasyon gayundin ng mga kagamitan na may kaugnayan dito.
18
Kagawaran ng Enerhiya (Department of Energy, DOE)
Ito ang kagawaran na nangangasiwa sa tiyak na pagkakaroon ng sapat na tustos ng koryente sa bansa. Minamatyagan din nito ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
19
Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (Department of Budget and Management, DBM)
-Ang namamahala sa tamang paggastos ng pamahalaan sa kaban nito ang pangunahing gawain ng ahensiyang ito. Nababatay ang gawaing ito sa batas sa pambansang gastusin ng pamahalaan o ang General Apppropriation Act.
20
Kagawaran ng Turismo (Department of Tourism, DOT)
-Ito ang ahensiyang nangangasiwa sa mga usapin kaugnay ng turismo o pagpapakilala tungkol sa Pilipinas sa loob at labas man ng bansa.
21
Tayahin A
A. Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat bilang.
22
Multiple Choice
1. Anong sangay ng pamahalaan ang pinakamataas ang kapangyarihan?
a. Tagapagpaganap
b. Tagpagbatas
c. Tagapaghukom
d. Wala
23
Multiple Choice
2. Ilang kapulungan ang bumubuo sa Kongreso?
a. Isa
b. Dalawa
c. Tatlo
d. Apat
24
Multiple Choice
3. Ano ang bumubuo sa mataas na kapulungan?
a. Senado
b. Kapulungan ng mga Kinatawan
c. Pangulo
d. Mahistrado
25
Multiple Choice
4. Ilang senador ang bumubuo sa Senado?
a. 12
b. 15
c. 24
d. 30
26
Multiple Choice
5. Anong sangay ng pamahalaan ang nagpapaliwanag ng mga batas?
a. Tagapaghukom
b. Tagapagpaganap
c. Tagapagbatas
d. wala
27
A. Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat bilang.
28
Multiple Choice
1. Namamahala sa pangongolekta ng mga buwis.
29
Multiple Choice
2. Nangangasiwa sa pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.
30
Multiple Choice
3. Nangangalaga sa kalikasan laban sa kapabayaan at pang-aabuso.
31
Multiple Choice
4. Namamahala sa pagbibigay ng edukasyon sa ilalim ng K-12 kurikulum.
32
Multiple Choice
5. Nangasiwa sa mga usapin at programa hinggil sa Agrikultura ng bansa.
33
Open Ended
Matapos mo mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayahan upang maging ganap ang pagkakatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin, ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong pagmamalaki;
● Ang aking natutuhan sa aralin na ito ay __________________.
ARALING PANLIPUNAN 4 -Paghihiwalay ng Kapangyarihan at Check and Balance sa mga Sangay ng Pamahalaan

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 33
SLIDE
Similar Resources on Wayground
25 questions
Decoding, prefix and suffix
Presentation
•
KG
31 questions
EPP (HOME ECONOMICS)
Presentation
•
4th Grade
22 questions
Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas
Presentation
•
4th Grade
25 questions
3RD SUMMATIVE TEST AGHAM
Presentation
•
3rd Grade
25 questions
Particle (Kataga)
Presentation
•
3rd Grade
23 questions
FILIPINO 3 Q1Week 4 Lesson
Presentation
•
3rd Grade
24 questions
Salitang Magkasalungat
Presentation
•
3rd Grade
24 questions
Grade 3 Axies
Presentation
•
3rd Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
35 questions
4th Grade Math SOL Review
Quiz
•
4th Grade
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade
14 questions
Context Clues
Quiz
•
4th - 6th Grade
25 questions
4th Grade End of Year Math Review
Quiz
•
4th Grade
12 questions
Figurative Language
Quiz
•
4th Grade