Search Header Logo
Pagtukoy sa Panghalip Pananong na Saan at Kailan

Pagtukoy sa Panghalip Pananong na Saan at Kailan

Assessment

Presentation

World Languages

3rd Grade

Hard

Created by

ILRICK MARCO BANASIHAN

Used 1+ times

FREE Resource

7 Slides • 0 Questions

1

media

Pagtukoy sa Panghalip Pananong na Saan at Kailan

by ILRICK MARCO BANASIHAN

2

media

Sa nakaraang aralin natutuhan mo ang paggamit ng pananong na ano at sino. Natukoy mong para ito sa bagay, tao, pook, gawain, panahon, katangian at iba pa.

​ Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang mga salitang gamit sa pagtatanong kung nais mong malaman ang lugar at panahon.

3

media

Layunin:

Pagkatapos ng Araling ito, inaasahang natutukoy mo ang panghalip pananong na saan at kailan at magamit ang mga ito sa pangungusap na patanong.

4

media

Panghalip Pananong na Saan

Ang Panghalip Pananong na Saan ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa lugar.

​Halimbawa:

​1. Saan ka nag-aaral?

​2. Saan ka nanggaling kahapon?

5

media

Panghalip Pananong na Kailan

Ang Panghalip Pananong na Kailan naman ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong na may kaugnayan sa oras, araw, petsa o panahon.

​Halimbawa:

​1. Kailan ka pupunta dito?

​2. Kailan ang iyong kaarawan?

6

​Pagsasanay:

Tukuyin kung saan o kailan ang angkop na panghalip pananong . Ipasa mo ang sagot sa iyong guro sa Mother Tongue.

​1._____ tayo pupunta ng Sampaloc Lake?

​2._____ magkakaroon ng face to face classes sa ating paaralan?

​3._____ ka mamamasyal mamaya?

​4._____ sila dumating ng Pilipinas?

​5._____tayo kakain ng almusal?

7

media

Ngayon ay alam mo na ang gamit ng Panghalip na Pananong na Saan at Kailan. Maaari mo nang sagutan ang mga Gawaing Pagkatuto sa iyong modyul at ang maikling pagsusulit na ibibigay ng iyong guro.

media

Pagtukoy sa Panghalip Pananong na Saan at Kailan

by ILRICK MARCO BANASIHAN

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 7

SLIDE