

Paggamit ng Impormasyon
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Medium
MYRA RORALDO
Used 7+ times
FREE Resource
14 Slides • 19 Questions
1
Paggamit ng Impormasyon
by MYRA RORALDO
2
Natutukoy ang tamang hakbang sa paggamit ng impormasyong may kinalaman sa pangyayari na makukuha sa radyo, telebisyon, at social media.
Nasusuri ang mga impormasyong nakukuha o naririnig sa radyo, telebisyon, o social media.
Naisasagawa ang tamang paggamit ng impormasyong nakukuha sa radyo, telebisyon, o social media.
Napahahalagahan ang tamang paggamit ng impormasyon na nabasa o narinig
3
Piliin ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaad ng tamang hakbang sa pagpapasya at MALI kung hindi.
4
Multiple Choice
May pagpupulong ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean Up Drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
Tama
Mali
5
Multiple Choice
Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala ng matulis na bagay para madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.
Tama
Mali
6
Multiple Choice
Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Labag sa kalooban mo na tinangap ang iyong pagkalider.
Tama
Mali
7
Multiple Choice
May nabasa kang isang pribadong mensahe mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam ano ang pinagmulan nito.
Tama
Mali
8
Multiple Choice
Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa katabi nya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulagbulagan lamang.
Tama
Mali
9
Multiple Choice
Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
Tama
Mali
10
Multiple Choice
May usapan kayong dadalo sa pulong ng kampanyang “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
Tama
Mali
11
Multiple Choice
Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating kana roon, subalit sumama ka pa rin.
Tama
Mali
12
Tandaan na ang social media at ang internet ay itinuturing na isang publikong lugar
Anumang bagay na i-post natin sa social media at sa internet ay naisasapubliko. Ang isang post ay maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan at kakilala. Maari rin itong mai-share at umabot sa libu-libo, o maging milyun-milyong naka-konekta sa internet. Kaya dapat tayong maging maingat sa lahat nang ating mga pananalita, ekspresyon, at maging sa mga larawan na ginagamit. Tandaan na maaaring mabasa at bigyan ng kahulugan ito ng kung sino-sino at samut-saring uri ng tao. Tandaan din natin na kung ano ang ating naging reputasyon online, ganun din ang magiging pagkilala sa atin sa tunay na buhay. Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga usapin o paksa, maseselang larawan, at video. Huwag mag-post ng maaring makasakit o makagalit sa ibang tao
13
Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan
Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang koneksyon sa ating mga mahal sa buhay at mga kaibigan sa pamayanan at sa kabuuan ng lipunan. Ang Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa, ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan. Magandang araw! Inaasahan sa modyul na ito na ikaw ay makatutukoy, makasusuri, makagagawa, at makapagpapaliwanag ng mga tamang hakbang sa paggamit ng impormasyon upang hindi makasakit at makapaminsala sa sarili at sa kapuwa. Maaring dumating minsan ang punto na magkasalungat ang ating mga pananaw sa iba’t ibang mga bagay subalit tandaan natin na karapatan ng bawat isa ang magpahayag ng paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Mas mainam nga na naipahahayag natin ang ating mga kuro-kuro. Importante lang na manaig ang respeto sa mga pagkakaiba-iba natin.
14
Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago magkomento o mag-share
Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa nang lubusan sa mga bagay na nakikita natin sa internet. (Babala: hindi lahat ng nakikita sa internet ay totoo!) Narito ang ilang mga gabay na tanong upang mas maunawaan natin ang ating mga binabasa:
● Ano ang pangunahing paksa ng artikulo na ito? (Tungkol saan ang artikulo na ito?)
● Ano ang mga sumusuportang ideya sa pangunahing paksang ito?
● Ano ang gustong ipahiwatig ng manunulat/potograpo/may-akda ng gawang ito?
● Lahat ba ng mga naisulat/ipinapakita/nailathala ay suportado ng siyentipikong pagsusuri, ebidensya, at patunay?
15
● Maari ko bang beripikahin at isangguni sa iba pang mga sanggunian ang mga sinasabi at inaangkin ng awtor sa artikulo na ito? Sumosoporta ba sa pag-aangkin na ito ang iba pang mga sanggunian o salungat ang mga ito?
● Itong akda/imahe/video ba ay diretsong pagpahayag ng katotohanan/kaganapan)? O ito ba ay pagpapahayag lamang ng may akda ng kaniyang sariling opinyon?
● Paano ito makaka-apekto sa akin at sa aking pang-araw-araw na pamumuhay?
● Ano ang ibig sabihin ng artikulo na ito sa mga bagay-bagay na kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan? Kapag hindi lubusang naintindihan ang nababasa o nakikitang mga imahe, mas mainam na magtanong sa nakaka-alam, o mga eksperto sa paksa. Magtanong sa mga kaibigan, kamag-anak, guro, o mga otoridad na may mas malawak na kaalaman sa paksa ng inilathala o litrato
16
Iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga artikulo o memes
Tandaan natin na importanteng totoo at beripikado ang mga impormasyon na ating sine-share sa social media. Alamin kung totoo at batay lamang sa katotohanan ang nilalaman ng artikulo at mga larawan. May mga artikulong nais lamang magbigay ng komentaryo sa pamamagitan ng pagpapatawa. Ang tawag sa mga ito ay lampoon, parody, o satire. Maging maingat sa pagkilala at pagbasa ng mga ito. Tandaan natin na may iba pang mga websites na ang tanging pakay lamang ay manlinlang at magpakalat ng hindi totoong mga impormasyon. Iwasan natin ang mga ito. Maaaring sa pag-share natin ng maling impormasyon ay makasakit tayo ng ibang tao, maging dahilan ng panic, o di kaya’y maging sanhi ng kaguluhan sa ating lipunan. Ayaw nating mangyari ito.
17
Maging responsable sa lahat nang oras
Ang pagiging responsable online ay nag-uugat sa dalawang bagay lamang: katotohanan at paggalang. Kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa ating pag-aasal sa social media, maiiwasan natin ang bangayan, hindi pagkaka-unawaan, siraan, at pagkakawatakwatak. Gamitin natin ang social media nang tama. Gamitin natin ito upang linangin ang ating pakikipag-kapuwa tao. Gamitin natin ito upang tayo ay matuto. Gamitin natin ang Facebook, Twitter, at Instagram upang mas mapabuti pa ang ating pamumuhay. Ngunit may masama at mabuting dulot sa bawat paggamit natin o pagpapalabas ng ng mga impormasyon at personal nating pagkakilanlan sa social media. Paano nga ba natin gagamitin ang mga impormasyong nakukuha natin tungkol sa mga pangyayaring narinig o nabasa dito?
18
Mabuting Naidudulot:
Nabibigyan ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talento ng bawat isa ay matutuklasan, halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari siyang matuklasan nang mas madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ring gamitin ang Google, isang website upang makapanaliksik ng tungkol sa iba’t ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay madaling naipahahayag. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling mapalaganap ang mga kaalaman o mga impormasyon at mabilis na pakikipag-ugnayan ng mga tao
19
Masamang Naidudulot:
● Unang-una, hindi mo personal na nakakausap ang isang tao sa social media sapagkat kayo ay nag-uusap sa pamamagitan ng screen lamang.
● Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa halimbawa sa mga detalye ng tamang pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap.
● Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng mahabang oras - maaring sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral.
Ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na internet access sa kalusugan ng ating utak. Nagdudulot ito ng sleep deprivation o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda, nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasensiya o pokus sa isang bagay.
20
Masaya man o nakapagdudulot ng aliw ang araw-araw na pag-access sa internet, hindi pa rin maganda na maubos ang oras dito. Higit sa lahat, mas maigi pa rin ang personal na pakikisalamuha sa kapuwa dahil daan ito upang mas higit na makilala at makita ang tunay na emosyon, ugali at kilos ng isang tao.
Ang mga impormasyon na nakukuha natin sa radyo, telebisyon, internet, at social media ay nakasalalay sa atin kung paano ito gagamitin. Ang responsabling paraan ng paggamit ng ano mang impormasyon ang makaiiwas na makasakit o makapinsala sa sarili at sa kapuwa.
21
Piliin kung tama o mali
22
Multiple Choice
Si Mang Andoy ay matagal nang nagtatrabaho sa Munisipyo. Siya ay kinagigiliwan ng lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin. Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kaniyang anak upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang palayaw ng anak sa kontratang papel.
Tama
Mali
23
Multiple Choice
Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga mag-aaral ang Mataas na Paaralan ng San Jose. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kaniyang sariling pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito.
Tama
Mali
24
Multiple Choice
Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa kabataan. Sa bakasyon, may dalawampung araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke, at iba pang pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply. Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang tamang petsa. Sinagutan mo ng mga petsang hula mo lang.
Tama
Mali
25
Multiple Choice
Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo. Gusto niyang lumabas ka ng bahay upang makita ang tatay mo at ang kinakatagpo niya na sinasabing babae raw ng tatay mo. Hindi ka naniwala sa kaniya dahil wala kang sapat na basihan nito.
Tama
Mali
26
Multiple Choice
Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na palaboy-laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Pinuntahan mo kaagad ang matanda at pinagalitan siya.
Tama
Mali
27
Multiple Choice
Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ibinibigay niya sa mga ito ang cellphone number at e-mail address niya.
Tama
Mali
28
Multiple Choice
Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Efren. Tinatanong ng nars ng hospital ang PhilHealth number ng nanay niya. Ibinibigay niya ito.
Tama
Mali
29
Multiple Choice
Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso. Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ibinigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali ang pag-withdraw.
Tama
Mali
30
Multiple Choice
Gusto mong magkaroon ng bagong gadget. Kumuha ka ng hulugang laptop. Sa application form isinulat mo ang buong direksiyon ng tirahan mo.
Tama
Mali
31
Multiple Choice
Nabasa mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang nakakilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kaniyang pamilya. Nakita mo ang mukha ng matanda. Pinaalam mo sa kapitbahay mo na ang lola nila ay nakita sa facebook na matagal na nilang hinahanap
Tama
Mali
32
Gumawa ng poster na magpapakita ng impormasyon ukol sa mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad
33
Open Ended
Ipaliwanag ang nais ipabatid ng iyong poster
Paggamit ng Impormasyon
by MYRA RORALDO
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 33
SLIDE
Similar Resources on Wayground
29 questions
Powojenna odbudowa
Presentation
•
KG
26 questions
Oświecenie w Europie
Presentation
•
6th Grade
27 questions
Rodzaje usług. Transport i łączność.
Presentation
•
7th Grade
27 questions
Zróżnicowanie ludności Europy. Migracje. kl.6
Presentation
•
6th Grade
25 questions
Rzeczpospolita pod rządami Wettinów
Presentation
•
6th Grade
25 questions
ATIVIDADE AVALIATIVA 2,5
Presentation
•
6th Grade
28 questions
Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian at Tungkulin
Presentation
•
6th Grade
22 questions
Poema
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
19 questions
Naming Polygons
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Prime Factorization
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Prime Factorization
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
10 questions
Candy
Quiz
•
4th - 8th Grade
10 questions
Fact Check Ice Breaker: Two truths and a lie
Quiz
•
5th - 12th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
14 questions
Context Clues
Quiz
•
4th - 6th Grade
10 questions
Video Games
Quiz
•
6th - 12th Grade