Search Header Logo
Kwneto - Ayokong Pumasok sa Paaralan

Kwneto - Ayokong Pumasok sa Paaralan

Assessment

Presentation

World Languages

3rd Grade

Hard

Created by

Teacher Marj

Used 1+ times

FREE Resource

5 Slides • 0 Questions

1

Kwento - Ayokong Pumasok sa Paaralan

Slide image

2

Ayokong Pumasok sa Paaralan

Gustong-gusto ni Ben ang maglaro. Maglaro nang maglaro araw-araw. Kasama ang kanyang mga pinsan. Masayang-masaya sila sa taguan. 


“Ayaw ko pang pumasok sa paaralan. Ang gusto ko lang maglaro ng taguan.”


Pinayagan naman si Ben ng kanyang nanay. Darating din daw ang araw na magiging handa si Ben sa pagpasok sa paaralan. 


3

Ayokong Pumasok sa Paaralan

Mas gusto ni Ben ang sumayaw, kumanta at maglaro. 


Pero gusto ng matuto ni Ben na magbasa. Kahit hindi pa siya nakakabasa, mahilig siyang tumingin sa mga larawan sa aklat niya. 


Kung minsan nagpapakwento siya sa nanay niya. 


Pero ayaw niya pa talagang pumasok sa paaralan. 


Isang araw, kinausap si Ben ng kanyang nanay tungkol sa pagpasok sa paaralan. 


4

Ayokong Pumasok sa Paaralan

Sinabi niya na kailangan na niyang pumasok sa online school. 


Naisip ni Ben na sundin ang kanyang nanay. Baka magustuhan naman niya. 


Sa online school, nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan. Maaari pa rin palang maglaro, kumanta at sumayaw kahit sa online. 


5

Ayokong Pumasok sa Paaralan

Nakinig at nagbasa din sila ng mga kwento. Gumuhit at nagkulay rin.


“Ang saya pala sa paaralan!” sigaw ni Ben. 


“Gusto kong pumasok sa paaralan araw-araw!” dagdag pa niya. 


Mula noon, araw-araw ng nananabik si Ben sa pagpasok sa paaralan. 

Kwento - Ayokong Pumasok sa Paaralan

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 5

SLIDE