Search Header Logo
Sanhi @ Bunga/ Pagbibigay ng Wakas

Sanhi @ Bunga/ Pagbibigay ng Wakas

Assessment

Presentation

Other

4th Grade

Hard

Created by

JOSEPHINE BARRIGA

Used 6+ times

FREE Resource

13 Slides • 5 Questions

1

Sanhi @ Bunga/ Pagbibigay ng Wakas


Slide image

2

Susing Konsepto:

  • Sanhi: Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. 

  •  Bunga: Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.  Ang Sanhi at Bunga ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat: dahil, kung kaya, kasi, sapagkat, kung at kapag.

  • Talata: Binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro.

3

4

Panuto: Ang talata sa ibaba na naglalaman ng apat na sanhi at bunga. Basahin at tukuyin ang mga ito. 

Nag-aral ng mabuti si Ana kaya matataas ang nakuha niyang marka sa lahat ng pagsusulit na binigay ng kanilang guro. Nagkamit din siya ng ibat-ibang karangalan sapagkat siya ang nanguna sa kanilang klase. Labis ang katuwaang nadarama ng kanyang mga magulang dahil alam nila na pinaghirapan itong mabuti ng kanilang anak. Naging halimbawa si Ana sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nais din nilang tularan ang kanilang ate sa kasipagan nito sa pag-aaral. Buhat nang tumanggap ng ibat-ibang karangalan si Ana naging tanyag siya sa kanilang paaralan kaya marami ang humanga sa kanya na kapuwa niya mag-aaral. Mas lalo pang pinag husay ni Ana ang kanyang pag-aaral dahil nais niyang mas maging mabuting halimbawa sa kapuwa niya kabataan. Gayon din nais niyang matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap at makatulong sa kanyang mga magulang.

5


  • Sanhi: Nag-aral ng mabuti si Ana

  • Bunga: kaya mataas ang nakuha niyang marka sa lahat ng pagsusulit na ibinigay ng kanilang guro.

  • Sanhi: Nagkamit din siya ng iba't-ibang karangalan

  • Bunga: sapagkat siya ang nanguna sa kanilang klase

  • Sanhi: Buhat nang tumanggap ng iba't-ibang karangalan si Ana naging tanyag siya sa kanilang paaralan

  • Bunga: kaya marami ang humanga sa kanya na kapuwa niya mag-aaral.

  • Sanhi: Mas lalo pang pinag husayan ni Ana ang kanyang pag-aaral Bunga: dahil nais niyang mas maging mabuting halimbawa sa kapuwa niya kabataan.

6

Talata: Binubuo ng mga pangungusap na may kaugnayan sa isang paksa. : Ito ay binubuo ng tatlong bahagi - ang simula, gitna o katawan, at ang wakas

Kilala mo ba si Paolo Rivera? Siya ang Captain Ball at Star Player ng lsrong basketball sa paaralan. Ang husay niyang maglaro. Bukod pa niyan, siya ay palakaibigan. Hindi siya suplado at madaling lapitan, kaya marami siyang tagahanga. Maging ang kanyang mga guro ay natutuwa sa kaanya. Hindi siya pabaya sa pag-aaral. Iyan si Paolo Rivera, ang estudyanteng dapat igalang at hangaan. Pag-aralan natin: Sanhi: Hindi siya suplado at madaling lapitan Bunga: kaya marami siyang tagahanga 

7

Sagutan ang aktibiti

Piliin ang kung ang nababasa ay sanhi o bunga

8

Multiple Choice

Nais niyang mapapangalagaan ang mga ngtatanim ng abaka laban sa mapagsamantalang Tsino.

1

sanhi

2

bunga

9

Multiple Choice

Nagtayo siya ng Sistema ng ilaw at tubig

1

sanhi

2

bunga

10

Multiple Choice

Nais niyang magliwanang naman ang Dapitan kung gabi at magkaroon ng malinis na tubig ang mga mamamayan.

1

sanhi

2

bunga

11

Multiple Choice

kung kaya't karapat dapat siyang tanghaling pambansang bayani

1

sanhi

2

bunga

12

Multiple Choice

kasi ipinakita niya ang iba't ibang paraan ng paglilingkod sa kapwa

1

sanhi

2

bunga

13

Mga dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng wakas

  • Dapat ay may kinalaman ang wakas sa palabas na pinanood.

  • Alamin kung maganda o angkop ba ang ibibigay nating wakas sa kwentong pinanood. 

14

Cinderella

Mula sa isang pamilya ng negosyante si Cinderella. Sa murang edad ay pumanaw na ang kanyang ina. Sa kagustuhang magkaroon ng inang mag-aaruga kay Cinderella ay nagkaroon siya ng stepmother at ibinilin ng kanyang ama. May dalawang anak na babae ang kanyang madrasta ngunit hindi siya gusto ng mga ito. Dumating ang isang balita na ang kanyang ama ay pumanaw nan a kanyang ikinalungkot. Dito na nagsimula ang kanyang pagiging katulong ng kanyang madrasta at kapatid. Isang araw nagkaroon ng patawag ang palasyo at iniimbitahan ng lahat ng mga dalaga sa nayon. Masayang masaya si Cinderella sapagkat masisilayan niya ang prinsipe. Sa kasamaang palad ikinulong siya ng kanyang madrasta upang hindi makadalo. Sa labis na kalungkutan nagpakita ang isang diwata na matagal na nagbabantay sa kanya at ginawa siyang isang prinsesa.

15


Nakilala niya ang prinsipe at nabighani sa kanya. Sa pagtunog ng orasan na hudyat na babalik na siya sa dating ayos ay nagtatakbo ang dalaga at naiwan ang kabaak niyang sapatos na bubog. Nagpatawag ang kahariaan upang hanapin ang dalagang nakaiwan ng sapatos. Nang dumating sa kanilang tahanan ang mga taga palasyo isinuot ang sapatos sa kanya. Isang malaking kasayahan ang naganap sa palasyo dahil si Cinderella ay ikinasal sa prinsipe. Sila ay namuhay ng magkasama na puno ng kasiyahan.

16

Narito ang maaring ibang wakas ng palabas na ito ayon sa sariling saloobin.

  • Hindi na hinanap ng prinsipe ang dalagang nagmamayari ng sapatos, dahil nabasag ang sapatos matapos itong mahulog sa hagdan. Si Cinderella ang nagpasyang bumalik sa palasyo para muli silang magkita. Sila ay ikinasal at nagsama ng maligaya.

17

Ang pagbibigay wakas na nabanggit sa itaas ay may kinalaman sa kwentong Cinderella. Ito ay may kakaiba ngunit angkop na pagtatapos sapagkat ang bawat prinsesa ay nararapat lang magkaroon ng masayang kwento.

18

Magaling!

Natapos mo na ang araling ito.

Sanhi @ Bunga/ Pagbibigay ng Wakas


Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 18

SLIDE