Search Header Logo
Aralin 47

Aralin 47

Assessment

Presentation

Social Studies

3rd Grade

Practice Problem

Hard

Created by

MaiaEve DeLosSantos

Used 7+ times

FREE Resource

9 Slides • 0 Questions

1

Aralin 47

Pinanggalingan ng mga produkto at inndustriya sa kinabibilangang lungsod at bayan sa rehiyon

Slide image

2


Ang bawat lungsod sa Pambansang Punong Rehiyon ay may kani-kaniyang produktong maipagmamalaki. Bagaman salat sa likas na yaman dahil sa kaanyuang pisikal nitong kapatagan, ito ang naging sentro ng pamahalaan, edukasyon, pagbabangko, industriya at pangkalusugan.

Slide image

3

Dito matatagpuan ang pinakamaraming mahalagang yaman ng bansa, ang yamang tao.

Slide image

4


Ang Lungsod ng Navotas at Malabon ay malapit sa katubigan kaya ang mga it ay sagana sa mga yamang tubig tulad ng hipon at iba't ibang uri ng isda, alimango, tahong, at iba pang pagkaing tubig-dagat.

Slide image

5

Kilala ang Lungsod ng Navotas sa produkto nitong patis at bagoong.

Slide image

6

Sa Lungsod ng Malabon naman ay ang ipinagmamalaki nitong Pansit Malabon at mga kakanin lalo na ang sapin-sapin na dinarayo ng mga kalapit lungsod o bayan.

Slide image

7

Ang Lungsod ng Muntinlupa ay kilala rin sa paggawa ng sumang munti at longganisang munti.

Slide image

8

Ang Lungsod ng Las Piñas ay kilala sa pagawaan ng asin.

Slide image

9

Ang paggawa ng itlog na maalat at balut mula sa itlog ng itik ay ang pangunahing hanapbuhay naman ng mga taga Pateros sapagkat maraming nag-aalaga ng itik sa kanilang bayan.

Slide image

Aralin 47

Pinanggalingan ng mga produkto at inndustriya sa kinabibilangang lungsod at bayan sa rehiyon

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 9

SLIDE