Search Header Logo
IBONG ADARNA ARALIN 6

IBONG ADARNA ARALIN 6

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 7+ times

FREE Resource

32 Slides • 5 Questions

1

IBONG ADARNA ARALIN 6

FILIPINO 7

Slide image

2

Aralin 6: ANG PAGTAKAS NINA DON JUAN AT DONYA MARIA 


3

LAYUNIN

F7PT-IVc-d-23Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip

 

F7PU-IVe-f-23Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang pangtatanghal

 

F7WG-IVj-23Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip

4

Kabanata 34: Ang Paggawa ng Kastilyo (Saknong 1123 – 1179)



5


Sa susunod na pagkikita ay iniutos ng hari kay Don Juan na itakip ang bundok sa gitna ng karagatan at tayuan ito ng kastilyo.

 

Kinakailangan na lagyan ng gulod at kanyon ang gagawing kaharian. Ibinigay din sa kaniya ang mga gagamiting materyales katulad ng palataw at bareta, piko, kalaykay, maso at kutsara. Sa pagsubok na ito masusukat ng hari ang katalinuhang taglay ni Don Juan.


6


Katulad ng mga nakaaran, nagkita muli sina Don Juan at Maria Blanca. Sa halip na mag-alala ay pinayuhan ni Maria Blanca na magpahinga nalang si Don Juan at sya na lamang ang gagawa ng utos ng hari.

 

Katulad ng inutos ng hari, pinaandar ng dalaga ang bundok at itinabon ito sa karagatan na siyang naging muog.


7

 

Ikalima ng hapon nang ipag-utos ng hari na tanggalin na ang kastilyo sa gitna ng karagatan. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Maria Blanca ay nawala ang kastilyo at muling bumalik ang lahat sa dati nitong anyo. Natupad na naman ni Don Juan ang pagsubok ng hari.

8

Kabanata 35: Ang Nawawalang Singsing (Saknong 1180 – 1239)


9


Ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan at sinabi dito na nahulog ang diyamante niyang singsing. Nais ng hari na hanapin ni Don Juan ang singsing sa gitna ng dagat at matagpuan ito sa ilalim ng unan ng hari.

 

Ikasiyam ng gabi nang magkita sina Don Juan at Maria Blanca sa banyong paliguan. Nagtungo ang dalawa sa dagat.


10

Inutusan ng dalaga si Don Juan na tadtarin ito ng pinung-pino at ihagis sa tubig. Nagbilin siya na huwag hahayaang may matapon ni kapirasong laman at huwag matutulog si Don Juan habang nag-iintay. Lilitaw ang kamay ng prinsesa kasama ang singsing at kailangan iyon kuhanin ni Don Juan.


11


Sinunod ng prinsipe ang lahat ng pinag-utos ni Maria Blanca. Naging isda ang prinsesa at sumisid sa dagat. Sa tagal nang pag-iintay ay nakatulog naman ang prinsipe.

 

Ilang beses nang lumitaw ang kamay ng prinsesa at ang singsing ngunit hindi ito nakuha ni Don Juan. Umahon si Maria Blanca at nagalit kay Don Juan ngunit hindi rin ito nagawang tiisin ng dalaga.


12


Sa ikalawang pagkakataon ay tinadtad muli ang prinsesa at inihagis sa karagatan subalit sa hindi inaasahan ay tumalsik ang isang bahagi ng daliri ng prinsesa. Lumitaw ang kamay nito na may hawak na singsing ngunit wala ang hintuturo nito.

 

Nagbilin si Maria Blanca na gawing palatandaan sa kanya ang kamay na kulang ng isang daliri. Namangha ang hari nang matagpuan niya ang singsing sa ilalim ng kaniyang unan kinabukasan.


13

Open Ended

1. Sa iyong palagay, tama bang suwayin ang anak ang kanyang magulang? Bakit?

14

Open Ended

2. Bakit sinasabing ang paggalang sa magulang ang unang utos ng Diyos na may kalakip na pangako?

15

Kabanata 36: Ang Pag-Amo sa Kabayo (Saknong 1240 – 1285)

16

Sa muling pagkakataon ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan. Inutusan niya itong paamuhin ang isang kabayong mailap at malupit. Tinuruan ni Maria Blanca si Don Juan sa mga pamamaraan kung paano mapaamo dahil batid niyang ang kabayo na iyon ay ang kaniyang ama.

17


Bilin ng dalaga na dagukan at paluin ito kung umalma. Nagawa ni Don Juan ang mga bilin ni Maria Blanca kung kaya’t napagtagumpayan nitong mapaamo ang kabayo. Nagkitang muli ang dalawa ng gabing iyon at natitiyak ni Maria Clara na ipapatawag ng hari si Don Juan.

 

Nakaratay na ang hari at nagwakas na din ang panganib kaya maaari nang makapasok ng palasyo si Don Juan.

18

Kabanata 37: Ang Pagpili sa mga Prinsesa (Saknong 1286 – 1333)

19

Kinabukasan ay ipinatawag ng hari si Don Juan. Nang makapasok sa palasyo ay napansin ng binata na ang lahat ay nakangiti maging ang tusong hari. Labis na nagtataka ang prinsipe dahil kahit nakaratay na si Haring Salermo ay bakas sa mukha niya ang saya.

20

Masayang ibinalita ng hari na iyon na ang panahon upang ipagkaloob sa kaniya ang gantimpalang nararapat sa kaniya. Dinala siya sa tatlong silid kung saan may butas ang bawat pintuan at tanging ang hintuturo lang ng mga prinsesa ang nakalitaw. Nilaktawan niya ang una at pangalawang silid at dumaretso sa ikahuling silid. Pinili niya ang huling silid dahil sa palatandaan nitong putol na hintuturo ni Maria Blanca.

21

Hindi sukat akalain ng hari na mapipili ni Don Juan ang bunsong anak na si Maria Blanca. Walang nagawa si Haring Salermo kundi pasamahin ang anak kay Don Juan ngunit ito ay nakaisip ng bagong plano. May kautusan ang nagsasabing ipapadala si Don Juan sa Inglatera upang mapangasawa ang bunsong kapatid ng hari. Nagbanta ang hari kay Don Juan ng kaparusahang kamatayan kung hindi ito susunod sa kautusan.

 

Nalaman ni Maria Blanca ang plano ng ama kaya nagpasya ang dalawa na tumakas.

22

Open Ended

3. Paano mapagtatagumpayan ng pag-ibig ang kapighatian, poot, kasakiman, at kasamaam?

23

Kabanata 38: Ang Pagtakas sa Reyno Delos Cristales (Saknong 1334 – 1382)


24


Sa pagtakas ay inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na kuhanin ang kabayo na nasa ikapitong pinto ngunit nagkamali ang prinsipe sa pagkuha at nakuha ang kabayo sa ikawalong pinto.

 

Wala na silang oras magsisihan dahil kailangan na agad nilang makatakas. Tila isang ipu-ipo sa tulin ang nangyaring habulan sa pagitan ni Haring Salermo at ng magkasintahan.


25



Upang hindi maabutan ay naghulog ng mga karayom ang prinsesa na agad naging bakal na tinik sa pamamagitan ng kaniyang mahika.

 Inabot ng dalawang araw ang hari bago tuluyang mahawi ang mga bakal na tinik. Inilaglag din ng prinsesa ang kaniyang sabon upang maging bundok ang patag na daan. Malapit na sanang maabutan ng hari ang dalawa dahil humanap ito ng ibang daan ngunit ginamit muli ng prinsesa ang kaniyang kapangyarihan.

26



Inilaglag ng prinsesa ang kohe na kaniyang dala at naging isang karagatan ang dating tuyot na lupa. Hindi na naabutan ng hari ang dalawa ngunit isinumpa naman niya ang kaniyang anak na makakalimot at magtataksil sa kaniya si Don Juan sa oras na makabalik ito sa kaharian ng Berbanya. 

Dahil sa sama ng loob ay nagkasakit si Haring Salermo at namatay. Nakarating naman ang magkasintahan sa Berbanya pagkatapos ng mahabang paglalakbay.


27

Kabanata 39: Ang Sumpaan (Saknong 1383 – 1425)


28



Nang makarating sa palasyo ay nagpaalam si Don Juan kay Maria Blanca na iiwan muna ito sa isang nayon habang siya ay mauuna nang pumasok sa palasyo upang makapaghanda ng isang magarbong pagsalubong para sa prinsesa.

 

Sa una ay tutol ang dalaga ngunit wala din itong nagawa. Mahigpit na nagbilin si Maria Blanca kay Don Juan na huwag titingin o lalapit man lang sa kung sinumang babae sa palasyo.


29

Nangako ang prinsipe na hindi ito makakalimot sa ginawang sumpaan. Hiningi ni Don Juan ang bendisyun ng ama at malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang anak.

 

Sa ga oras na iyon ay naroon din si Prinsesa Leonora. Nagtapat ito sa prinsipe na pitong taon na siyang naghihintay sa muling pagbabalik nito.


30

Sa isang iglap ay biglang nakalimot si Don Juan sa binitiwang pangako kay Maria Blanca nang makita si Prinsesa Leonora. Natuklasan din ng hari ang ginawang pagtataksil ni Don Pedro sa kapatid.

 

Dahil dito ay hinayaan ng hari na pumili si Prinsesa Leonora ng kaniyang papakasalan sa pagitan nina Don Juan at Don Pedro.


31

Kabanata 40: Ang Paglimot sa Sumpaan (Saknong 1426 – 1449)


32



Nagtakda ang hari na maikasal sina Don Juan at Prinsesa Leonora sa linggo ding iyon. Si Don Pedro ay dapat sana’y itatakwil ng hari ngunit nakiusap si Prinsesa Leonora na gawin nalang ito pagkatapos ng gaganaping kasal.

 

Nagdiwang ang buong kaharian sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa habang tatlong araw na ang nakakalipas ay hindi parin bumabalik si Don Juan kay Maria Blanca.


33

Natuklasan ni Maria Blanca ang pagtataksil ni Don Juan. Habang siya ay nagdurusa si Don Juan naman ay nagsasaya sa piling ni Prinses Leonora.


34


Naghanda si Maria Blanca ng gagawing paghihiganti sa araw ng kasal ng dalawa. Nagkaroon siya ng karosang ginto gamit ang kaniyang mahika at nagpanggap ito bilang emperatris upang makadalo sa kasal.

 

Ang karosang ginto na may labindalawang kabayo ang siyang maghahatid dito sa kaharian ng Berbanya.


35

Open Ended

4. Bakit hindi magandang mamayani sa puso ang galit?

36

Open Ended

5. Papaano mapaglalabanan ang poot o galit na nararamdaman ng isang tao?

37

Naghanda si Maria Blanca ng gagawing paghihiganti sa araw ng kasal ng dalawa. Nagkaroon siya ng karosang ginto gamit ang kaniyang mahika at nagpanggap ito bilang emperatris upang makadalo sa kasal.

 

Ang karosang ginto na may labindalawang kabayo ang siyang maghahatid dito sa kaharian ng Berbanya.


IBONG ADARNA ARALIN 6

FILIPINO 7

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 37

SLIDE