Search Header Logo
EsP10_Q2_Mod1_Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos

EsP10_Q2_Mod1_Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos

Assessment

Presentation

Other

10th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Josefina Tabat

Used 5+ times

FREE Resource

13 Slides • 20 Questions

1

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan - Modyul 1:

Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos

2

​Aralin 1: Pagkukusa sa Makataong Kilos Nagmumula sa Kalooban

​Isa sa mga kadalasang naririnig ng mga kabataan mula sa mga matatanda at mga magulang ang, “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Sa ganitong pahayag, ang inaasahan nila mula sa bata ay ang pagiging responsible at may pagkukusang loob na gawin ang tama. Bakit ganoon kalaki ang inaaasahan na dapat gawin ng isang tao? Bakit ang pagkukusa ay dapat maisapuso at palaging ginagawa lalo na sa mga gawaing humahamon sa kakayahang gumawa ng tama at lalong-lalo na ang maging mapanagutan sa ating kilos o ginawang kilos?

Ang mga konseptong nabanggit ay higit na malalaman sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga gawain sa modyul na ito.

3

​Alamin

​ Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. (MELC- 5.1)

2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (MELC - 5.2)

Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. Handa ka na ba?

media

4

​Subukin

​A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.

media

5

Multiple Choice

1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?

1

Walang kusang- loob

2

Di kusang-loob

3

Kusang-loob

4

Kilos ng tao

6

Multiple Choice

2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?

1

Walang kusang- loob

2

Di kusang-loob

3

Kusang-loob

4

Kilos ng tao

7

Multiple Choice

3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?

a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon

1

Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon

2

Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan

3

Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito

4

Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

8

Multiple Choice

4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?

1

Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon

2

Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit

3

Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito

4

Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa

9

Multiple Choice

5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?

1

May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos

2

Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos

3

Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan

pero hindi isinagawa

4

Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at

kahihinatnan ng kilos

10

Multiple Choice

6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawangaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng _______ .

1

Kilos ng tao

2

Di kusang-loob

3

Kusang-loob

4

Nakasanayang kilos

11

Multiple Choice

7. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?

1

Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

2

Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari

3

Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari

4

Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag

12

Multiple Choice

8. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?

1

Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si

Elmer sa ginagawa niya

2

Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto

3

Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil

lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang

4

Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob

13

​Subukin

​B. Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pahayag.

media
media

14

Fill in the Blanks

Type answer...

15

Fill in the Blanks

Type answer...

16

Fill in the Blanks

Type answer...

17

Fill in the Blanks

Type answer...

18

Fill in the Blanks

Type answer...

19

​Balikan

Natutuhan mo sa modyul 4, na ang tao ay biniyayaan ng kakayahan at ganap na kalayaang pumili ng pasiya. Ang tunay na kalayaang tinutukoy dito ay ang pagkilala sa iyong pananagutan sa kung anuman ang kahihinatnan (mabuti o masama) ng iyong piniling kilos.

media

20

Open Ended

GAWAIN 1: Balik-tanaw

Panuto: Mag-isip ng mga pangyayari sa iyong buhay sa mga nakaraang buwan at isipin kung mayroon kang ginawang kilos. Ano ang kilos na iyong nagawa? Sagutin ang mga pampropesong tanong.

Pamprosesong tanong:

1. Lahat ba ng nagawa mong kilos ay tama? oo o hindi, Bakit?

2. Kusa ba sa iyong kalooban ang kilos na iyong ginawa?

3. Binigyang pansin mo ba ang pananagutan mo sa kahihinatnan ng pinili mong pasiya?

Kung mabibigyan ka ng isa pang pagkakataon, uulitin mo ba ang parehas na kilos? Oo o Hindi, Bakit?

21

Tuklasin

GAWAIN 2: “Ug-ugbo”

Panuto: Basahin at unawain ang bawat linya ng awitin sa ibaba pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan.

Ug-ugbo

Sanaysay ni Annie Rose B. Cayasen

Ang salitang “ug-ugbo” ay salitang Kankana-ey ng mga taga Mayag, isang baryo ng Bauko sa probinsiya ng Montaňosa sa rehiyon ng Cordillera, na ang ibig sabihin ay pagtutulungan, sinasalamin ang diwa ng boluntaryong pakikiisa ng bawat naninirahan dito.

media

22

Tuklasin

Ito ay pagtutulungan sa mga pang araw- araw na gawaing karaniwan ay sa nayon nangyayari. Ang Ug-ugbo ay nangyayari sa mga grupo ng kalalakihan o grupo ng mag kababaihan.

Ginagawa ang ug-ugbo para mapabilis ang pagtapos ng isang trabaho at para na rin mapagaan ang paraan ng paggawa ng sama-sama.

Karaniwan ay isinasagawa ang ug-ugbo sa gawaing bukid. Kapag may sampung miyembro sa isang grupo, sila ay magbubunutan ng petsa na itinakda nilang sampung araw upang magtrabaho sa bukid. Gagawin ng grupo kung ano ang ipagagawa ng taong nakabunot sa petsa na iyon. Ang unang araw halimbawa ay nabunot ni Gatan, lahat ng kasali sa grupo ni Gatan ay pupunta sa kanilang bukid at gagawin ang ipapagawa niya sa buong grupo. Kung pag-aararo at paghahanda ng hagdan-hagdang palayan ang ipagagawa niya, lahat ay magtutulungan mula umaga hanggang uwian.

media

23

Tuklasin

Sa grupo ay maaaring magkagrupo ang mga babae sa lalaki lalo na yong mga pamilya na walang taga-araro o walang babaeng malakas upang magtrabaho. Halimbawa, si Bugan ang nakabunot ng ikalawang araw, lahat ng kagrupo niya ay magtatrabaho sa kanilang bukid. Maaring taga-araro o taga-bungkal ang mga lalaki at taga-tanim ang mga babae.

Ang paraan na ito ay matatapos kapag lahat ng miyembro sa grupo ay napuntahan na.

media

24

Open Ended

Sagutin Mo

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng sanaysay?

2. Anong imahe ang mabubuo mo sa mga taong nagtutulungan sa “ug-

ugbo”?

Sa iyong palagay, may pananagutan kaya ang bawat taong kasali sa grupo

ng “ug-ugbo”. Bakit?

25

Suriin

Sa araw-araw nating buhay, hindi natin maiiwasan na tayo ay husgahan batay sa ating ikinikilos. Ang imahe natin ay nakasalalay sa ating mga kilos. Ayon kay Agapay, nakasalalay kung anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Ayon pa rin sa kanya, ang kilos ang nagsisilbing salamin na nagpapakita kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. Dahil dito mahalaga na isipin munang maigi ang ating gagawin na kilos bago ito isakatuparan. Dapat din na maunawaan ang bawat kilos ng ibang tao para maibigay natin ang nararapat na kilos na ating gagawin. Lagi nating tandaan na ang kilos ay kaakibat ang pananagutan.

media

26

Suriin

2 URI NG KILOS NG TAO

May dalawang uri ang kilos ng tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (humane act).

media
media

27

Suriin

3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN (Accountability)

Ayon kay Aristotle

1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito.

2.

2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa sa kilos.

3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang sapilitan pagsagawa ng kilos.​

media

28

Tayahin

Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa patlang na nakalaan bago ang

mga bilang.

media

29

Multiple Choice

1.Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng_________.

1

Kilos ng tao

2

Di kusang-loob

3

Kusang-loob

4

Nakasanayang kilos

30

Multiple Choice

2. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?

1

Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon

2

Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan

3

Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito

4

Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

31

Multiple Choice

3. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?

1

Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

2

Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari

3

Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari

4

Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag

32

Multiple Choice

4. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?

1

Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si

Elmer sa ginagawa niya

2

Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyektoi

3

Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang

4

Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng

kilos kundi ito ay walang kusang-loob

33

Multiple Choice

5. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?

1

Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong

2

Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit

3

Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito

4

Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan - Modyul 1:

Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 33

SLIDE