Search Header Logo
Rehiyong 2

Rehiyong 2

Assessment

Presentation

Social Studies, Geography

3rd Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Teacher Princess

Used 4+ times

FREE Resource

9 Slides • 5 Questions

1

Rehiyong Dalawa

by Teacher Princess

2

​Ang mga Lalawigan ng Rehiyong Dalawa

  • ​Batanes

  • ​Cagayan

  • ​Isabela

  • ​Quirino

  • ​Nueva Viscaya

3

​Ang mga Munisipalidad ng Quirino

  • ​Diffun

  • ​Cabarroguis

  • ​Saguday

  • ​Aglipay

  • ​Maddela

  • Nagtipunan

4

Multiple Choice

Question image

Anong munisipalidad ng Lungsod ng Quirino ang may pinakamadaming populasyon?

1

Saguday

2

Aglipay

3

Cabarroguis

4

Nagtipunan

5

Multiple Choice

Question image

Anong munisipalidad ng Lungsod ng Quirino ang may pinakakauting populasyon?

1

Diffun

2

Aglipay

3

Cabarroguis

4

Nagtipunan

6

Fill in the Blank

Question image

Ilan ang bilang ng munisipalid ng Aglipay?

7

Fill in the Blank

Question image

Ilan ang bilang ng munisipalid ng Cabarroguis?

8

Multiple Choice

Question image

Anong munisipalidad ang magkapareha ang bilang ng populasyon?

1

Diffun at Saguday

2

Cabarroguis at Aglipay

3

Diffun at Maddela

4

Diffun at Nagtipunan

9

KATANGIANG PISIKAL NA NAGPAPAKILALA NG IBA’T IBANG LALAWIGAN SA REHIYON

10

​Batanes

Ang probinsiya ng Batanes ay matatagpuan sa dulo ng Luzon. Ito ay may sukat na 209.3 km2. Isa itong 5th class na probinsiya. Nakahiwalay ito sa Luzon. Ang Batanes naman ay matatagpuan sa hilaga ng Cagayan, ang tinatawag na Island Province o Batanes Isles na nakasaad sa West Philippine Sea at Pacific Ocean. Binubuo ng 29 na barangay ang probinsiya ng Batanes. Ang Batanes ay may lawak ng lupain na 230 kilometrong parisukat. May 860 kilometrong layo mula sa Maynila, 280 kilometro mula sa Aparri, Cagayan at 190 kilometro naman mula sa Timog ng Taiwan. Kilala ang probinsiya ng Batanes sa natatanging likas na anyong tubig at anyong lupa. Tinagurian itong “Palaruan ng Kalikasan” o Nature’s Playground dahil sa kaniyang biyayang kalikasan katulad ng mayamang karagatan, mabuhanging baybayin, bundok, cove, mga burol, nakamamanghang canyon at bulkan na nakakaanyaya ng maraming turistang lokal at dayuhan.

media
media

11

​Cagayan

Ang probinsiya ng Cagayan ay matatagpuan sa gawing Hilagang-silangan ng Luzon. Ito ay may sukat na 19, 296 km2. Dito matatagpuan ang pinakamahabang ilog ng Pilipinas- ang Cagayan River, 350 kilometro ang haba. Hindi dapat malito sa Cagayan River na matatagpuan sa Cagayan de Oro City sa Rehiyon 10.  Sa hilagang bahagi nito ay ang mga West Philippine Sea, sa bandang timog naman ay matatagpuan ang lalawigan ng Isabela, Karagatang Pasipiko sa Silangan at sa Kanluran ay bayan ng Tabuk, Lalawigan ng Kalinga at ang lalawigan ng Apayao.

       May 9,002.7 kilometrong parisukat o 900.267 ektarya ang laki nito. Pangalawa ito sa pinakamalaking probinsiya sa Lambak ng Cagayan kung saan ito ay 3 bahagdan (%) ng kabuuang sukat ng lupa ng Pilipinas. May 28 na bayan at isang lungsod.

media
media

12

​Isabela

Ang lalawigan ng Isabela ay matatagpuan sa Hilagang-silangan ng Luzon. Ito ay may sukat na 12,414.93 km2. May 34 na bayan at tatlong lungsod. Ito ay ang mga Lungsod ng Cauayan, Ilagan, at Santiago. Ang lawak ng lupain ng Isabela ay 10, 665 kilometro parisukat o 1066.5 ektarya na halos 40 bahagdan (%) ang sinakop sa rehiyon. Ito ang pinakamalaking lalawigang ng rehiyon at pangalawa sa pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas kung sukat ng lupain ang pag-uusapan. Ang baybayin ay maikli.  Mayroon itong 208 kilometro ang haba na kakikitaan ng magagandang mga kuweba, maliit na hugis- sapatos ng kabayo na mga anyong tubig sa baybayin na napalilibutan ng lupa na nabuo sa mga lumambot na bato(rocks) o cove, look at marami pang yamang dagat. Ang kanlurang bahagi ay malawak at mahabang kapatagan ng Lambak ng Ilog Cagayan sa pagitan ng mga kabundukang Sierra Madre sa silangan at Cordillera sa Kanluran. 

media
media

13

​Quirino

Ang probinsiya ng Quirino ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang bahagi ng rehiyon. Ito ay may sukat na 3,486 km2. Kasama ng Quirino ang Nueva Vizcaya sa dalawang lalawigan ng Rehiyon 2 na napaliligiran ng mga anyong lupa o landlocked provinces. May 3,057 kilometrong parisukat o 305.72 ektarya ang laki nito. Ito ay 8.4 bahagdan (%) ng kabuuan ng Cagayan at 1.II bahagdan (%) ng kabuuang lupa ng Pilipinas. Bago ito naging lalawigan noong 1971 ay bahagi ito ng Nueva Vizcaya. Binubuo ito ng anim na bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Maddela, Nagtipunan at Saguday.  Cabarroguis ang kabisera ng lalawigan. Kilala ang Quirino sa natatanging mga kuweba nito, mga talon, ilog at kagubatan na itinuturing na South Sierra Madre.  Sa kabuuan, maburol at mabundok ang topograpiya ng lalawigang Quirino.

 

media
media

14

​Nueva Viscaya

Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ay tinatawag na “Gateway to Cagayan Valley” o Pintuan ng Lambak ng Cagayan dahil ito ang unang lalawigan ng rehiyon kung ikaw ay galing sa Metro Manila. Ito ay may sukat na 390.390 ektarya o 16.30 bahagdan (%) ng lupain sa Rehiyon 2. May 15 na bayan ang lalawigan na ito. Kilala ang lalawigang ito sa iba’t ibang uri ng halaman lalo na ang mga gulay, palay, mais at mga prutas. Sa pangkalahatan, may kapatagan, maburol at bulubundukin ang topograpiya ng Nueva Vizcaya.

media
media

Rehiyong Dalawa

by Teacher Princess

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 14

SLIDE