

Pagsuri ng mga Kaisipan/Tema/Layunin/Tauhan/ Tagpuan at Pagpapahalagang Nakapaloob sa Napanood na Maikling Pelikula/Nab
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Easy
Jaybien Maligalig
Used 1+ times
FREE Resource
12 Slides • 14 Questions
1
Pagsuri ng mga Kaisipan/Tema/Layunin/Tauhan/ Tagpuan at Pagpapahalagang Nakapaloob sa Napanood na Maikling Pelikula/Nab
2
​
Sa araling ito, matututuhan mo ang magsuri ng mga kaisipan, tema, layunin, tauhan, tagpuan at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling pelikula/nabasang kuwento.
3
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Basahing mabuti ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos magbasa.
4
Ibalon
( Isang Buod )
Ang mga Bikolano ay may bayaning nagngangalang Handiong sa kanilang epikong nagpapakita rin ng kanilang lahi at kaugalian. Naniniwala sila na ang kanilang ninuno ay si Baltog na ipinanganak sa Batovara mula sa lahing tinatawag na Lipod kung saan iba’t -ibang uri ng halimaw ang naninirahan.
5
​
Si Handiong ay isang matalino at walang takot na mandirigma ng tribo. Dahil sa kanya, kaya naging tahimik ang lugar na dating pinaghaharian ng mga halimaw na nagpahirap sa mamamayan. May buwayang sinlaki ng mga bangka, pating na may pakpak, higanteng uranggutang, ahas, at iba pang nakakatakot na nilikha.
Subalit hindi niya nalupig ang mapanlinlang na babaeng ahas na si Oriol. Ang mala-serena nitong boses ay nakapanghahalina at nakakaengkanto sa ibang makaririnig nito. Napakatuso ni Oriol at kayang tumakas kahit mabihag nang paulit-ulit.
6
​
Hindi nagtagal ay umibig si Oriol kay Handiong at ito ang naging dahilan kung bakit naglaho ang kanyang kapangyarihan. Siya ang naging daan upang magapi ni Handiong ang mga halimaw sa madugong labanan. Labanan iyong nagpahaba ng dugo sa mga ilog sa kanilang lugar.
Naging mapayapa at maunlad ang Ibalon. Nais nilang lumaganap ang kapayapaan sa kanilang lugar. Tinuruan ni Handiong ang mga taong magtanim ng mabubuti at magagandang uri ng palay na tinawag nilang Hinandyogan at ng halamang-ugat. Pinasalamatan din siya ng mga katutubo dahil sa paggawa niya ng unang bangka. Nakalikha rin siya ng iba’t- ibang gamit sa pagsasaka, tulad ng araro at itak.
7
​
May lumabas na batang bayani sa ilalim ng pamamahala ni Handiong. Ito ay si Bantong, ang lider ng libu-libong pagsalakay at paglalakbay. Ipinadala siya upang paslangin ang nakatatakot na si Rabot, ang halimaw na kalahating tao at may angking kapangyarihang gawing bato ang tao. Siya ang nananakot sa mga tao.
Dinala ni Bantong ang bangkay ng napatay na halimaw. Ito ay iniharap kay Handiong. Bagama’t matapang at sanay sa digmaan ay hindi nakapagsalita si Handiong nang makita sa labi ng pangit at nakatatakot na halimaw. Simula noon, lalong naging payapa at maunlad ang bayan ng Ibalon
8
​
Alam mo bang ang iyong nabasa ay isang epiko?
Ang epiko ay isang uri ng tekstong pampanitikan na nasusulat sa anyong patula at tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o grupo ng tao. Kadalasan na ito ay punong-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Ang epiko ay mahalagang nabibigyan natin ito ng pagpapahalaga sapagkat bahagi na ito ng ating mayamang kasaysayan, tradisyon at kultura.
9
Open Ended
1.Ano ang pamagat ng tekstong pampanitikan na iyong binasa?
10
Open Ended
2. Anong uri ito ng tekstong pampanitikan?
11
Open Ended
3. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
12
Open Ended
4. Ano ang problema ng kanilang tribo?
13
Open Ended
5. Alin ang nagpatigil ng kaguluhan ayon sa mensahe ng akda?
14
Open Ended
6. Ano sa palagay mo ang nangyari kung hindi umibig si Oriol?
15
Open Ended
7. Mabuti ba ang itinuro ni Handiong sa mga mamamayan ng kanilang tribo? Bakit?
16
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Basahin ng mabuti ang tekstong pampanitikan sa ibaba. Ipamalas ang pagpapahalaga sa sanaysay na iyong nabasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa pagtalakay sa akda.
17
Dangal sa Paggawa
Bawat nilalang ay may kanya-kanyang kakayahan at abilidad. Ang handog na ito ng Diyos sa atin ay nararapat lamang nating pagyamanin upang maipamahagi sa mga nanganilangan. Iisa ang mithiin ng bawat manggagawa: kumita nang sapat at maibsan ang hirap na nararanasan nang sa gayo’y maiwasan ang pagkulo ng tiyan. Bagama’t may uri ng trabahong nakahihigit sa iba, pinakamahalaga ay kung paano natin ibinibigay ang lahat ng ating makakaya at nalalaman sa bawat gawaing nakaatang sa atin.
18
​
Nakalulungkot isiping marami sa ating mga kababayan ang nagugutom. Ang iba’y nagkakasya na lamang sa pamamalimos. Ang iba naman ay gumagamit ng dahas upang makuha ang pinaghirapan ng kapwa. Ayaw nilang patuluin ang sariling pawis upang kahit paano’y mabawasan ang kahirapan.
Marahil, kung ang isa’t isa’y matututong magpakasakit at matiyaga sa buhay ay may nakalaang tagumpay sa dakong huli para sa kanila. Nakapag-aral man o hindi, sila’y may lugar sa lipunan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga maggagawa. Anumang uri ng hanapbuhay at antas ng pamumuhay sila nabibilang ay kaisa sila sa hangaring mapaunlad at maiangat ang ating sambayanan.
19
Open Ended
1. Anong uri ito ng tekstong pampanitikan?
20
Open Ended
2. Aling handog ng Diyos ang dapat pagyamanin? Kanino ito dapat maipamahagi? Bakit?
21
Open Ended
3. Anu-ano ang mithiin ng bawat maggagawa? Isa-isahin
22
Open Ended
4. Sa iyong palagay, paano dapat magtrabaho ang isang manggagawa?
23
Open Ended
5. Maraming nagsisikap subalit hindi pa rin gumaganda ang kanilang buhay. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
24
Open Ended
6. Sa kasalukuyang krisis na kinahaharap natin dulot ng pandemyang CoVid19 , paano kaya mabibigyan ng pag-asa ang mga manggagawang nawalan nang hanapbuhay?
25
Open Ended
7. Paano mo mapapahalagahan ang sanaysay bilang isang uri ng tekstong pampanitikan?
26
Pagsuri ng mga Kaisipan/Tema/Layunin/Tauhan/ Tagpuan at Pagpapahalagang Nakapaloob sa Napanood na Maikling Pelikula/Nab
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 26
SLIDE
Similar Resources on Wayground
16 questions
modal verbs
Presentation
•
6th Grade
19 questions
TEXTURE NG MUSIKA
Presentation
•
5th Grade
20 questions
Suliranin at Solusyon
Presentation
•
5th Grade
19 questions
Lição Frudos do Espírito - Alegria
Presentation
•
KG
17 questions
Molecules, Compounds, and Mixtures
Presentation
•
6th Grade
20 questions
asam basa
Presentation
•
7th Grade
23 questions
EXERCÍCIOS 6º A/B AV2-Fazendo investimentos
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade