Search Header Logo
2nd Filipino 2 Pagsusulit Blg. 3

2nd Filipino 2 Pagsusulit Blg. 3

Assessment

Presentation

Other

2nd Grade

Medium

Created by

ERWIN GASPAR

Used 7+ times

FREE Resource

9 Slides • 18 Questions

1

2nd Filipino 2 Pagsusulit Blg. 3

by ERWIN GASPAR

2

​Pang-uri

​- mga salitang naglalarawan sa pangngalan (noun) at panghalip (pronoun)

​Pangngalang - tumutukoy sa tao, bagay, hayop, o pangyayari.

Panghalip - mga kataga o salitang pumapalit sa pangngalan.

​Halimbawa ng panghalip:

​ ikaw, ako, tayo, sila, kami

3

​Halimbawa:

​Ang batang si Wilson ay may makinis na balat.

​- salitang naglalarawan makinis

​- salitang inilalarawan balat, ang balat ay isang pangngalan (noun) dahil ito ay bahagi ng katawan ng tao

​- kaya ang makinis ay pang-uri

4

​Halimbawa:

​Mahaba ang buhok ni Editha.

​- salitang naglalarawan mahaba

​- salitang inilalarawan buhok

​- mahaba ay isang pang-uri

5

​Halimbawa:

Masaya ang Pasko sa Pilipinas.

​- salitang naglalarawan masaya

​- salitang inilalarawan Pasko

​- masaya ay pang-uri (dahil ang pasko ay isang pangyayari)

6

Multiple Choice

Ito ay nagbibigay katangian o uri sa isang pangngalan o panghalip.

1

Pang-uri

2

Pangngalan

3

Pandiwa

4

Pang-abay

7

Multiple Choice

Ano ang salitang naglalarawan sa pangngalan sa pangungusap?

Sa bahay na puti nakatira si Daniel at ang kanyang pamilya.

1

bahay

2

Daniel

3

puti

4

pamilya

8

Multiple Choice

Ang matipid na mag-aaral ay maraming naiipong pera.

Alin sa mga nakasalangguhit na salita ang pang-uri?

1

matipid

2

mag-aaral

3

maraming

4

pera

9

Multiple Choice

Ano ang pang-uri sa pangungusap?

Ang batang nakapula ay kinagigiliwan ng lahat.

1

bata

2

nakapula

3

kinagigiliwan

4

lahat

10

Multiple Choice

Ano ang angkop na pang-uri sa pangngalang bulaklak?

1

malawak

2

makitid

3

mabango

4

mabilis

11

Multiple Choice

Alin ang hindi angkop na pang-uri sa bola?

1

bilog

2

matigas

3

tumatalbog

4

masikip

12

Multiple Choice

Ano ang wastong pang-uring kukumpleto sa pangungusap?

Ang sapatos ni Amir ay _____

1

mabilis

2

bago

3

mainit

13

Multiple Choice

Ano ang wastong pang-uring kukumpleto sa pangungusap?

_____ang boses ng guro nila.

1

Mahaba

2

Makinis

3

Malakas

14

Multiple Choice

Alin ang hindi angkop na gamitin sa pangungusap?

Ang lapis ni Maria ay _____

1

matulis

2

mahaba

3

mapurol

15

Multiple Choice

Ano ang angkop na gamiting pang-uri kung ikaw ay nagbibigay katangian sa iyong kaibigan?

Ang kaibigan ko ay _____

1

pangit

2

mabaho

3

matalino

16

​Uri ng Pang-uri

Pang-uring Panlarawan - salitang naglalarawan sa katangian ng mga pangngalan at panghalip.

​Maaaring ito ay- kulay, hugis, laki, lawak, lalim, at babaw, ugali

Pang-uring Pamilang - tumutukoy sa bilang o dami ng pangngalan o panghalip.

​Halimbawa - una, sampu, ikalawa, apat, marami

17

Multiple Choice

Anong uri ng Pang-uri ang nasalungguhitang salita sa pangungusap?

Marami ang apektado sa nagdang bagyo.

1

Panlarawan

2

Pamilang

18

Multiple Choice

Anong uri ng Pang-uri ang nasalungguhitang salita sa pangungusap?

Kaawa-awa ang mga nalubog sa baha.

1

Panlarawan

2

Pamilang

19

Multiple Choice

Anong uri ng Pang-uri ang nasalungguhitang salita sa pangungusap?

Tunay na mapaminsala ang bagyong Rolly.

1

Panlarawan

2

Pamilang

20

Multiple Choice

Anong uri ng Pang-uri ang nasalungguhitang salita sa pangungusap?

Matibay ang aking pananalig na makababangon ang lahat sa lalong madaling panahon.

1

Panlarawan

2

Pamilang

21

Multiple Choice

Anong uri ng Pang-uri ang nasalungguhitang salita sa pangungusap?

Ang lider na iginagalang ng mga tao ay yaong mabuti.

1

Panlarawan

2

Pamilang

22

​Mga Dapat Tandaan sa Pang-uri

​- ito ay salitang naglalarawan (describing word)

- ito ay naglalarawan sa pangngalan at panghalip

​- may 2 uri: PANLARAWAN at PAMILANG

- sa paglalarawan laging isaalang-alang na ang anumang negatibong salita ay maaaring makasakit sa ating kapwa.

23

​Ang Kalabaw sa Balon

Tauhan:

​1. Kalabaw - ang nahulog sa balon

​2. Mang Baste - ang may-ari ng kalabaw

​Tagpuan: sa Balon

Suliranin: nahulog ang kalabaw at hindi maiahon ni Mang Baste ang alaga mula sa balon. Tinawag ni Mang Baste ang mga kapitbahay upang tulungan siyan tabunan na lamang ang kalabaw sa ilalim ng balon dahil hindi niya alam paano ito maiaalis sa pagkakahulog.

Solusyon: sa bawat lupang bumabagsak sa katawan ng kalabaw ay pinapagpag niya ito saka inihahakbang ang paa sa ibabaw ng bumagsak na lupa.

Wakas: Ligtas na nakaahon ang kalabaw mula sa balon.

24

Multiple Choice

Tukuyin ang angkop na bunga ng mga pangyayari sa bawat bilang.

Hindi napansin ng kalabaw ang isang balon dahil natakpan ito ng damo.

1

Nakaligtas ang kalabaw kaya nagpalakpakan sa tuwa ang mga tao.

2

Pinagpag ng kalabaw ang lupa at humakbang siya pataas sa naipong lupa.

3

Nahulog ang kalabaw sa malalim na balon.

4

Tinulungan siya ng mga kapitbahay na tabunan ng lupa ang kalabaw.

25

Multiple Choice

Tukuyin ang angkop na bunga ng mga pangyayari sa bawat bilang.

Nag-isip ng solusyon ang kanyang amo.

1

Naisip niyang tabunan na lamang ng lupa ang kanyang kalabaw.

2

Naisip niyang iwan na lamang itong mag-isa sa balon.

3

Naisip niyang bigyan ito ng pagkain.

26

Multiple Choice

Tukuyin ang angkop na bunga ng mga pangyayari sa bawat bilang.

Bumagsak sa kalabaw ang lupang itinatabon ng mga tao.

1

Walang nagawa ang kalabaw kung hindi umiyak na lamang

2

Pinagpag ng kalabaw ang lupa at humakbang siya pataas sa naipong lupa.

3

Sa bawat lupang nahuhulog sa kalabaw, ibinabalik niya ito sa mga tao.

27

​Kaisipan o Aral na taglay ng kwento

Sa bawat problemang dumarating sa buhay ng tao lagi tayong may 2 pagpipiliian:

1. mabaon ng tuluyan sa problema

​2. harapin ito at humakbang paitaas hanggang sa tuluyang makaahon

2nd Filipino 2 Pagsusulit Blg. 3

by ERWIN GASPAR

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 27

SLIDE