
Quarter 3: MTB: Week 5-6
Presentation
•
Other
•
2nd Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Teacher Meljon
Used 6+ times
FREE Resource
17 Slides • 6 Questions
1
Quarter 3: MTB: Week 5-6
Paggamit ng Salitang Kilos sa Pagsasalaysay ng Simpleng Karanasan at Pagsunod sa Panuto
Layunin:
Nakagagamit ka ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga simpleng karanasan at sa pagbibigay ng mga panuto
2
📌
Natatandaan mo pa ba ang mga pangyayaring naganap sa iyong buhay? Kaya mo bang isalaysay ang mga iyon? Alam mo ba ang tawag sa mga ito?
3
💡
Masasabing ang mga nagawa, naisip, pati ang naamoy, nalasahan, nahawakan, nadama at narinig mo ay mapapasama na sa iyong karanasan.
Halimbawa, may tinulungan kang isang tao. Nagpasalamat siya sa iyo. Dahil dito, nakadama ka ng kakaibang saya sa iyong ginawa. Alam mo na ngayon ang pakiramdam ng nakatutulong sa iba at tapat na pinasasalamatan.
4
💡
Sa pagsasalaysay mo ng mga simpleng karanasan at sa pagsunod sa panuto, madalas na gumagamit ka ng salitang kilos o pandiwa. Kung maaalala mo, tinatawag na pandiwang pangnagdaan ang tawag dito. Nangangahulugan na tapos na o naganap na.
Paano nga ba isinasalaysay ang isang simpleng karanasan? Basahin mo ang halimbawa sa ibaba.
5
6
Tingnan muli ang mga salitang may salungguhit. Ang mga salitang pumasyal, nakita, itinanim, inilapit, nasabi, at diniligan ay mga kilos na naganap na.
Nagkakaroon ka rin ng karanasan mula sa pagsunod sa mga panuto. Kapag sinabing panuto, maiuugnay ito sa direksyon o mga hakbang upang magawa ang isang bagay.
7
👀
Upang maging mas malinaw, gumagamit tayo ng mga salita na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin. Ang hindi pagsasagawa ng isang hakbang ay magdudulot ng pagkakamali. Sa huli, maaaring hindi matamo ang nais na mangyari, maganap, o magawa.
8
🖐
Basahin ang kasunod na halimbawa na hango sa kuwentong nasa Pahina 24.
Ano-ano nga ba ang panutong sinunod ni Annie?
9
10
🎯
Sa araw-araw mong karanasan ay may mga panuto kang sinusunod. Maaaring hindi mo lamang ito napapansin. Halimbawa nito ay ang ginagawa mo pagkagising.
Pagkagising ay una mong ginagawa na iligpit ang iyong hinigaan. Pangalawa ay nagsisipilyo at nag-aayos ng sarili. Pangatlo ay kakain ka ng agahan. Maaaring maiba ito ayon sa iyong nakasanayan.
🎯
11
👇
Mahalaga rin ang pagsunod sa mga panuto sa pagluluto. Marunong ka na bang magsaing ng bigas? Mainam na habang bata ka pa ay marunong ka na nito. Tingnan ang mga panuto sa ibaba.
12
13
👇
Makikita na ang may salungguhit ay mga salitang kilos. Ang mga may bilog naman ay mga salitang pananda ng pagkakasunod-sunod.
Napansin mo bang hindi sila nakaayos nang tama? Ano kaya ang mangyayari sa sinaing kung ito ang susundin? Malamang walang malulutong kanin. Ang tamang pagkakasunod-sunod ay: D, F, B, E, C, A.
14
📝
Ngayon naman ay subukin mo ang iyong kakayahan sa tulong ng mga gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Piliin ang letra ng dapat na kasunod na gagawin.
15
Multiple Choice
Pagligo
1. Basain ang buong katawan.
2. Magsabon at mag-shampoo.
3. ______________________
A. Magbanlaw
B. Maghilod
C. Magsepilyo
16
Multiple Choice
Panonood ng balita
1. Basahin ang ulo ng balita.
2. Pakinggan ang sinasabi ng reporter.
3. ___________________
A. Takpan na ang TV.
B. Hintayin ang iba pang balita.
C. Tingnan ang suot ng reporter.
17
Multiple Choice
Kapag nasa loob ng silid-aralan
1. Pakinggang mabuti ang sinasabi ng guro.
2. Hintayin kung may itatanong o ipagagawa ang guro.
3. ______________________
A. Makipag-usap sa katabi
B. Matulog
C. Itaas ang kamay bago sumagot
18
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Piliin ang kilos na Hindi dapat gawin sa susunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
19
Multiple Choice
1. Pagsagot sa mga gawain sa modyul
A. Gumawa nang tahimik.
B. Magpatulong kung kinakailangan.
C. Ipagawa sa nanay.
20
Multiple Choice
2. Pagkain ng hapunan
A. Magpasalamat sa biyaya.
B. Kunin ang ulam ng katabi.
C. Magdahan-dahan sa pagnguya.
21
Multiple Choice
3. Bago matulog
A. Kumain ng kendi
B. Magsepilyo
C. Magdasal
22
23
😃
Maraming salamat sa iyong matiyagang pag-aaral!
Quarter 3: MTB: Week 5-6
Paggamit ng Salitang Kilos sa Pagsasalaysay ng Simpleng Karanasan at Pagsunod sa Panuto
Layunin:
Nakagagamit ka ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga simpleng karanasan at sa pagbibigay ng mga panuto
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 23
SLIDE
Similar Resources on Wayground
16 questions
la fourmi et l'araignée lecture
Presentation
•
2nd Grade
20 questions
HEALTH LAS # 3
Presentation
•
2nd Grade
15 questions
Watawat ng Pilipinas
Presentation
•
2nd Grade
18 questions
FILIPINO 3
Presentation
•
3rd Grade
15 questions
filipino 2
Presentation
•
2nd Grade
18 questions
Ap 3 WEEK 7
Presentation
•
3rd Grade
18 questions
Filipino Class Q2_week2
Presentation
•
2nd Grade
16 questions
[MNL] R1 Assessment Review
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade