
Filipino - Pagpupulong/ Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napak
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Hard
JOSEPHINE BARRIGA
Used 2+ times
FREE Resource
16 Slides • 8 Questions
1
Filipino Q4 W4
Pagpupulong/ Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napakinggang Pagpupulong/ Pagsulat ng Katitikan
2
Pormal na pagpupulong
ay gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu. Ang pormal na pananalita sa pagpupulong ay maaaring gawaing simple subalit hindi naman nababago ang kahulugan.
3
Di- pormal na pagpupulong
- ito ay tumutukoy sa isang bagay na hindi ginagawa alinsunod sa patakaran at regulasyon na nauukol sa okasyon o lugar. Ito ay hindi sumusunod sa protocol.
4
Pakinggan habang binabasa ang pagpupulong
5
Pormal na Pagpupulong
Ang Kabataan at ang Barangay
Halos patakbo akong pumunta sa aming barangay hall sa pangambang baka ako na lang ang hinihintay ng lahat. Magaalas-singko na ng hapon, Naku! sampung minuto na lamang at magsisimula na ang aming pulong. Ang pulong ay idinaraos namin tuwing ikatlong linggo ng buwan. Ngayon nakatakda ang aming pulong. Pag-uusapan namin ang mga gagawing proyekto para sa buwang darating. Kasama na rin dito ang Gawain para sa nalalapit na kapistahan ng aming barangay. Hinanap ko kaagad ang pangalang Betty Olivares, at sa katapat ay inilagda ko ang aking pangalan sa folder.Patunay na ako ay dumalo. Agad akong pumasok sa pulungan. Nabuntung hininga ako at napailing nang makita kong mangilan-ngilan pa ang mga tao.
6
Ako ang napiling kalihim ng aming barangay kaya ang lahat ng aming napag-usapan ay isinulat ko. Habang naghihintay sa karamihan, nagpahinga muna ako. Nagulat ako nang magsalita ang aming tagapangulo. Kaagad akong tumayo at pumunta sa unahan.Kung maari itala mo ang ating napag-usapan ngayon, sabi ng pangulo. Una nating gagawin sa linggong ito ang pagkakabit ng mga banderitas sa bawat eskinita ng ating barangay. Lalagyan din natin ng ilaw upang sa gabi ay maliwanag ang buong kapaligiran, ang pahayag ng aming pangulo.
7
Ikalawa, maglinis tayo ng mga daan at mga kanal. Aalisin natin ang mga basurang nakabara sa mga kanal upang tuloytuloy ang daloy ng tubig. Lahat ng sulok ng daan ay kailangang malinisan, ang sumunod na pahayag ng isang kagawad. Bawat isa ay may imumungkahing gawaing sila rin ang gaganap. Napagkasunduan pa na magkakaroon ng isang timpalak-awitan para sa mga batang may angking talino sa pagkanta. Magkakaroon pa ng mga palaro para naman sa mga batang maliliit at maging sa malalaki. May idadadagdag pa ba kayo sa ating mga plano? Sabi ng pangulo.
8
Matapos ang pulong nang mag-iikawalo na ng gabi dahil sa nakawiwiling talakayan. Kasama na rin dito ang pagkukuwentuhan na hindi naman maiaalis sa ganitong pagkakataon. Umuwi akong masaya kahit pagod dahil sa tuloy-tuloy na gawain. Masaya, dahil may nagampanan na naman kaming isang tungkulin sa aming barangay. Naisip ko tuloy na kung ang kabataan sa lipunang ito ay may kani-kaniyang tungkulin sa pamayanan o kaya’y kasali sa mga proyektong pamahalaan, tiyak na uunlad ang lipunang ito. Magiging abala ang kabataan, maiiwasan ang pagkalulong sa masamang bisyo na siyang mabigat na suliranin ng pamahalaan. Mawawala rin ang istambay sa maraming lugar. Tungkulin ng kabataan. Umpisahan natin ito sa ating barangay. Nahiga ako pagkakain. May ngiti pa sa labi na nasambit. Tagumpay sana.
9
Multiple Choice
Basahin at sagutan ang mga katanungan
Ano ang pamagat sa nabasang pagpupulong?
A. Ang Barangay
B. Ang Kabataan
C. Ang Pagpupulong
D. Ang Kabataan at ang Barangay
10
Multiple Choice
Basahin at sagutan ang mga katanungan
Bakit nagpunta sa barangay hall si Betty?
A. Dahil may pagpupulong
B. Dahil may paligsahan
C. Sumali ng patimpalak sa awit
D. Pinatawag ng punong barangay
11
Multiple Choice
Basahin at sagutan ang mga katanungan.
Ano ang ginagampanan ni Betty sa Sangguniang Kabataan?
A. Kalihim
B. Pangulo
C. Tresurera
D. Tagasuri
12
Multiple Choice
Basahin at sagutan ang mga katanungan.
Ano ang una nilang gagawin sa kanilang barangay?
A. Kalihim
B. Pangulo
C. Tresurera
D. Tagasuri
13
Multiple Choice
Basahin at sagutan ang mga katanungan.
Bakit nagpupulong ang mga kabataan?
A. Para sumali ng patimpalak
B. Para sa darating na pasukan
C. Para sa darating na kapistahan
D. Para magkuwentuhan sa kanilang mga kaibigan
14
Di-pormal na Pagpupulong
Sinimulang idaos ngayong araw, Martes, ika-21 ng Pebrero 2017, sa Boracay ang di-pormal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Ito ang unang pulong ng ASEAN na idinaos ng Pilipinas, bilang tagapangulong bansa ng organisasyong ito. Nauna rito, ayon sa ulat ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, sa nabanggit na pulong, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa ASEAN Community vision 2025, at mga hamon sa rehiyong ito, kinabibilangan ng polusyon at pagbabago ng klima.
15
Open Ended
Basahin at sagutan ang mga katanungan
1. Saan idinaos ang di-pormal na pagpupulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN?
16
Open Ended
Basahin at sagutan ang mga katanungan
2. Kailan ito naganap?
17
Open Ended
Basahin at sagutan ang mga katanungan.
3. Ano-ano ang mga hamon na nabanggit sa rehiyon?
18
Pagpupulong
ay isang gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap sa mga bagay- bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu.
19
Narito ang mga angkop na pamantayan sa pananalita sa pagpupulong:
Tumahimik na tayo at magsimula na ang ating pulong.
Mayroon ba tayong kurom?
Iminumungkahi ko na.
Pinapangalawahan ko ang mungkahi
May pag-uusapan ba tungkol sa bagay na iyan?
Magbobotohan na tayo
Pinagtubay ang mungkahi at Maari bang itala ‘yan sa ating record?
20
21
22
23
24
Binabati kita!
Natapos mo na rin ang araling ito!
Filipino Q4 W4
Pagpupulong/ Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napakinggang Pagpupulong/ Pagsulat ng Katitikan
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 24
SLIDE
Similar Resources on Wayground
17 questions
Rupa-Rupa Pagawean
Presentation
•
4th Grade
16 questions
[MNL] R1 Assessment Review
Presentation
•
KG
20 questions
Desafio 10 - Máquinas Simples
Presentation
•
4th Grade
18 questions
FILIPINO 3
Presentation
•
3rd Grade
18 questions
Ap 3 WEEK 7
Presentation
•
3rd Grade
18 questions
Aktywny Quiz
Presentation
•
4th Grade
21 questions
Ôn tập tin học lớp 4 HK1
Presentation
•
4th Grade
18 questions
Sanhi @ Bunga/ Pagbibigay ng Wakas
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
GPA Lesson
Presentation
•
9th - 12th Grade
7 questions
Albert Einstein
Quiz
•
3rd Grade
31 questions
Bridge A Review
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Blue Sue and Red Ruth
Quiz
•
3rd Grade
8 questions
(Day12 HW) Inverse Trig Ratios
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Summer Geometry QUIZ (Week3)
Quiz
•
9th Grade
16 questions
Theme Practice
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Taxes
Quiz
•
9th - 12th Grade