Search Header Logo
MODYUL 8 Pagsulat ng Sanaysay

MODYUL 8 Pagsulat ng Sanaysay

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Elsie Oboydo

Used 9+ times

FREE Resource

9 Slides • 9 Questions

1

MODYUL 8 Pagsulat ng Sanaysay

by Elsie Oboydo

2

Multiple Choice

Ang sanaysay ay isang komposisyong pampanitikan na kadalasang naglalaman ng opinyon, saloobin at reaksyon ng mambabasa ukol sa isang natatangi at napapanahong isyu. Alin ang nagpamali sa pahayag?

1

Komposisyon

2

opinyon

3

mambabasa

4

napapanahong isyu

3

​Sanaysay

​Ang sanaysay ay isang komposisyong pampanitikan na kadalasang naglalaman ng opinyon, saloobin at reaksyon ng may-akda ukol sa isang natatangi at napapanahong isyu.

4

Fill in the Blanks

Type answer...

5

Fill in the Blanks

Type answer...

6

​PORMAL NA SANAYSAY

  • ​ tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa maka-agham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.

  • Itinuturing ding maanyo sapagkat pinag-aaralan nang maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin at nangangailangan ng lubos na pang-unawa mula sa mambabasa.

7

​DI-PORMAL NA SANAYSAY

  • tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal.

  • Nakatuon din ito sa mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay maaring maging kasangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.

8

Multiple Choice

Bakit kinakailangang g maganda ang panimula  ng iyong sanaysay na susulatin?

1

upang hindi maging boring ang simula

2

upang makatawag-pansin sa mambabasa.

3

upang hindi mainip ang mambabasa

4

upang hindi makatulog ang mambabasa

9

​PANIMULA

  • ​Ang sanaysay ay nangangailangan ng magandang panimula upang makatawag-pansin sa mambabasa.

  • Ito ay maaaring sa pamamagitan ng tanong o pangungusap na makapupukaw-pansin, maaari rin sa pamamagitan ng isang kuwento, isang diyalogo, tuwirang sipi, retorikal na pangungusap na taglay ang kaisipan, at maaaring magsimula sa tuwirang pahayag.

10

Multiple Choice

Tinatawag ding katawan ng isang akda, sa bahaging ito inilalahad ang mga kuro-kuro o opinyon sa isang mahalagang isyu o paksa sa lipunan.

1

PANIMULA

2

GITNA

3

WAKAS

4

PAMAGAT

11

​GITNA

  • ​Tinatawag ding katawan ng isang akda, sa bahaging ito inilalahad ang mga kuro-kuro o opinyon sa isang mahalagang isyu o paksa sa lipunan.

  • Nagiging batayan sa pagsulat ng mga kuro ang namasid na mga pangyayari o sitwasyon, nabasa, narinig, o maging ang naranasan. Sa bahaging ito, inilalahad ang pangunahing kaisipan na binibigyang-linaw sa mga pantulong na kaisipan. Dapat ang bahaging ito ang mag-uugnay sa panimula at wakas ng isang sanaysay.

12

Fill in the Blanks

Type answer...

13

​WAKAS

  • Sa bahaging ito matatagpuan ang pangungusap o mga pangungusap na nagtatapos sa paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan.

  • Sinasabing halos magkatulad ang mga paraan ng pagbibigay ng wakas sa pagbibigay ng panimula.

  • Maaaring magwakas sa paraang patanong, madamdaming pahayag, makatawag-pansing pahayag, tuwirang sipi, diyalogo, tuwirang paksa at malalim na pangungusap na taglay ang kaisipan. Upang magkaroon ng paralelismo ang pagbibigay ng panimula at wakas, gawin na kung ang panimula at tuwirang sipi, maaaring ang wakas at tuwirang sipi rin.

  • Tinatawag ding kongklusyon ang wakas ng isang sanaysay

14

​Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

​Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.

Karaniwang gumagamit ng mga pangatnig upang makita ang ugnayan ng sanhi at bunga tulad ng dahil , kung , kaya, kasi, sapagkat, kung, at kapag

15

​HALIMBAWA

Kapag nauuna ang sanhi

✓ Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay (sanhi) kaya hindi nakatulog nang maayos si Aling Ester (bunga).

✓ Hindi iningatan ni John ang kanyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad (bunga).

Kapag nauuna ang bunga

✓ Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha (bunga) dahil sa walang displinang pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi).

✓ Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag-aral siyang mabuti (sanhi).

16

Open Ended

Magsisimula na ang pilot face-to-face classes sa darating na Nobyembre 15.

17

Open Ended

Opisyal nang nagsimula sa Pilipina ang pagbabakuna kontra COVID19 sa lahat ng bata edad 12-17

18

Open Ended

Bumababa na ang kaso ng COVID19 sa Metro Manila.

MODYUL 8 Pagsulat ng Sanaysay

by Elsie Oboydo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 18

SLIDE