Search Header Logo
Q2-WK2-FILIPINO 6

Q2-WK2-FILIPINO 6

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Medium

Created by

ROSEMINDA BUEN

Used 6+ times

FREE Resource

21 Slides • 10 Questions

1

Q2-WK2-FILIPINO 6

by ROSEMINDA BUEN

2

1.PAGBIBIGAY NG MAAARING MANGYARI SA TEKSTO​ GAMIT ANG DATING KARANASAN/KAALAMAN

3

​PAUNANG PAGSUBOK:

Basahin at unawaing mabuti ang artikulo. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Piliin ang letra ng tamang sagot.

4

Ang sakit na dengue hemorrhagic fever (DHF) ay unang natuklasan nang bandang 1950. Ang sakit na ito ay lumaganap sa mga bansang tulad ng Pilipinas at Thailand. Ito ay isang uri ng sakit na nakamamatay.

Sa kasalukuyan, ang dengue ay lumalaganap sa maraming bansa sa Asya at Latin America. Ito rin ang pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay ng maraming bata sa mga rehiyong ito.

Sa Pilipinas, labis na ikinababahala ng Department of Health (DOH) ang mataas na bilang ng nagiging mga biktima ng dengue.

5

​Ayon sa Department of Health National Capital Region, dalawang tao na ang namatay dahil sa dengue nang unang bahagi pa lang ng 2013. Naitala na rin ang 575 kaso ng dengue mula sa mga ospital sa Metro Manila noong Enero hanggang Pebrero ng kasalukuyan ding taon.Ang napaulat na mga kaso ay mula sa mga lunsod ng Maynila (108), Quezon (96),Pasig (49), Paraňaque(47), at Pasay (42).

Ang mga tinamaan ng dengue ay mula 5 buwang sanggol hanggang 67 taong gulang. Karamihan sa mga dinapuan ay nasa edad 15 hanggang 49,at 54 na bahagdan nito ay kinabibilangan ng kalalakihan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang mga pag-aaral upang makalikha ng bakuna (vaccine) laban sa sakit na dengue at sa mga komplikasyon nito.

6

​Ngunit inamin ng World Health Organization (WHO) na mahirap itong isagawa dahil may apat na uri ang dengue. Maaaring dumapo ang dalawang uri ng dengue sa isang tao sa magkahiwalay na panahon.

Buo naman ang pag-asa ng WHO na maibibigay nila sa publiko ang lunas sa sakit na ito sa darating na mga taon. (Agila 6 Wika at Pagbasa pah.201-203)

7

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming bilang na dinapuan ng dengue sa unang bahagi ng taong 2013?

1

sanggol

2

kababaihan

3

kalalakihan

4

matatanda

8

Multiple Choice

Ano ang pangunahing detalye ang tinatalakay tungkol sa dengue?

1

Mapangib na dengue

2

Epekto ng dengue sa mga bansa sa Asya at Latin America

3

Pag-iwas sa dengue

4

Pagsisikap ng WHO na makatuklas ng bakuna laban sa dengue

9

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na mga tanong ang hindi masasagot ng binasang artikulo.

   

1

Ilang kaso ng dengue ang naitala buhat sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila?

2

Paano maiiwasan ang dengue?

3

Anong gulang ang may pinakamaraming dinapuan ng dengue sa Metro Manila?

4

Kailan natuklasan ang sakit na dengue?

10

Multiple Choice

Ano ang maaring mangyayari kung hindi makakatuklas ng bakuna sa dengue?

 

1

Lalong lalaganap sa mga bansa sa Asya at LatinAmerica ang sakit at magiging sanhi ng pagkamatay.

2

Ang mga eksperto ay panghihinaan ng loob.

3

Ang Pilipinas ay maghihirap dahil sa dengue

4

Walang magbabago dahil ilan lamang ang apektado.

11

Multiple Choice

Paano natin maiiwasan ang paglaganap ng dengue?

1

Mag ehersisyo palagi.

2

Uminom ng bitamina arawa-araw

3

Matulog ng maaga.

4

Panatilihing malinis ang kapaligiran

12

​BALIK TANAW:

Ano ang Talaarawan?

​Ano ang Anekdota?

13

​TALAARAWAN:

ITO AY TALAAN NG MGA KARANASAN AT GAWAING NAGANAP O GINAWA NA. NAKASULAT DITO ANG PETSA O PANAHON NG PANGYAYARI.

14

​ANEKDOTA:

ISA ITONG URI NG PANITIKAN SA ANYONG TULUYAN​ NA KARANIWANG PAYAK, MAIKLI, AT TUMATALAKAY SA KAKAIBA O NAKATUTUWANG PANGYAYARING NAGANAP SA BUHAY NG ISANG KAKILALA, SIKAT, O TANYAG NA TAO.

​MAY LAYUNIN ITONG IPABATID ANG ISANG KATANGIAN NG PANGUNAHING TAUHAN KAYA KAHIT SINO AY MAAARI RING MAGBAHAGI NITO.

15

​PAGPAPAKILALA NG ARALIN:

Teksto-       Teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon na nakasulat, pinanood o napakinggan. Maaari rin itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag. Matuto ng mga bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-unawa sa tekstong binasa.

16

Ang ugnayan ng teksto at kaalaman ng mambabasa ay nagdudulot ng pagbabago sa dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto. Ang nag-uugnay mula sa tekstong binasa at kaalamang nasa isipan ng mambabasa.

      Ang kakayahang umunawa ng mambabasa batay sa impormasyon sa teksto ay maiugnay sa dati niyang kaalaman. Ang nabuong kaisipan ng isang mambabasa ay maaring madagdagan, mabago, malinang at mapaunlad batay sa sariling karanasan at pananaw sa nangyayari sa paligid.

17

Alamat ng Ahas

Noong unang panahon, ang mga ahas ay malayang nakagagala saanmang dako nila gustuhin. Palibhasa’y may malakas at makukulay na pakpak at anim na paa, ang himpapawid at kabukira’y madali nilang nalalakbay. Ang kanilang balat ay napakakinis at masarap haplusin. Napakaamo nila at sila’y kaibigan ng lahat ng hayop na nabubuhay noon. Napakalamyos ng kanilang tila musikang tinig na daig pa ang huni ng anumang ibon sa gubat.

18

Ang ahas ang pinakapaboritong hayop ng diwata ng kagubatan. Napakamasunirin kasi nila at matapat. Tuwang tuwa ang diwata habang siya’y namamahinga at nakikinig sa magandang musikang hatid ng mga ahas. Kinaiinggitan sila ng iba pang mga hayop dahil sa pagiging malapit ng diwata sa kanila.” Mabuti pa ang mga ahas. Nakapaglalabas-masok sila sa kaharian ng diwata. Alam na alam nila ang bawat sulok dito,” ang naiinggit na wika ng ibang hayop.

19

May isang pinakaiingatang kahon ang diwata. Ito ay ang kahon ng kapangyarihang nakatago sa kaniyang silid na may ginintuang pinto. Nang minsang umalis ang diwata upang subaybayan ang kalagayan ng kagubatan ay iniwan niya ang mga ahas upang pamahalaan ang kanyang kaharian. Bago tuluyang   umalis   ay  nagbigay   muna   ng  isang   mahigpit   na  bilin   ang diwata. ”Maari ninyong buksan ang lahat ng silid at magmasid sa loob ng mga ito subalit huwag na huwag kayong papasok sa silid na may ginintuang pinto. Kayo na muna ang mamahala rito,” ang bilin niya.

20

Nilibot ng mga ahas ang palasyo upang magmasid sa lahat ng mga nagtatrabaho rito ngunit ng matapat sila sa pintong pinagbabawal sa kanila ay hindi nila napigilan  ang napakalakas na tukso ng kinang nito. “Ano kaya ang itinatago rito ng diwata? Baka may iba pang bagay rito na makadaragdag sa ating kakaibang katangian,” ang sabi ng isang ahas.

21

Tinalo ng matinding pagnanasa ang mga ahas. Nilason na ng paghahangad sa kapangyarihan ang kanilang mga puso. Binuksan nila ang ginintuang pinto at nakita nila sa isang pedestal ang kahon ng kapangyarihan. Binuksan ng isa ang kahon at napuno ng liwanag ang buong silid. Nang kanila itong isinara ay naghintay sila ng kakaibang magaganap sa kanila subalit tila walang nangyari.

“Tulong! Tulungan n’yo ako. Parang awa n’yo na!” ang tinig na bigla nilang narinig. Dagli silang lumipad upang sumaklolo. Nakita nila ang isang unggoy na may palaso sa dibdib. Nang haplusin ng isang ahas ang sugat nito ay agad itong gumaling! Namangha sila sa bagong kapangyarihan.

22

Nabalitaan ng buong kaharian at kagubatan ang pangyayari kaya dumagsa ang mga suagatang hayop sanhi ng kalupitan ng ilang mangangaso at kapwa hayop sa agawan ng pagkain at teritoryo. Nagalak sila sa kanilang bagong kakayahan. Hindi pa lumulubog ang araw ay marami na ang humanga at halos sumamba sa mga ahas sa husay nila sa panggagamot. Nakita nila na pwedeng pagkakitaan ang bagong kapangyarihan kaya humingi sila ng pilak bilang kabayaran sa kanilang pagpapagaling. Pinasok na rin ng kasakiman ang kanilang puso.

23

Galit na galit ang diwata nang matuklasan ang pangyayari. Alam niyang nabuksan ang kahon ng kaniyang kapangyarihan. “Sinuway nila ang aking mahigpit na utos. Mga lapastangan! Hanapin at iharap sila sa akin sa lalong madaling panahon!” ang galit na galit nautos ng diwata. Nalaman ng mga ahas ang utos ng diwata kaya nagtago sila agad. Noong una’y hindi mahuli-huli ng mga inutusang hayop ang mga ahas. Kapag nakaramdam kasi ang mga ito na dumarating na ang mga darakip sa kanila’y mabilis silang tumatakbo o lumilipad palayo. Dumating ang araw na sila’y nakatulog nang mahimbing dahil sa matinding pagod sa kakatago. Dito sila natagpuan at nadakip.

24

“Mga traydor! Gagapang kayo sa hirap at kamumuhian kayo ng lahat ng nilalang! Ako pa rin ang pinakamakapangyarihan sa buong kaharian. Ang inyong kakayahang magpagaling ay mapapalitan ng lasong nakamamatay. Mawawala ang maganda ninyong tinig at ituturing kayong kaaway ng lahat. Hindi kayo papayagang makalapit o mamuhay malapit sa mga tao. Kung kayo ay kanilang makikita ay kikitlin agad nila ang inyong buhay. Nakatatak sa kanilang isip na kayo ay taksil at handang manuklaw anumang oras!” ang matapang na sumpa ng diwata sa mga ahas nang iharap ang mga ito sa kaniya.

25

Dagling nawala ang malalaki at makukulay na pakpak ng mga ahas at maging ang kanilang mga paa ay naglahong parang bula. Ang dating makinis nilang balat ay biglang tinubuan ng makapal na kaliskis. Naglaho ang matimyas nilang tinig. Ang kanilang mga pangil ay naglaman ng makamandag na lason.

26

HUMANDA PARA SA MAIKLING PAGSUSULIT.

27

Multiple Choice

  Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit paborito ng diwata ang mga ahas?

1

Matalino sila sa pamamahala sa kagubatan.

2

Tapat at masunurin sila sa mga utos ng diwata

3

Makukulay ang kanilang pakpak at magaganda ang kanilang tinig.

4

Mahilig silang magbiro at tumawa.

28

Multiple Choice

   Bakit kinaiinggitan ng ibang mga hayop ang mga ahas?

1

Malapit sila sa diwata at nakakalabas-masok sila sa palasyo nito.

2

Binigyan sila ng kapangyarihan at kayamanan ng diwata sa palasyo.

3

Magaganda ang kanilang tinig at makikinis ang kanilang balat

4

Nakikipaglaban sila sa mga mangangaso upang pangalagaan ang kagubatan

29

Multiple Choice

.Bakit hindi nakasunod ang mga ahas sa pangako at bilin sa kanila ng diwata?

1

Nais nilang makapanggamot sa maysakit.

2

Gusto nilang agawan ng kapangyarihan ang diwata.

3

Naghangad silang magkaroon din ng kapangyarihan.

4

Nais nilang magkaroon ng maraming kayamanan.

30

Multiple Choice

Bakit humingi ng pilak bilang kabayaran ang mga ahas sa kanilang panggagamot?

1

Gagamitin nila itong pambili ng gamot sa maysakit.

2

Magpapagawa sila ng kwartong pagsisidlan ng mga pilak.

3

Naging mapaghangad at sakim sila sa kayamanan.

4

Ibibigay nila ito sa diwata bilang kabayaran.

31

Multiple Choice

Ano ang naging sumpa ng diwata sa kanilang pangil?

1

Ang kanilang pangil ay mapapalitan ng nakakatakot na tinig.

2

Ang kanilang pangil ay makagagamot agad sa kanilang matutuklaw.

3

Ang kanilang pangil ay dadaluyan ng makamandag na lasong makamamatay.

4

Ang kanilang pangil ay magiging ginto at maningnging.

Q2-WK2-FILIPINO 6

by ROSEMINDA BUEN

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 31

SLIDE