Search Header Logo
Modyul 7:  Pagsusuri kung ang Pahayag  ay isang Opinyon o Ka

Modyul 7: Pagsusuri kung ang Pahayag ay isang Opinyon o Ka

Assessment

Presentation

Education

6th Grade

Hard

Created by

ALELI GALVEZ

FREE Resource

14 Slides • 0 Questions

1

Modyul 7: Pagsusuri kung ang Pahayag ay isang Opinyon o Ka

Slide image

2

Pagbasa

Berdeng Hinlalaki-Meron Ka ba Nito?

ni Lydia E. Abegonia

Tinawag si Aling Mila na may berdeng hinlalaki (Green thumb). Mahusay daw kasi siyang magparami ng halaman. Simula noong Marso 2020, panahon ng pandemya, naging uso ang paghahalaman. Ang iba ay ginawang libangan at ang iba naman ay naging pagkakakitaan. Alin man sa dalawa ay parehong kapaki-pakinabang at malaking

3


tulong upang maibsan ang kalungkutan o maibaling ang pangamba at takot sa mga nangyayari sa kapaligiran. Nagiging libangan ito sapagkat madalas nasa bahay at lalabas lang kung may kailangang gagawin sa labas gaya ng pamamalengke o mahahalagang asikasuhin. Ang tatlong magkakapatid na sina Aling Mila, Letty at Norma ay nakahiligan nang magtanim-tanim. Nauna rito ay si Aling Mila kung saan, dati nang may mga halaman sa bakuran. Pinarami niya ito at nagdagdag pa ng mga kakaiba na nabili niya sa isang halamanan. Bumili ng plastik at lupa saka niya pinag-uugat ang mga kaputol na sanga hanggang sa lumago.

4

Dahil nasa tabing kalsada o highway ang kanilang bahay, madaling makita ang mga halaman niya, na may iba’t ibang kulay at klase. Mga nakasakay man o naglalakad ay napapamangha at di maiwasang magtanong kung pambenta ba o puwedeng makahingi. Ang gawain niya ay magbibigay lang kung papalitan ng halaman na wala siya. Kung walang kapalit ay kaniyang ipinagbibili. Sa ngayon, sa halaman na siya nabubuhay at kumukuha ng panggastos sa araw- araw

5

Minsan dumalaw ang dalawa niyang kapatid na sina Aling Norma at Aling Letty. Natuwa at nabighani sa ganda ng paligid dahil sa mayayabong at makukulay ang magkakaibang halaman niya. Bumili rin sila ng tig-iisang uri ng halaman niya at pag-uwi sa kani-kanilang tirahan ay nagsubok din magtanim dahil di na sila gaanong nakakalabas ng bahay. Makalipas ang ilang buwan ay pare-pareho na silang nagbebenta ng halaman. Madalas magbidahan kung magkano ang kinikita nila. Kabisado na rin ang mga panga-pangalan ng mga halaman na kanilang itinatanim at ibinebenta. Maliban doon ay natutuhan na ring mag- picture at magpost sa social media. Dahil doon ay dinarayo na rin sila ng mga mamimili galing sa ibang lugar.


6

Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang ibig sabihin ng berdeng hinlalaki batay sa akda?

2. Meron bang kinalaman ito sa paraan ng paghahalaman?

3. Kailan ba nauso ang plantita-plantito?

4. Ano ang mabuting dulot ng paghahalaman sa buhay ng tatlong magkakapatid?

5. Sino sa tatlo ang naunang magpadami ng halaman?

6. Kung sa inyong tirahan o lugar ay maraming halaman, ano ang pinakamainam mong gawin?

7


7. May katotohanan ba na ang taong may berdeng hinlalaki ang mayroon lamang kakayahang magpalago at magparami ng pananim/halaman? Bakit?

8. Anong uri ng lupa ang pinakamainam na pagtaniman?

9. Sa komersiyal na pataba lang ba lalago o lalaki ang mga pananim? Bakit?

10.Napag-aralan mo ang paggawa ng organic na pataba, isulat ang mga hakbang nito sa tatlong pangungusap.

8

Pagyamanin

Basahin at sagutan ang mmga sumusunod na tanong

9

ANG PAGKAHUMALING SA COMPUTER

ni Lydia E. Abegonia

“Maligo at kumain ka muna,” madalas sabihin ni Aling Norma ang pahayag na ganito sa kaniyang anak na si Lester. Sobra kasing nakahiligan na niya ang humarap sa computer, maski kakabangon pa lang sa higaan. Simula noong sila ay binilhan ng desktop ay wala pang araw na di si Lester ang mahaba ang oras sa harapan ng nasabing gadyet. Mabuti sana kung patungkol sa kaniyang mga aralin ang mga ginagawa. Tatlo silang magkakapatid at lahat ay nag-aaral. Siya ang panganay at siya ay nasa baitang 8 sa sekondarya. Minsan katuwiran niya, lahat ng aralin ay sa computer lamang matututuhan.

10


Isang araw, nagtatalo sina Ramir at Boyet, ang mga nakababatang kapatid niya. “Luma na ang mga nilalaman ng libro, itanong mo kay Google, mas makabago at kumpleto pa ang isasagot sa iyo,” wika ni Boyet.“Gusto mong magdepende na lang sa internet at google mo, gaya ng ibang mag-aaral,” ganti naman ni Ramir. “Mas mainam pa rin ang gumamit ng libro dahil, anomang oras andiyan lang, samantalang si google kapag walang internet o kuryente, di mo malalaman ang sagot sa aralin mo,” sagot ni Boyet

11

  • Habang nagsasagutan ang dalawa ay panay naman ang laro ng kuya Lester nila, hanggang sa nakikiusap si Boyet na gumamit ng computer upang makipagkumustahan sa kaniyang mga kaklase. Ayaw pagbigyan ng kuya. Umiiyak na nagsumbong sa kanilang tatay at nanay. Tinawag silang tatlo at kinausap nang masinsinan.

  • “Mga anak, alam niyo ba na pinagsikapan kong makabili ng computer dahil ayaw kong lumalabas pa kayo at magrerenta kung may kailangang gawin sa inyong pag-aaral. Hiling ko lang sa inyo ay magbigayan o magtulungan. Lahat ay may karapatang gumamit. Maglaro lang kung Sabado at Linggo matapos ang mga gawain sa bahay at takdang aralin.

12

  • Dapat malaman rin ninyo na ang sobrang radiation ng computer ay maaaring makasira o maging sanhi ng inyong pagkabulag,” mahinahong pahayag ng tatay

  • “Ikukuwento ko sa inyo ang aking narinig sa dyip habang ako’y papauwi,” sabi ng tatay. May isang nanay nagkukuwento doon sa katabi niya. Ayon sa kaniya, ang anak daw niya ay nasa ikaanim na baitang pa lang ngunit malabo na ang paningin. Ang sabi daw ng optometrist ay nakuha sa pagtutok sa computer, television o cellphone. Kung hindi pa raw tigilan ay malamang mabubulag na nang tuluyan. Siya rin daw ay kailangang gumamit na ng salamin na may grado. Gusto n’yo bang magaya sa batang iyon?

13

  • “Hindi lang iyon, maaaring masira din ang mga mata sa pagligo o paghilamos pagkatapos manood nang matagal ng pelikula o video. Mahalaga ang mata natin dahil kapag di makakita ang isang tao, katumbas noon ay gabi na habambuhay. Madilim maski mag-ilaw ay wala pa ring makita,” dagdag naman ng ina.

  • Tumango ang magkakapatid at gumawa sila ng kani-kanilang iskedyul sa paggamit ng computer. Natuwa rin ang kanilang mga magulang at lihim na nagsenyasan ng thumbs up

14

Mga Tanong

  • 1. Sino ang tatlong magkakapatid sa teksto?

  • 2. Ano ang madalas diyalogo ng nanay sa anak?

  • 3. Saan nawiwili ang karamihang kabataan sa ngayon?

  • 4. Sumulat ng dalawang katotohanang pahayag mula sa kuwento

  • 5. Sumipi ng dalawang opinyon na pahayag mula sa kwento

Modyul 7: Pagsusuri kung ang Pahayag ay isang Opinyon o Ka

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 14

SLIDE