Search Header Logo
Kaantasan ng Pang-Uri

Kaantasan ng Pang-Uri

Assessment

Presentation

•

Other

•

7th Grade

•

Easy

Created by

Hazel Kate Flores

Used 8+ times

FREE Resource

24 Slides • 5 Questions

1

FILIPINO 4

by Hazel Kate Flores

2

media

​May tatlong Bibe akong nakita

Mataba, mapayat mga bibe

Ngunit ang may pakpak

Sa likod na iisa

Siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak

kwak, kwak, kwak (2x)

​Siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak

​

Tayo na sa ilog ang sabi

Kumending ng kumending

Ang mga bibe

Ngunit ang may pakpak

Sa likod na iisa

Siya ang lider na nagsabi ng

Kwak, kwak, kwak.

3

Open Ended

Anu-ano ang mga salitang ginamit sa paglalarawan sa mga Bibe?

4

Open Ended

Ano naman kaya ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip?

5

MAGBIGAY NG HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP NA GINAGAMITAN NG PANG-URI.​

6

​PANG-URI

Ay mga salitang naglalarawan​ sa pangngalan o panghalip.

​

​

​​ -Katangian

​ -Hitsura

​ -Kulay

​ -Bilang o Dami

​

​

-Laki

-Amoy

-Panlasa

-Hugis

7

​​Halimbawa:
  • ​mataba

  • mapayat

  • dilaw

  • mahaba

  • matamis

  • malinis

  • bughaw

  • itim

  • matanda

media

8

ILARAWAN AT IKUMPARA  ANG BAWAT ISA GAMIT ANG MGA SUMUSUNOD NA LARAWAN:​

9

Open Ended

Question image

Ilarawan at ikumpara ang bawat isa base sa laki ng kanilang katawan

10

Open Ended

Question image

Ilarawan at ikumpara ang bawat isa base sa haba ng kanilang buhok

11

Open Ended

Question image

Ilarawan at ikumpara ang bawat isa base sa lasa ng mga ito.

12

​

  • ​mas maikli

  • ​mas mataba

  • ​mas mahaba

  • ​pinakamalaki

  • ​mas matamis

  • ​pinakamatamis

  • ​mahaba

  • ​malaki

13

KAANTASAN NG PANG-URI​
  • ​Lantay

  • ​Pahambing

  • ​Pasukdol

14

​LANTAY

​Mga pang-uring naglalarawan sa iisang pangngalan o panghalip.

​

​Halimbawa:

​

​- Mabango ang bulaklak.

​- Madilaw ang bulaklak.

​

​

media

15

media

16

media

17

​PAHAMBING

naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

​

​Halimbawa:

​

​- Si Shawn Mendez ay mas mataas kaysa kay Camilla Cabello.

media

18

​Dalawang uri ng Pahambing

  1. ​Magkatulad

  2. ​Di Magkatulad

19

​​PAHAMBING NA MAGKATULAD

​​Ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamit dito ang panlaping ka-, magka-, sing-, gaya, tulad, at iba pa.

​

​halimbawa: Magkasingganda si Catriona Grey at Olivia Rodrigo

media

20

​PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

Dalawang Uri ng pahambing na di-magkatulad

  • ​Palamang

  • ​Pasahol

​Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat.

21

nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.

​

​

​

Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak at iba pa.

​​Pahambing na palamang

22

PAHAMBING NA DI MAGKATULAD (PALAMANG) Halimbawa:

​

1. Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Pilar.

2. Higit na maganda si Kathryn kaysa kay Nadine.

3. Di-hamak na mas magaling si Manny Pacquiao sa larangan ng boxing kaysa kay Morales.

​

23

​Pahambing na Pasahol
  • Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambingan.

​

​Gumagamit ito ng mga katagang di gaano, di masyado, di totoo.

24

PAHAMBING NA DI MAGKATULAD (PASAHOL) halimbawa:

​

1. Di-gaanong madali ang pagsusuri sa Matematika kaysa sa Science.

2. Di-masyadong marunong sumayaw si Kate kaysa kay Nikki.

25

​PASUKDOL

-Ito nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.

​

​- Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka-, pagka- o mga salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra.

​

​Halimbawa:

​Pinakamataba si Zimo sa kanilang tatlo.

media

26

media

27

​Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay surrin ang kaantasan nito. Isulat sa linya ang L kung ito ay lantay, PT kung pahambing na patulad, PL kung mahambing na palamang, at PT kung pasukdol.

​_____1. Ang dalisay na pagmamahal ng magulang ay kailangan ng mga anak.

​_____2. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa palakihin sila sa layaw.

​_____3. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.

​_____4. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa mga kabataan.

​

28

​PAGTATAYA:

​Panuto: Gamitin mo nang maayos sa mga pangungusap ang sumusunod na mga pahayag sa paghahambing. Gawing paksa sa mga bubuoing pangungusap ang pagiging mabuting anak, kapatid, o kapamilya.

​

​1. higit na mabuti

______________________________________

​2. di gaanong malakas

______________________________________

​3. mas masaya

​______________________________________

​4. lalong mahirap

​______________________________________

29

​TAKDANG ARALIN:

​Gumawa ng isang tula na patungkol sa iyong ina o ama, na may tatlong saknong at bawat saknong ay binubuo ng apat na taludturan at ginagamitin ito ng kaantasan ng pang-uri.

​

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 20%

GRAMATIKA 20%

KASININGAN 10%

KABUUAN 50%

pattern-tertiary
FILIPINO 4

by Hazel Kate Flores

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 29

SLIDE