Search Header Logo
2nd Filipino 3 Pagsusulit Blg. 3

2nd Filipino 3 Pagsusulit Blg. 3

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Medium

Created by

ERWIN GASPAR

Used 9+ times

FREE Resource

9 Slides • 28 Questions

1

2nd Filipino 3 Pagsusulit Blg. 3

by ERWIN GASPAR

2

​Si Langgam, Si Tipaklong, at Isang Naiibang Wakas

Tauhan:

​1. Langgam - masipag

​2. Tipaklong - masayahin, mapagwalambahala

​Tagpuan:

​- sa bahay ni Langgam

​Suliranin sa kwento:

​- Hindi inaasahang pagdating ng tag-ulan kaya't walang naipong pagkain si Tipaklong.

3

Solusyon:

​- Tinulungan siya ng kaibigang si Langgam at binigyan ng trabaho sa patahian kapalit ng pagkain at pagtira sa bahay ng kaibigan.

Wakas: Natuto si Tipaklong na paghandaan ang hinaharap. Naging masipag siyang mag-ipon ng makakain bago ang tag-ulan.

​Si Langgam, Si Tipaklong, at Isang Naiibang Wakas

4

Multiple Choice

Pagtukoy sa mahalagang detalye ng kwento.

Ang lugar o tagpuan kung saan unang nagkita sina Langgam at Tipaklong.

1

sa plasa

2

sa gubat

3

sa bukid

5

Multiple Choice

Ang panahon sa unang tagpo nang magkita sina Langgam at Tipaklong.

1

tag-ulan

2

tag-init

3

taglamig

6

Multiple Choice

Ang iniipon at binubuhat ni Langgam para sa kanyang pamilya.

1

butil ng mais

2

butil ng trigo

3

butil ng palay

7

Multiple Choice

Dito naganap ang pinakamahalagang tagpo sa kwento.

1

sa bahay ni Langgam

2

sa bahay ni Tipaklong

3

sa patahian ni Langgam

8

Multiple Choice

Ang ginagawa ni Tipaklong habang nagbubuhat at nagtatrabaho si Langgam.

1

kumain at maglaro

2

sumayaw at kumanta

3

sumayaw at maglaro

9

Multiple Choice

Ang panahon ng humingi ng tulong si Tipaklong kay Langgam.

1

tag-ulan

2

tag-init

3

taglamig

10

Multiple Choice

Ang ibinigay ni Langgam kay Tipaklong upang manumbalik ang lakas nito.

1

mainit na gatas at pagkain

2

mainit na kape at pagkain

3

mainit na tsokolate at pagkain

11

Multiple Choice

Ang pinakamahalagang aral ng kwento.

1

habang may buhay may pag-asa

2

ang tunay na kaibigan sa kagipitan nasusubukan

3

huwag maging pabaya at paghandaan ang kinabukasan

12

Panghalip (pronoun)

​ - mga katagang pumapalit o humahalili sa pangngalan (noun)

Halimbawa ng Panghalip

​ - ikaw, ako, kayo, tayo, sila, kami, iyan, iyon, ganito, ganyan, doon, dito, diyan, rito, riyan, roon.

​(dito, diyan, doon) ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig

​(rito, riyan, roon) ginagamit kung ang sinusundang salita ay patinig

13

​Uri ng Panghalip

​1. Panghalip Panao

​- mga salitang ipinapalit sa ngalan ng tao

Halimbawa ng Panghalip Panao

ako, ko, tayo, kami - tumutukoy sa taong nagsasalita

ikaw, ka, kayo, mo - tumutukoy sa taong kinakausap

siya, sila, niya - tumutukoy sa taong pinag-uusapan

14

​Panauhan ng Panghalip Panao

Unang Panauhan - ako, ko, tayo, kami - tumutukoy sa taong nagsasalita

​Ikalawang Panauhan - ikaw, ka, kayo, mo - tumutukoy sa taong kinakausap

Ikatlong Panauhan - siya, sila, niya - tumutukoy sa taong pinag-uusapan

15

​2. Panghalip Pamatlig

​- mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari

Halimbawa ng Panghalip Pamatlig

​- ito, nito, dito - ginagamit kung ang pangngalang tinutukoy ay hawak o malapit sa nagsasalita

​- iyan, niyan, diyan - ginagamit kung ang pangngalang tinutukoy ay malapit o hawak ng taong kinakausap

​- iyon, niyon, doon - ginagamit kung ang pangngalang tinutukoy ay malayo sa nagsasalita o sa nag-uusap

16

​Panauhan ng Panghalip Pamatlig

Unang Panauhan​ - ito, nito, dito - ginagamit kung ang pangngalang tinutukoy ay hawak o malapit sa nagsasalita

Ikalawang Panauhan - iyan, niyan, diyan - ginagamit kung ang pangngalang tinutukoy ay malapit o hawak ng taong kinakausap

Ikatlong Panauhan - iyon, niyon, doon - ginagamit kung ang pangngalang tinutukoy ay malayo sa nagsasalita o sa nag-uusap

17

Multiple Choice

Question image

Punan ng wastong panghalip panao ang bawat patlang.

Si Marie ay nasa kwarto. ____ ay natutulog.

1

Sila

2

Siya

3

Ikaw 

4

Kayo

18

Multiple Choice

Question image

Ako at kayo ay matanda na. ____ ay mabagal na.

1

Ikaw

2

Kami

3

Sila

4

Tayo

19

Multiple Choice

Question image

Mario, Ella at Sam, ano iyan? ____ba ay nagluluto?

1

Sila

2

Ikaw 

3

Kayo

4

Siya

20

Multiple Choice

Question image

Ang mga kaklase ko at ako ay naglilinis.

______ ay masisipag.

1

Siya

2

Ako

3

Kayo

4

Kami

21

Multiple Choice

Question image

Sina Jane, Andrei at James ay masaya.

_____ ay tumatawa.

1

Sila

2

Kayo

3

Kami

4

Siya

22

Multiple Choice

Pagtukoy sa Panauhan ng Panghalip Panao.

Ang aking marka sa Filipino ay mataas.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

23

Multiple Choice

Tayong dalawa raw ang maiiwan dito sabi ni Nanay.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

24

Multiple Choice

Siya nga ang matalik kong kaibigan.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

25

Multiple Choice

Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

26

Multiple Choice

Sa inyo ba ang malaking bahay?

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

27

Multiple Choice

Tukuyin ang wastong panghalip pamatlig sa bawat bilang.

Pumunta sa palengke si Ate Joy. _______ siya bibili ng mga gulay at karne.

1

Diyan

2

Doon

3

Iyan

4

Dito

28

Multiple Choice

Bumili ako ng bagong damit. Isusuot ko _____ sa aking kaarawan.

1

iyan

2

iyon

3

ito

4

roon

29

Multiple Choice

Kumain ka na ba? Ano ________ dala-dala mong pagkain?

1

iyan

2

iyon

3

diyan

4

doon

30

Multiple Choice

Malapit na ang aming pagsusulit. _______ nalang ako mag-aaral sa bahay namin.

1

Rito

2

Dito

3

Riyan

4

Ito

31

Multiple Choice

Itapon mo ______ sa labas ng bahay ang mga nakakalat na basura.

1

doon

2

ito

3

roon

4

iyon

32

Multiple Choice

Pagkilala sa Panauhan ng Panghalip Pamatlig.

Diyan tayo pupunta sa Sabado.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

33

Multiple Choice

Ito ang dadalhin ko sa biyahe.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

34

Multiple Choice

Iyon ba ang sasakyan natin?

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

35

Multiple Choice

Bagong ayos ang makina nito.

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

36

Multiple Choice

Kunan natin ng litrato ang bulkan. Kamera mo ba iyan?

1

Unang Panauhan

2

Ikalawang Panauhan

3

Ikatlong Panauhan

37

​Mga Dapat Tandaan sa Panghalip Panao at Pamatlig

Panghalip Panao - humahalili sa ngalan ng tao

Panauhan ng Panghalip Panao - salitang ginagamit upang matukoy kung sino ang nagsasalita sa pangungusap; binubuo ng una, ikalawa, at ikatlong panauhan

Panghalip Pamatlig - ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, lugar, hayop

Panauhan ng Panghalip Pamatlig - salitang ginagamit sa pagtuturo sa kinalalagyan ng mga pangngalan; binubuo ng una, ikalawa, at ikatlong panauhan

2nd Filipino 3 Pagsusulit Blg. 3

by ERWIN GASPAR

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 37

SLIDE