Search Header Logo
ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA: DUNONG O SALAPI?

ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA: DUNONG O SALAPI?

Assessment

Presentation

Other

8th Grade

Easy

Created by

Almira Panganiban

Used 6+ times

FREE Resource

16 Slides • 10 Questions

1

ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA: DUNONG O SALAPI?

by Almira Panganiban

2

​ALAM MO BA?

Ang balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata o mambibigkas na nagsisiganap ay nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Tinawag na Balagtasan ang unang patulang pagtatalo na ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong Abril 6, 1924 bilang parangal kay Francisco Balagtas na siyang kinikilalang "Ama ng Panulaang Tagalog."

3

Ang balagtasan ay binubuo ng dalawang panig. Ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay hindi sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Sa pagtatalo ng dalawang panig ay may isang namamagitan sa kanila na kung tawagin ay lakandiwa. Hangarin ng bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad. Samakatwid, dapat gumamit ang mga makata ng mga salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay ng mga patunay na makatotohanan kaya't nararapat lang na ang bawat panig ay may šapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa anumang pag-uusig ng kalaban tungkol sa paksang pinagtatalunan.

4

media

5

Multiple Choice

Maging iyang minimithing pag-aaral mo, katalo,

Pag wala kang gugugulin ay hindi ka matututo.

1

Hindi na makapag-aaral ang mga taong talunan

2

Wala nang gagastusin pa ang mga taong nag-aral nang mabuti      

3

Mahirap mag-aral kung walang perang panggastos

6

Multiple Choice

Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,

Pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas.

1

Ang mayayamang mahina ang ulo ay kapintas-pintas

2

Halos walang kapintasan ang mga taong mayayaman     

3

Mahirap mapintasan ang mga taong mayayaman at marurunong

7

Multiple Choice

Kung mayroong manlilinlang na nanggaling sa katoto,

Palagay ko ay nagbuhat sa Dunong mong naging tuso!

1

Madaling malinlang ang mga taong mayaman

2

Kung may taong naloloko, ito ay bunga ng mapanlamang na tao

3

Mahilig manlamang o manloko ang kapwa

8

Multiple Choice

Kahit na nga siksikin mo ng pagkain ang palibot,

Pag wala kang ibibili’y mabubusog ka sa lunos.

1

Ang maraming pagkain ay nakawawala ng pagod at lungkot

2

Mahirap bumili ng pagkain sa mahihirap na pamayanan

3

Walang halaga ang maraming pagkain kung walang pambili

9

Multiple Choice

At kung sila’y (mga bayani ng lahing Pilipino) nanatili sa mahabang kamangmangan, Baka tayo hanggang ngayon ay wala pang kasarinlan!

1

Kung nanatiling walang kaalaman ang ating mga bayani ay maaaring sakop pa rin tayo ng mga dayuhan sa kasalukuyan.

2

Nahirapang makalaya ang mga bayani noon sa kamay ng mga dayuhan.

3

Sa kabila ng kamangmangan ay makuha pa ring makalaya ng mga Pilipino sa mga dayuhan.

10

​MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN

Alamin Natin!​

11

MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN

Ang balagtasan, tulad ng ibang akdang pampanitikan ay nagtataglas ng mahahalagang elemento. Ang bawat isa sa mga elementong ito'y nararapat malinang nang husto sa kabuoan ng akda upang higit itono mapahalagahan ng mga mambabasa o manonood. Ang mga elemento no balagtasan ay ang sumusunod:

·         Tauhan

·         Pinagkaugalian

·         Paksa o Isyung Pagtatalunan

·         Mensahe/Mahalagang Kaisipan

12

Mga Tauhan ng Balagtasan

Lakandiwa

  • Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Ang lakandiwa ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga pangkat na magtatalo at gayundin sa paglalahad sa madla ng paksang pagtatalunan.

media

13

Mambabalagtas

Mga makata o mambabalagtas arng tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig ng di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Hangarin ng bawat panig na mapaniwala ang katalo at arng mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad,

media

14

Mga Manonoood

Ang mga manonod ang mga tagapakinig na minsa'y sila ring nagbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng magkabilang panig

media

15

Pinagkaugalian

Gaya rin ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan ang mga katangian ng tulang Pilipino: tugma, sukat, at indayog. Tugma ang tawag sa pag-11sang tunog ng mga huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod ng balagtasan. Sukat naman ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. At indayog naman ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa mga tagapakinig. Hindi magiging maganda ang balagtasan kung hindi ito bibigkasin nang may indayog. Ito ang ikinaiiba nito sa karaniwang pagtataloo debate.

16

Paksang Pagtatalunan

Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas. Kalimitang ito ay mga napapanahong isyung nagdudulot ng malalaking katanungan sa mga mamamayan. Kinakailangang ang tema ng balagtasan ay maging tiyak upang sa gayon ay malimitahan ang sakop at lawak ng paksang pagtatalunan. Ang kalimitang paksaino isyung pinagtatalunan sa balagtasan ay mga paksang may kinalaman sa politika, ekonomiya, kultura, pag-ibig, kalikasan, lipunan, edukasyon, at maging mga karaniwang bagay.

17

Mensahe o Mahalagang Kaisipan

lsa pa sa mahahalagang elemento ng balagtasan ay ang paghahatid nito ng malinaw na mensahe sa mga nakikinig. Ang balagtasan ay di lamang isang uri ng libangan kundi ito ay mainam ding paraan upang maipabatid sa madla ang mga napapanahong isyung dapat pag-isipan ng mga mamamayan. Upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais iwan sa mga nakikinig o manonood, may mahalagang tungkuling ginagampanan ang galaw, kumpas, at ekspresyon ng mukha sa pagpaparating ng damdaming nais ipadama ng mambibigkas sa kanyang mga tagapakinig.

18

Multiple Choice

Lakandiwa

1

Tagapamagitan

2

Mambabalagtas

19

Multiple Choice

Mambabalagtas

1

Makata

2

Tagapamagitan

20

Multiple Choice

Manonood

1

Tagapakinig

2

Tagapamagitan

21

Multiple Choice

Pinagkaugalian

1

Kaasalan, Madla at Katalo

2

Tugma, Sukat at Indayog

22

Multiple Choice

Paksang Pagtatalunan

1

Kaasalan, Madla at Katalo

2

Tema at isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas

23

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon

Kasanayang Panggramatika at Retorika

24

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-kanyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin.

25

​Pahayag sa Pagsang-ayon

Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa.pagsang-ayon ay kabilang pang-abay na panang-ayon gaya ng. . .

Bilib ako sa iyong sinabi na...

Sang-ayon ako...

Ganoon nga...

Sige..

Lubos akong nananalig. . .

Kaisa mo ako sa bahaging iyan. . .

Maaasahan mo ako riyan...

Oo...

26

Pahayag sa Pagsalungat

Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang- abay Pagsalungat-Itob ay abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag ito. ito. Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit na ang sumusunod:

Ayaw ko ang pahayag na. . .

Hindi ako naniniwala riyan...

Hindi ako sang-ayon dahil...

ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA: DUNONG O SALAPI?

by Almira Panganiban

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE