Search Header Logo
Filipino 5 Pagbibigay ng Mahalagang Pangyayari

Filipino 5 Pagbibigay ng Mahalagang Pangyayari

Assessment

Presentation

•

Other

•

5th Grade

•

Easy

Created by

OGS- Teacher Lea

Used 1+ times

FREE Resource

8 Slides • 5 Questions

1

Filipino 5 Pagbibigay ng Mahalagang Pangyayari

by OGS- Lea

2

​

Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

3

​

Ang Modyul ni Emry

Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang

paglalaro sa kaniyang Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa

Youtube channel. Dahil sa pandemic, hindi siya makalabas ng bahay.

4

​

Masaya siya nang magsimula ang pasukan. Hindi man siya

makapunta sa paaralan, pinakahihintay naman niya ang pagdating ng modyul. Oktubre 5 nang magsimula ang klase.

5

​

Hinintay niya ang

pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong

niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan

nito. Dali-dali niya itong binuksan at kinuha ang nasa loob.

6

​

“Papa, Papa, there’s a story book inside. Can I read it now?”

tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang ama nito ay binuklat niya

ito. “But this is not English, how am I suppose to understand this?”,

malungkot na tanong niya. Ibinalik niya ang modyul sa envelope.

7

​

Sumabad ang lola ni Emry, “ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa

anak niyo, ngayon paano ang pagsagot niyan?” Nagkatinginan ang mga

magulang ni Emry at nagkatawanan sila. “No problem, Mother, I’ll be the

translator, no sweat,” sagot ng Papa.

8

Sagutin ang mga Tanong:

9

Open Ended

1. Ano ano ang nakahiligang gawin ni Emry?

10

Open Ended

2. Bakit kaya masaya siya kahit hindi nakalalabas ng bahay?

11

Open Ended

3. Paano mo mapatutunayan na interesado si Emry na matuto?

12

Open Ended

4. Sa iyong palagay, tama kaya ang lola ni Emry sa kaniyang sinabi?

Patunayan ang iyong sagot?

13

Open Ended

5. Magbigay ng tatlong mahahalagang pangyayari sa anekdotang

nabasa.

pattern-tertiary
Filipino 5 Pagbibigay ng Mahalagang Pangyayari

by OGS- Lea

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 13

SLIDE