

Panitikan sa panahon ng Kastila (Dulang Panlibangan)
Presentation
•
Education
•
University
•
Hard
Richelle Gallanosa
Used 2+ times
FREE Resource
17 Slides • 0 Questions
1
Panitikan sa panahon ng Kastila
(Dulang Panlibangan)
Richelle Gallanosa
Tagapagdaloy
2
Layunin
Naipakikita ng kasanayan sa positibong paggamit ng
makabagong teknolohiya na makatutulong sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto nito mga dulang
panlibangan.
3
KARILYO
Palabas ito ng mga tauhan yari sa karton na ang anino ay makikita na sa isang maputing tabing. May diyalogong sinasabi ang mga tauhan at ang magpapalabas ng karilyo ang siyang nagsasalita.
4
KOMEDYA
Ang Komedya ay isang dulang patalata (karaniwang binubuo ng octasyllabic o dedocasyllabic na quantrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magla o mga mahihiwagang epekto sa palabas.
5
KOMEDYA
Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang piyesta ng patron ng baryo.
Ito ay nagmula sa comediang Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang lokal na komedya ay unang lumabas sa Latin at Espanyol sa Cebu noong 1598.
6
KOMEDYA
Ang panimula ng moro-moro o komedya sa Pilipinas ay utang sa isang Espanyol na nagngangalang Juan De Salazar. Hindi umano ang pagbabalik ni Heneral Concuera noong kalagitnaan ng Hulyo ang inspirasyon upang sumulat ng isang pagtatanghal na naiiba.
7
KOMEDYA
Noong 1990 nang natabunan ng sarsuwela ang moro-moro. Noong 1902, si Severino Reyes ay nagpalabas ng isang dulang may pamagat na "RIP". Ito'y tumuligsa sa moro-moro at ang pinakadiwa ay isang bangkay na matagal nang naghihintay ng paglilibing ang nasabing anyong pampanitikan. Ang tinutukoy ay ang moro-moro.
Naging bunga nito ay pagtataboy sa moro-moro sa mga teatro at hindi na tinangkilik ang mga moro-moro. Ang naging bunga nito ay pagtataboy sa moro-moro sa mga teatro at hindi na tinangkilik ng mga manonood ang naturang palabas. Iyon na ang naging wakas ng moro-moro.
8
AWIT AT KORIDO
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas. Karaniwang nakasaad ang lagom ng akda, ang halaga nito sa panitikan, a ang mga kritikang lumabas hinggil sa natural na kaalaman. Ito rin ay nauukol sa relihiyon, ombokasyon at paghingi nng paumanhin
9
Mga Katangian:
Bukod sa patula ang pagsusulat at paawit kung bigkasin ay may iba pang mga katangian ang dalawang uri ng akdang ito.
Ang layunin sa pagkakasulat ay ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano. Inihahambing sa Diyos, sa bayan at sa mga babaeng mahal nila sa buhay.
Kapwa nakalahad dito ang mahabang kasaysayan o pangyayaring batay sa mga alamat at epiko ng nagdaang panahon ng Pransia, Italya, Gresya, Albanya, atbp.
Ang pagsalin ay tungkol sa romansa, kabayanihan o pangyayaring nilikha ng may-akda. May mga pangyayaring di-kapanipaniwala subalit kawili-wili at kapanapanabik.
10
Mga Katangian:
Sa katayuan ng diwang napapaloob sa mga akdang ito ay nakahigit ang mga awit sapagkat hindi lamang mga paksang batay sa mga alamat ang pangyayari tulad ng "Florante at Laura"
Ang awit ay binubuo ng mga labindalawang pantig na mat taludtod samantalang ang korido ay binubuo ng walong pantig lamang ang bawat taludtod. Ang "Ibong Adarna" ay isang halimbawa ng korido.
Kung bibigkasin paawit ang "awit" ay marahan na kumpas (andante), samantalang ang "korido" ay sa mabilis na kumpas (allegro).
Kailangang mabatid at mapag-aralan natin ang mga nasulat na mga "awit" at "korido". May mga awit at koridong hindi pa alam ang pangalan ng mga akda.
11
Mga tanyag na Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balitazar
Buhay ni Sigesmundo ni Eulogio Julian de Tandiana
Doce Pares sa Kaharian ni Maria Alimango
Prinsipe Igmidio at Prinsesa Cloriano
Bernardo Carpio
12
Mga tanyag na Korido:
Ang Haring Patay
Ang Ibong Adarna
Don Juan Tinoso
Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz
Dama Ines ni Ananias Zorilla
Prinsipe Florin ni Ananias Zorilla atbp.
13
DUPLO
Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular, kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulang debate sa pamamagitan ng berso.
Ang nakasanayang gawi, ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado ay ipagtatanggol ang kanilang sarili.
14
DUPLO
Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at korido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na ibinigay sa kanya, siya ay kadalasang pinarurusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.
15
KARAGATAN
Ito'y isang larong may paligsahan sa tula na batay sa alamat tungkol sa singsing ng dalagang nahulog sa gitna ng dagat. Sino man sa mga binatang makakuha ng singsing ay pakakasalan ng dalagang may-ari nito. Nagsisimula ang laro sa ganitong pananalita ng binatang lulusong sa dagat:
Karagatan ito'y kahit na malalim
Pangangahasan ko aking lulusungin
Hustong bait ninyo ang titimbulanin
Na inaasahang sasagip sa akin
16
GAWAIN
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bilang isang makabagong guro, paano magagamit ang mga dulang panlibangan sa tulong ng makabagong teknolohiya?
2. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng mga dulang panglibangan sa mga Pilipino?
*Ikomento sa comment section ang iyong sagot.
17
SANGGUNIAN:
Bernales, R.A.et.al.(2018).Panitikan ng mga Rehiyon sa
Pilipinas.Malabon City: Mutya Publishing House.Inc
Reyes,J.S.et.al.(2019).Panitikan ng Pilipinas.Manila:Unlimited Books
Library Services and Publishing Inc.
Panitikan sa panahon ng Kastila
(Dulang Panlibangan)
Richelle Gallanosa
Tagapagdaloy
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 17
SLIDE
Similar Resources on Wayground
12 questions
KG Alphabet
Presentation
•
KG
12 questions
Etnis Minoritas Muslim
Presentation
•
University
11 questions
Test
Presentation
•
KG
11 questions
MGA URI NG AKDANG PATULA
Presentation
•
University
10 questions
Cardiovascular System
Presentation
•
University
12 questions
Evaluación de Lengua materna
Presentation
•
KG
14 questions
GUIA DE ESTUDIO
Presentation
•
KG
12 questions
Métrica española.
Presentation
•
University
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade