Search Header Logo
Pagbuo ng Plano ng Proyekto na NakadisenyoMula sa Materyales

Pagbuo ng Plano ng Proyekto na NakadisenyoMula sa Materyales

Assessment

Presentation

•

Other, Instructional Technology

•

5th Grade

•

Practice Problem

•

Medium

Created by

LUDILYN MAYRINA

Used 7+ times

FREE Resource

5 Slides • 10 Questions

1

Pagbuo ng Plano ng Proyekto na NakadisenyoMula sa Materyales

Slide image

2

Multiple Choice

TAMA O MALI:

1. Ang side cutting pliers ay pamutol ng wires at kable ng kuryente.

1

TAMA

2

MALI

3

Multiple Choice

2. Combination pliers ang ginagamit upang luwagan o higpitan ang turnilyo.

1

TAMA

2

MALI

4

Multiple Choice

3. Sa electrical tape dumadaloy ang kuryente mula male plug hanggang outlet

1

TAMA

2

MALI

5

Multiple Choice

4. Ang male plug ay isinasaksak sa female plug o outlet upang dumaloy ang

kuryente papunta sa kasangkapang pinapagana ng kuryente

1

TAMA

2

MALI

6

Multiple Choice

5. Karaniwang ginagamit sa pagawa ng extension cord ang standard screwdriver at

Philips screwdriver

1

TAMA

2

MALI

7

Alam mo ba ang kasabihang, “Plan your work and work your plan”? Ano kaya

ang ibig sabihin nito? Ito ay nangangahulugan na bago tayo gumawa ng isang gawain

o proyekto, kailangan ang masusing pagpaplano.

Maaring maitanong mo, bakit kaya mahalaga ang paggawa ng isang plano?

Ang pagbuo ng isang plano at pagsasagawa nito ay makakatulong upang maging

madali at maayos ang pagsasagawa ng proyekto. Makakatulong din ang plano ng

proyekto upang makatipid tayo sa panahon, oras, at lakas sa paggawa ng proyekto.

Ang karaniwang bahagi ng plano ng proyekto ay ang mga sumusunod:


  • I. Pangalan ng Proyekto


  • II. Layunin ng Proyekto

    Isinusulat dito ang dalawa o tatlong dahilan at intensiyon kung bakit

    gagawin ang isang proyekto.


  • III. Guhit o Ilustrasyon ng Disenyo

    Makikita rito ang krokis ng disenyong napili para sa proyekto. Kasama sa

    guhit ng disenyo ang mga maliit na detalyeng kailangan tulad ng sukat at

    kulay ng mga materyales na gagamitin sa paggawa.


  • IV. Talaan ng Materyales at Kagamitan

    Ito ang listahan ng mga materyales at kagamitang gagamitin sa paggawa

    ng proyekto. Matatagpuan dito ang bilang, yunit, deskripsiyon, at halaga

    ng mga materyales na kakailanganin sa pagbuo ng proyekto.


  • V. Talaan ng Kagamitan at Kasangkapan

    Itinatala rito ang mga kagamitan at kasangkapang kakailanganin upang

    mabuo ang gagawing proyekto.

    VI. Hakbang sa Paggawa

    Isinusulat dito ang wastong pamamaraan sa paggawa ng proyekto.


  • VII. Pagpapahalaga sa Natapos na Proyekto

8

TANDAAN

Ang masusing pagbabalak o pagpaplano ng proyekto ay isang

mahalagang hakbang upang maging matagumpay ang isang gawain. Ito ang magsisilbing gabay upang matapos ng mabilis at maganda ang iyong proyekto.

Makabubuti kung gagamit ng recycled materials o materyales na

madaling matagpuan sa pamayanan sa paggawa ng proyektong ginagamitan ng elektrisidad na maaaring mapagkakakitaan.

9

Panuto: Bumuo ng plano ng proyektong napili ayon sa sumusunod na bahagi.


  • Tandaan na ang proyekto ay dapat na nakadisenyo mula sa iba’t-ibang materyales na makikita sa pamayanan na ginagamitan ng elektrisidad na maaring

    mapagkakakitaan, halimbawa ay lampshade o lantern lamp.

  • Maaring magsaliksik sa internet o magtanong sa nakatatandang kasama sa tahanan upang magkaroon ng ideya sa gagawing plano ng proyekto.

  • Gumamit ng karagdagang papel kung kailangan.

  • Gawing batayan ang Rubrik sa Paggawa ng Plano ng Proyekto.

10

Panuto:

Basahin at unawain ang bawat pangungusap na nagsasaad ng mga

impormasyon sa pagbubuo ng plano ng proyekto. Punan ang patlang ng angkop na

salita upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

11

Fill in the Blanks

1. Alamin ang mga materyales at _ _ _ _ _ _ _ _ _ na gagamitin upang mataposnang maayos at mabilis ang plano ng proyekto.

Type answer...

12

Fill in the Blanks

Tiyakin ang wastong kasangkapang kakailanganin sa pagbuo ng proyekto at

isulat ito sa talaan ng mga kagamitan at _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _.

Type answer...

13

Fill in the Blanks

Ilagay sa plano ng proyekto ang wastong hakbang sa _ _ _ _ _ _ _ ng napiling proyekto upang walang masayang na panahon, oras, lakas, at materyales s apagbuo nito.

Type answer...

14

Fill in the Blanks

Ang magagandang saloobin sa natapos na proyekto ay dapat na itala sa huling bahagi ng plano ng proyekto.

Ito ay

ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ sa

natapos na proyekto.

Type answer...

15

Fill in the Blanks

Bumuo ng plano ng _ _ _ _ _ _ _ _ na isinasaalang-alang ang paggawa ng

kapaki-pakinabang na bagay na maaaring mapagkakakitaan

Type answer...

pattern-tertiary

Pagbuo ng Plano ng Proyekto na NakadisenyoMula sa Materyales

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 15

SLIDE