Search Header Logo
FILIPINO 8 : IKAANIM NA LINGGO

FILIPINO 8 : IKAANIM NA LINGGO

Assessment

Presentation

Education

8th Grade

Easy

Created by

MARICHO BARRIT

Used 4+ times

FREE Resource

23 Slides • 5 Questions

1

FILIPINO 8 :

IKAANIM NA LINGGO

Ni Bb. MARICHO BARRIT

2

​KASANAYAN

Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa napanood na video clip ng isang balita (F8PD-Ig-h-21)

 

Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa) F8WG-Ig-h-22

Naisusulat ang talatang:

-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap

- nagpapa-hayag ng sariling palagay o kaisipan

-nagpapakita ng simula, gitna, wakas F8PU-Ig-h-22

3

Gawain 1: Pagbabalik-tanaw

Google Meet/Chat box: ___________

Panuto:Natatandaan mo pa ba ang aralin 1? Upang malaman kung mayroon ka pang naaalala mula rito, tukuyin ang bawat pahayag kung ito ba ay katangian ng isang EPIKO, sa pamamagitan ng pagklik ng raise hand button kung ito ay isa sa mga katangian ng epiko at salitang HINDI naman kung hindi.

4

1. ITINUTURING NA KONTEMPORARYONG DAGLI

5

2. ANG PANGUNAHING TAUHAN AY MAY KAKAIBANG KAPANGYARIHAN

6

3. BINIBIGKAS NA PATULA SA ORIHINAL NA KATANGIAN

7

4. MAY SUKAT AT TUGMA ANG PARAAN NG PAGKAKASULAT

8

5. MAY GININTUANG ARAL NA INIHAHATIG SA MGA MAMBABASA

9

Gawain 2: Tuklasin Natin!

10

Wastong Paggamit ng mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari​

11

Lubos na nakita ang taglay mong dating kaalaman tungkol sa unang aralin, ngayon naman ay subukan mong gawin ang gawain 2 na gagabay sa ating paksang tatalakayin.

12

Gabay na gawain:

Suriin ang mga salitang nakasalungguhit at mga hindi nakasalungguhit sa pahayag.

Ano ang iyong napasin sa mga salitang ginamit? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ibahagi ang iyong sagot.

13

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba.

Mga Pahayag:

a. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa pagkakautang nila sa isang daang tambak na sera.

b. Tumanggi si Tanagyaw na magpakasal kay Buy-anon dahil napakabata pa nila.

14

Malayang Talakayan

Mula sa pahayag sa UNANG SLIDE, ang mga salita na walang salungguhit ay tinatawag nating sugnay na hindi makapag-iisa na nagpapakita ng dahilan o sanhi sa isang pangyayari habang ang mga salita naman na may salungguhit at tinatawag nating sugnay na nakapag-iisa na nagpapakita naman ng bunga o resulta sa isang pangyayari.

15

​HALIMBAWA:

​Ipinakita ni Agyu na siya ay magaling na pinuno dahil iginagalang siya ng mga tao

Sanhi: dahil iginagalang siya ng mga tao

Bunga: Ipinakita ni Agyu na siya ay magaling na pinuno

16

​Mahalagang Kaalaman:

  • ​ Sa wika, may mga pandiskursong pananda na ginagamit sa pagtuklas ng sanhi at bunga. May kaugnayan sa isa't isa ang sanhi at bunga ng pangyayari.

  • ​Ang sanhiay nagpapakita ng dahilan ng pangyayari na humahantong sa tinatawag nitongbunga o resulta ng pangyayari.

  • ​Karaniwang ginagamit dito ang dahil/dahil sa, sapagkat, kaya/kaya nga, bunga nito, sa ganoon, dahil doon/dito, anupa't, at kung gayon.

17

Pagpapahayag ng Sariling Pananaw​

18

​Pansinin mo ang mga pangungusap sa ibaba.

​1. Nahinuha ni Agyu na magkakaroon ng digmaan dahil napatay ang datu.

​2. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw.

19

Open Ended

Ano ang napansin mo sa mga salitang npahilis o nakaitaliko? Ibahagi ang iyong sagot.

20

​Malayang Talakayan

Ang mga salitang nakaitaliko ay mga salitang nagpapakita ng maaaring mangyari dahil sa nauna nang naganap, ito ay itinuturing na paghihinuha o pagbibigay ng palagay sa puwedeng mangyari.

21

​Halimbawa:

Maaaring umulan nang malakas mamaya dahil sa itim ng mga ulap.

22

​Mahalagang Kaalaman

  • ​Ang paghihinuha ay itinuturing na pagbibigay ng makabuluhan at matalinong pagkukuro o pagbibigay ng interpretasyon sa isang kaganapan.

  • ​Sa pagbibigay ng paghihinuha ay nararapat na isaalang-alang ang mga naunang pangyayari o sitwasyon.

23

​Asynchronous 1 at 2

Puntahan ang inyong Google Classroom para sa mga gawain.

24

Open Ended

1. Nasubukan mo na bang tumulong sa kapwa? Sa paanong paraan?

25

Open Ended

2. Paano mo pinapahalagahan ang damdamin at opinyong ng iyong kapwa lalo na sa pagbabahagi ng sariling opinion?

26

Open Ended

3. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang may respeto sa kapwa?

27

Open Ended

4. Sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan ngayon, sa paanong paraan mo hinaharap o haharapin ang mga isyung o problemang ito?

28

Katanungan?

FILIPINO 8 :

IKAANIM NA LINGGO

Ni Bb. MARICHO BARRIT

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 28

SLIDE