
ARALING PANLIPUNAN_DAY 1_Q1_W7
Presentation
•
Social Studies
•
KG
•
Easy
Miraflor Inarda
Used 6+ times
FREE Resource
19 Slides • 10 Questions
1
PANAHON AT KALAMIDAD SA AKING KOMUNIDAD
by Merly C. Tauro
2
3
Basahin ang mga pangungusap.
Sagutin ng Tama o Mali
4
Multiple Choice
1. Iba-iba ang kinabibilangang komunidad ng mga bata.
Tama
Mali
5
Multiple Choice
2, Magkakatulad ang kinalalagyan ng komunidad ng mga bata.
Tama
Mali
6
Multiple Choice
3. Ang pamilihan ay hindi kabilang sa mga bumubuo ng komunidad.
Tama
Mali
7
II
Kaibigan ko si Ulan kasama ang mga ulap nitong kulay uban,
Dahil sa mga patak nitong dumidilig sa halaman,
Dahil sa musika nitong humehele sa ulo kong nasa unan,
Dahil maaari ko na ring isuot ang dyaket
Habang humihigop ng sopas at pakbet.
III
Sa labis na init ni Araw, kumakati ang balat, natutuyo ang lupa at nalalanta
ang mga pananim
Sa labis na lakas ni Ulan, lumalaganap ang ubo't sipon,
Bumabaha sa kalsada, at nasasalanta ang komunidad namin.
Sina Araw at Ulan?
8
Multiple Choice
4. Ang isang komunidad ay dapat panatilihing malinis at tahimik upang maging maayos ang pamumuhay ng mga naninirahan.
Tama
Mali
9
May kalamidad man ang kahapon,
Bukas sana'y may bahaghari sa likod ng ambon.
10
Multiple Choice
5. Mahalaga sa isang bata ang marunong gumamit ng mapa.
Tama
Mali
11
1. Ano ang nangyayari kapag tag-araw at tag-ulan?
2. May kinalaman ba ang tag-araw at tag-ulan sa iyo bilang bata, Ano ito?
12
ni Binibining Nelaine C. Flaviano
I
Kaibigan ko si Araw kasama ang langit nitong bughaw
Dahil sa masayang maglaro ng patintero at habulan,
Dahil makaiinom na rin ng palamig at gulaman,
Dahil presko sa balat ang shorts at sando,
Habang nagpapaypay at nagpupulbo.
13
14
Ang panahon ay paglalarawan ng pang araw-araw
na kalagayan ng himpapawid. Ito ay nararanasan
ng iba't-ibang komunidad.
Sa mga komunidad sa Lungsod Makati ay may dalawang panahon na nararanasan. Ito ay ang tag-araw o mainit na panahon at tag-ulan o maulang panahon.
15
Ang tag-araw ay mainit na panahon na nararanasan ng mga komunidad. Karaniwang sinasabi na maganda ang panahon kapag tag-araw dahil mainit ang sikat ng araw.
Mas mainit ang panahon o tag-araw sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo. Maraming pamilya ang nagpupunta sa mga paliguan tulad ng swimming pool at beach resort upang maligo. Ito ang pagkakataon upang magsaya ang pamilya.
16
Kapag mainit ang panahon madalas na itinitindang pagkain ay halo-halo at ice candy. Mayroon ding naglalako ng ice cream.
Nagsusuot naman ng manipis na damit at nagdadala ng pamaypay ang mga tao upang hindi mainitan.
17
Ang tag-ulan ay panahon kung kailan nararanasan ang malakas na pagbuhos ng tubig-ulan. Madalas ay madilim ang langit at mas malakas ang hangin.
Nararanasan ang malakas na ulan sa huling linggo ng Mayo at mga buwan ng Hunyo at Hulyo. Gayundin sa mga buwan ng Agosto, Setyembre at Oktubre.
Kapag umuulan ang mga tao ay nananatili sa loobng bahay. Hindi madaling lumabas ng bahay lalo na kung lalo na kung malakas ang patak ng ulan at mahangin.
18
Nagsusuot naman ng kapote o jacket
ang mga tao kapag tag-ulan. Gumagamit din sila
ng bota at payong. Kailangang mag-ingat upang
hindi mabasa ng ulan at maiwasan ang magkasakit.
Ang bawat panahon na iyong nararanasan, ay
may epekto sa iyong kalusugan at pamumuhay.
May mga sakit na nakukuha sa maulang panahon.
19
Dapat na iwasan ang paglusong
at paglalaro sa baha. Maaaring magdala ng iba't-ibang sakit tulad ng leptospirosis o karamdaman
na mula sa daga. Ang sakit na ito ay mapanganib dahil maaaring lumubha ang sakit at ikamatay
ng isang tao.
20
Tukuyin kung ang mga bagay ay para sa tag-araw o tag-ulan.
21
1.
2.
3.
4.
5.
22
1. Ano ang panahon?
2. Ano ang sitwasyon sa komunidad
kapag mainit ang panahon?
3. Ano ang sitwasyon sa komunidad
kapag tag-ulan?
23
Tukuyin kung ang inilalarawan ay tungkol sa Tag-araw o Mainit na panahon o ito ay tungkol sa Tag-ulan o Maulang panahon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
24
Multiple Choice
1. Masayang lumalangoy sa ilog at nagkakasiyahan ang mga bata.
A. Tag-araw o Mainit na Panahon
B. Tag-ulan o Maulang Panahon.
25
Multiple Choice
2. Naglalaro ng bangkang papel si Jass sa harapan ng kanilang bahay.
A. Tag-araw o Mainit na Panahon
B. Tag-ulan o Maulang Panahon.
26
Multiple Choice
3. Nagpapataasan ng saranggola si Amir at ang kanyang mga kaibigan.
A. Tag-araw o Mainit na Panahon
B. Tag-ulan o Maulang Panahon.
27
Multiple Choice
4. Walang pasok sa paaralan dahil mataas ang tubig sa kalsada.
A. Tag-araw o Mainit na Panahon
B. Tag-ulan o Maulang Panahon.
28
Multiple Choice
5. Nakasuot ng bota at kapote si Selma sa pagpasok sa paaralan.
A. Tag-araw o Mainit na Panahon
B. Tag-ulan o Maulang Panahon.
29
PANAHON AT KALAMIDAD SA AKING KOMUNIDAD
by Merly C. Tauro
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 29
SLIDE
Similar Resources on Wayground
21 questions
Ôn tập tin học lớp 4 HK1
Presentation
•
4th Grade
21 questions
Elements of Drama
Presentation
•
6th Grade
21 questions
Sanford Harmony: Feelings Detectives
Presentation
•
3rd Grade
22 questions
AP8 Q3 L2
Presentation
•
6th - 8th Grade
22 questions
Baseball review
Presentation
•
6th - 10th Grade
22 questions
Interpreting Rate of Change and Initial Value
Presentation
•
8th Grade
20 questions
Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Presentation
•
5th Grade
23 questions
6C: Protein Synthesis
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
26 questions
SLIME!!!!!
Quiz
•
KG - 12th Grade
20 questions
Place Value
Quiz
•
KG - 3rd Grade
4 questions
K-2 Force and Motion Lesson
Presentation
•
KG - 2nd Grade
12 questions
Tone and Mood
Presentation
•
KG
10 questions
Day and Night Patterns
Quiz
•
KG
20 questions
Disney Characters
Quiz
•
KG
12 questions
Nouns and Verbs
Quiz
•
KG - 2nd Grade
15 questions
Short Vowels
Quiz
•
KG - 2nd Grade