Search Header Logo
Akdang Pampanitikan

Akdang Pampanitikan

Assessment

Presentation

Other

9th Grade

Hard

Created by

Jennise Anas

FREE Resource

8 Slides • 0 Questions

1

Akdang Pampanitikan

2

Saranggola

Ni Efren R. Abueg

3

May isang batang humihiling ng guryon sa kanyang ama, subalit tinuruan ng ama na magpalipad ng saranggola. Ang ama ay ang may-ari ng kaisa-isang estasyong gasolina at machine shop.

​Pagkalipas ng panahon ay humiling ang anak ng damit, sapatos, malaking baon at pagsama-sama ng barkada ngunit naghiling ang ama sa kanyang anak na magtipid.

Dahil dito, nagtanim ng hinanakit ang anak dahil sa mga kagustuhan ng kanyang ama, na ang isa ay maging inhinyero siya.

Nang naging 18 na taon ang anak, naghiling siya na mag-aral ng Commerce kasama ng kanyang tropa subalit tinanggi ng kanyang ama. Dahil dito, kumuha na lang siya ng Mechanical Engineering. Nagkaroon ito ng nais ng anak na mapaghimagsik sa kanyang ama.

Nang una, ayaw mag-aral ang anak subalit sa huli itiniis niyang tapusing ang kanyang pag-aaral dahil sa payo at katuwiran ng kanyang mga magulang.

4

​Pagkatapos nga kanyang pag-aaral ay napabilang siya sa nangungunang unang dalawampu sa gobyerno. Nagbigay ang ama ng limampung libong piso para sa hanapbuhay ng anak, na akala niya ay ibibigay ang machine shop ng ama para sa kanya.

Nagtayo ng machine shop ang anak sa dulo ng bayan. Nagtaka ang ama at itinanong ng kanyang anak kung bakit sapagkat may kakumpetensya sya sa itinayuan niya. Pinayuan ng ama na ipalit ang shop sa ikatlong bayan subalit hindi niya sinunod

Makalipas ng isang taon ay nalugi ang machine shop ng anak at napilitang humingi ng labindalawang piso sa ama. Tinanggihan ng ama dahil hindi sinunod ang kanyang payo.

Umalis ang anak at naghanap ng trabaho. Nakaipon siya at bumili ng machine shop na umunlad ng tatlong taon. Nagkaroon siya ng asawa at tatlong anak.

Dumalaw ang ina sa anak at nagsabi na gusto niyang makita ng kanyang ama subalit tinanggihan niya. Naging kilala ang machine shop niya sa Pasay makalipas ng dalawang taon.

Isang araw, nagtaka siya na nawala ang kanyang pamilya. Sabi ng katulong ay pumunta siya sa probinsya. Bumalik ang anak sa bayan niyang sinilangan.

Doon nalaman niya na namatay ang kanyang ama. Ang galit niya ay naging pagsisisi. Nagsabi ang ina niya na hindi tumubo ng hinanakit ang kaniyang ama kundi kaligayahan na nag-unlad ang kanyang anak.

Lumapit ang anak at humalik sa pisngi ng kanyang yumaong ama at naalala niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.

5

Tatlong Mukha ng Kasamaan

ni U Nu

6

​May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: Ang kasakiman, galit/poot at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan kahit anuman ang paniniwala ng isang tao ay naituturing itong batas ng kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay pagtanda, karamdaman at kamatayan.    Meron ding limang katangian ng tao mula sa kanyang pagsilang, ang magpahalaga sa nakikitang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika, at awitin, 

magpahalaga sa pagaking kanyang naibibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan..   Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao  ay hindi panghabang panahong mapapanaligan ng tao, sapagkat ang mga aito ay katulad ng panahong lumilipas. .   Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan  ay nadadala ng isang tao sa kanyang  libingan, kaya lamang, may iba't ibang.pananaw ang mga tao sa materyal na yamang angkin nila habang sila ay nabubuhay. Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman.

7

​  Sinasabi rin ng marami ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan.  Sinasabi dito na dapat gamitin ang yamang materyal ng tao para sa kanyang pangangailangan. Ngunit nang makilala na ng tao ang pagiging sakim, nagduot ito ng maraming bagay sa lipunan tulad ng:kanyang yaman.

1.) Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mga mayayaman at ang mga mahihirap. 2.) Ang mahirap ay laging umaasa sa mga mayayaman may puhunan, samantalang ang mga negosyanteng nagbitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunanna hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.

3. ) Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan. Bunga ng ganitong paramamaraan ang mahihirap ay natututong magnakaw, pumatay, at magbenta ng katawan4.) At sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay namamatay. Isa rito ang karma, labis na pag-iisip  dahil sa kahirapan at kakulangan sa buhay na isa sa pangangailangan ng tao.5.) Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan. Wastong edukasyon ang makapagpapaunlad ng kanyang buhay.

6.) Hindi rin uunlad ang bansa kung ang mamamayan o ang higit na nakararami ay mangmang.

8

​    Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan.

 Merong alamat tungkol sa isang punongkahoy na may pangalang Padaythabin(punongkahoy na pinagmumulan ng pangangailangan ng tao)na sinasabi sa panahong iyon ay namumuhay angtaong walangsuliranin.Bakit?-dahil lahat ng gusto ng tao aynapipitasnitosapunongunitnakilalangtaoangkasakimanatinabusonilaangpunongkahoy.Mulanoon aynamuhayangtaosakahirapanatnakilalanangtaoangkrimen. MaihahambingnatinangpunongPadaythabinsaatinglikasnayamankungitoaygagamitinngtamangbawatmamamayangnangangailangansiguro'ywalangtaongmagugutomatwalanggagawangkrimentuladngpagpatayatpagnanakaw.

  Mayroon ding tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay ang pagtanda, karamdaman at kamatayan.   Sa panahon ngayon, maraming mahirap na gustong yumaman at maraming mayaman ang gustong maangkin ang lahat para mamuhay ng walang katapusan.

pattern-tertiary

Akdang Pampanitikan

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 8

SLIDE