Search Header Logo
PE_Ritmikong Gawain

PE_Ritmikong Gawain

Assessment

Presentation

Physical Ed

2nd - 3rd Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Agnes Sara

Used 11+ times

FREE Resource

10 Slides • 5 Questions

1

PE:Ritmikong Gawain

Sa aralin na ito ay matututuhan mong isagawa ang ibat-ibang klase ng kilos na naaayon bilang tugon sa mga tunog na iyong maririnig.

Slide image

2

Ang bawat pagkilos kapag isinasagawa sa wasto at sa tamang paraan na may tamang bilis, lakas, at daloy ay nagiging isang kilos na hindi pangit tignan at hindi nakasasama sa mga parte ng katawan na ating ginagamit sa naturang pagkilos. Ibig sabihin, ang wastong paggamit ng ating katawan sa wastong pagkilos ay nakatutulong nang husto upang mapanatiling maayos ang ating katawan. Kagaya rin ito ng wastong pagkilos sa pagsasayaw.


Slide image

3

Ang ating pagkilos ay maihahalintulad sa pagsasayaw. May mga kilos tayong isinasagawa sa limitadong pagkilos at may mga kilos na naisasagawa sa malayang pagkilos. Ang mga pagkilos na katulad ng pagsasayaw ay maaaring alinman sa dalawa.


Slide image

4

Sa ngayon ay mag-aaral tayo ng ibat-ibang kilos sa pagsayaw na ating gagamitin sa iba-ibang tugtog o tunog. 


Slide image

5

Touch Step (Point, Close)

Ihakbang ang kanang paa sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng iyong puwesto o 45° mula sa harap papuntang kanan. Sa paglapag ng iyong paa ay ituro gamit ang mga daliri sa paa ang lapag. Isara ang mga paa sa pamamagitan ng pagbalik ng paa sa unang puwesto. Matapos nito ay ulitin lamang sa kaliwang paa.

Slide image

6

Swing Step (Step, Close, Point)

Humakbang gamit ang kanang paa kasunod ng pagsasara ng hakbang gamit ang kaliwang paa. Iangat ang katawan nang bahagya sa pamamagitan ng pagtingkayad o pag-angat gamit ang mga daliri sa paa. Gawin din ito sa kaliwa, gamit ang kaliwang paa upang ihakbang kasunod ng pagsara ng kanang paa. Muling iangat nang bahagya ang katawan sa pamamagitan ng pagtingkayad.

Slide image

7

Point Step (Step, Point)

Ihakbang ang kanang paa kasunod ng pagturo gamit ang kaliwang paa papunta sa kaliwa. Kasunod nito ay ihakbang ang kaliwang paa kasunod naman ang pagturo gamit ang kanang paa. Maaari itong gawin sa kahit anong direksiyon.

Slide image

8

Close Step (Step, Close)

Ihakbang ang kanang paa kasunod ng pagturo gamit ang kaliwang paa papunta sa kaliwa. Kasunod nito ay ihakbang ang kaliwang paa kasunod naman ang pagturo gamit ang kanang paa. Maaari itong gawin sa kahit anong direksiyon.

Slide image

9

Hop Step (Step, Hop)

Humakbang gamit ang kanang paa. Kasunod nito ay paglukso gamit ang kanag paa at pagbagsak gamit pa din ang parehong paa. Kasunod nito ay ang paggawa din nito sa kaliwang paa sa pamamagitan ng paghakbang gamit ang kaliwang paa habang sinusundan ng pagukso gamit pa din ang kaliwang paa at pagbagsak sa parehong paa.

Slide image

10

GAWAING SA PAGKATUTO

Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung anong kilos sa pagsayaw ang inilalarawan. Pilin ang tamang sagot.

Slide image

11

Multiple Choice

Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa papamagitan ng paghakbang gamit ang kanang paa na sinusundan ng paglukso at pagbagsak gamit pa din ang parehong paa. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

1

Hop Step

2

Swing Step

3

Touch Step

4

Close Step

5

Point Step

12

Multiple Choice

Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa kasunod ang pagturo sa sahig gamit ang kaliwang paa. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

1

Hop Step

2

Swing Step

3

Touch Step

4

Close Step

5

Point Step

13

Multiple Choice

Ang pagsasayaw na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa kasunod ang pagsasara ng mga paa gamit ang kaliwang paa. Pagkasara ng mga paa ay ang bahagyang pag-angat ng katawan sa pamamagitan ng pagtingkayad. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

1

Hop Step

2

Swing Step

3

Touch Step

4

Close Step

5

Point Step

14

Multiple Choice

Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng puwesto ng mananayaw o sa 45° mula sa harap papuntang kanang bahagi ng puwesto. Sa paglapag ng iyong paa ay ituro gamit ang mga daliri sa paa ang sahig o lapag. Matapos nito ay ibalik ang parehong paa pa din sa una nitong puwesto. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa.

1

Hop Step

2

Swing Step

3

Touch Step

4

Close Step

5

Point Step

15

Multiple Choice

Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa sa harapang bahagi ng puwesto. Kasunod nito ay ang pagsasara ng mga paa gamit ang kaliwang paa. Sinusundan ito ng parehong kilos sa kabilang paa. Maaari itong gawin sa kahit na anong direksiyon

1

Hop Step

2

Swing Step

3

Touch Step

4

Close Step

5

Point Step

PE:Ritmikong Gawain

Sa aralin na ito ay matututuhan mong isagawa ang ibat-ibang klase ng kilos na naaayon bilang tugon sa mga tunog na iyong maririnig.

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 15

SLIDE