Search Header Logo
ARALIN PARA SA FILIPINO

ARALIN PARA SA FILIPINO

Assessment

Presentation

Other

1st Grade

Hard

Created by

Danica Alido

Used 4+ times

FREE Resource

35 Slides • 0 Questions

1

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Slide image

2

"BE MORE, READ MORE"


3

Ano ang PAGBASA?

4

PAGBASA

  • ito ay isang posibong gawain at walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mag-aaral at teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral (Badayos, 2008)

  • Sa pagbasa ay nakatuon lamang sa pag-alam kung may natandaan ang mga mag-aaral sa mga detalyeng natalakay sa akda.

5

  • Ito ay magkasabay na akto o gawain ng pabasang literal, may pagpapakahulugan at may aplikasyon (Manzo, 1995)

  • Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag (Bernales, et al., 2009)

6

  • ay isang aktibong proseso na nagsasangkot hindi lamang ng mata kundi maging ng isipan.

  • sangkot din dito ang kakayahan mg tao sa pagkakilala ng mga simbolong kaisipan.

  • ito ay paraan ng tao sa pag-oorganisa ng mga kaisipan upamg mabigyan ito ng mga kahulugan ay sangkot din sa gawaing ito.

7

Ano ang mga layunin sa pagbabasa?


8

LAYUNIN

  • Nalilinang ang komprehensibo at mapanuring pagbasa sa tulong ng mga pagsasanay

  • Napapalawak at napapalalim ang kakayahan at kaalamanan sa pagkuha ng kahulugan o diwa sa pamamagitan ng pagaa ng iba't ibang artikulo

  • Naipapakita ang kaalaman sa mga dulog at istratehiya sa pagbasa

9


  • matulungan ang mga mag aaral na magkaroon ng kusa sa pagbasa nang malaya

  • idebelop ang kasanayan sa pagtugon sa teksto

  • tulungan ang mga mag aaral na magbasa nang may sapat na pag-unawa

  • tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may angkop na bilis at tahimik

10

Bakit mahalaga ang PAGBASA?

11

KAHALAGAHAN

  • Nagbabasa ang tao upang malibang

  • nagbabasa ang tao upang maragdagan ang kanyang kaalaman, kasanayan at karunungan

  • nagbabasa ang tao upang makapaglakbay

  • nagbabasa ang tao upang makahanap ng solusyon sa problemang kinahaharap sa buhay.

12


  • nagbabasa ang tao upang makaagapay siya sa mabilis na takbo ng panahon

  • nagbabasa ang tao upang magkaroon siya ng malawak na talasalitaan

  • nagbabasa ang tao upang makapag-ambag sa pakikiisa ng sambayang Pilipino lalo at ang binabasang teksto ay gumagamit ng sariling wika


13

  • nagbabasa ang tao upang mahubog ang magandang pag-uugali

  • nagbabasa ang tao tungo sa pansariling pagpapaunlad at paghahanap ng kaalaman at katotohanan

  • nagbabasa ang tao upang tumugon sa mga pangangailangan ng tao at lipunang kanyang ginagalawan.

14

PROSESO NG PAGBASA

15

1. PERSEPSYON

- kinikilala ang mga representasyon ng mga tunog (mga letra) bago mabuo ang mga salita na binibigyang kahulugan ng mga mambabasa, walang pag-unawang sangkot sa bahaging ito ng pagbasa.

16

2. KOMPREHENSYON

- pagpoproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng mga simbolong nakalimbag na binasa. Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga nakalimbag na simbolo ay nagmumula sa dating kaalaman na nakaimbak sa isipang ng mambabasa na kilala rin sa tawag na iskema. Ito ay pinakakritikal na bahagi ng pagbasa sapagkat mayroon itong direktang epekto sa susunod pang proseso ng pagbasa.

17

3. REAKSYON

- ang bahaging ito ay tinatawag din sa ingles na readers response. Sa bahaging ito hinahatulan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

18

4. INTEGRASYON

- sa bahaing ito, isinasama at inuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dating kaalaman (iskema). Ito ang pagsasanib ng mga karanasan o dating kaalaman at ng bagong karanasan o impormasyon mula sa binasang teksto.

19

TEORYA NG PAGBASA


20

1. TEORYANG "BABA-TAAS" o BOTTOM-UP

- ang pag-unawa sa binasa ay mula sa tekstong binabasa patungo sa mambabasa.

21

Ang teoryang ito ay nagsasangkot ng mga sumusunod:

  • ang mga letra na ginagawang representasyon ng mga ponema

  • ang mga ponema bilang makabuluhang tunog na pinagsama-sama para makabuo ng salita;

  • ang salita na binibigyan ng kahulugan

22


  • ang mga salita na pinagsama-sama para makabuo ng makakabuluhang pangungusap

  • ang pagbuo ng makabuluhang pagsama-sama ng mga salita

  • at ang pagbuo ng impormasyon

23

2. TEORYANG "TAAS-PABABA" o TOP-DOWN

- ang pag-unawa ay mula sa isipan ng mambabasa (top) patungo sa teksto (down) o sa pagkilala ng mga simbolo na may pagsasaalang-alang sa mga dating kalaaman ng mga mambabasa.

24

3. INTER-AKTIBO AT METAKOGNITIBONG PAGBASA

- ito ay pagsasanib ng dalawang teorya ang "taas-pababa" at "baba-pataas".

25

MGA URI NG PAGBASA

26

1. SKIMMING

- ito ay kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mabilisang pagbasa.

27

2. SCANNING

- ito ay pagbasa na nakapokus lamang sa isang partikular na impormasyon.


28

3. PINATNUBAYANG PAGBASA

- ito ay tumutukoy sa pagbasang guamagamit ng mg tanong na pumapatnubay sa pag-uanawa ng mga mambabasa.

29

4. MAGAAN NA PAGBASA

- ito tumutukoy sa pagbasa na ang layunin lamang ay masiyahan at maglibang.

30

5. MASUSING PAGBASA

- ito ay tumutukoy sa pagbasa ng paulit-ulit upang mamemorya ang mahahalagang kaisipan.

31

PAMAMARAAN AT ESTRATEHIYA NG PAGBASA


32

BAGO MAGBASA

  • Inaalam ng isang mambabasa ang layunin ng binasang teksto

  • Sinasagot kung bakit naisulat ang teksto at para kanino ang teksto

  • Bumubuo ng mga tanong na magiging patnubay sa pag-unawa sa nilalaman ng teksto

  • Bumubuo ng haka o prediksyon

33

HABANG NAGBABASA

- Sa bahaging ito, sinasagot ng mambabasa ang mga nabuong tanong at masusing sinusuri ang mga salitang ginamit sa teksto upang bigyan ng pagpapakahulugan.

34

PAGKATAPOS MAGBASA

  • Gawan ng buod ang binasang teksto

  • balikan at alalahanin ang mahahalagang detalye

  • Bigyang ebalwasyon ang kasagutang ibinibigay sa mga binuong katanungan

35

MARAMING SALAMAT :)))

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 35

SLIDE