Search Header Logo
Liham

Liham

Assessment

Presentation

Education

6th Grade

Hard

Created by

Rose Mercado

FREE Resource

2 Slides • 1 Question

1

Liham

​Basahin mo ang liham at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.

2

24 Hunyo 2020

San Juan, Manila

Mahal kong Ina,

Kumusta po kayo? Lubha akong nalulungkot sa kadahilanang hindi pa po

ako makauuwi sa atin gustuhin ko mang gawin ito. Kasalukuyan pong nakasailalim sa lockdown ang aming barangay sapagkat may mga taong hindi pa rin sumusunod sa protocol na ipinatutupad ng pamahalaan. Karamihan pa rin ay lumalabas ng kanilang tahanan na walang suot

na facemask at face shield kung kaya’t umabot po sa labing dalawang katao naging positibo ngayon sa Covid-19. Sa sandaling maging maayos na ang sitwasyon dito, asahan po ninyong agad akong uuwi sa atin.

Nagmamahal,

Edwin

3

Open Ended

Mga tanong:

1. Ano ang mensahe ng sulat?

2. Sa anong kadahilanan na hindi makakauwi ang sumulat ng liham?

3. Sa iyong palagay, pormal ba, o di pormal ang sulating iyong binasa,

bakit?

4. Ano-ano ang ginamit na pang-ugnay sa liham?

5. Ibigay ang mga salitang ginamitan ng pang-ugnay.

Liham

​Basahin mo ang liham at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 3

SLIDE