Search Header Logo
KPWKP_q2_mod2_SitwasyongPangwikasaSocialMedia_v2

KPWKP_q2_mod2_SitwasyongPangwikasaSocialMedia_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Easy

Created by

Edgar Monte

Used 3+ times

FREE Resource

27 Slides • 42 Questions

1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan Modyul 2 Sitwasyong Pangwika sa Social Media

2

​Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang iba't ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga vlog, social media posts at iba pa. (F11PB-IIa-96)​

3

Layunin:

• Nakikilala ang paggamit ng wika sa pamamagitan ng social media post, blog, at iba pa.

• Naipaliliwanag ang wastong gamit ng wika sa blog, social media posts at iba pa; at

• Nagagamit ang wastong paraan ng pagpapahayag sa paggamit ng wika sa mga blog, social media posts at iba pa.

4

Subukin

Kilalanin kung anong uri ng social media ang inilalarawan sa bawat bilang.​

5

Multiple Choice

Ito ay modernong paraan ng pagsulat ng mga artikulo na may iba’t ibang partikular na paksa kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet.

1

Blog

2

Facebook

3

Pinterest

4

Twitter

6

Multiple Choice

Question image

Anong damdamin ang namayani sa Facebook post na binasa mo gamit ang wika?

1

Hindi alintana ang dulot ng sakit sa tao.

2

Binigyang babala ang mga tao laban sa sakit.

3

Binigyang linaw ng pinuno ang desisyon sa di pagsunod sa bagong ordinansa ng kanyang lalawigan.

4

Tinapat ang mamamayan sa problema ng bayan.

7

Multiple Choice

Question image

Ano ang naging tungkulin ng wika sa nabasa mong Facebook post sa itaas?

1

pagpapahatid ng impormasyon sa kaganapan sa isang lugar

2

pagpapaalala ng matinding pag-iingat

3

panghihikayat sa pakikiisa sa bayan

4

pagtulong sa mga mamamayan sa oras ng krisis

8

Multiple Choice

Question image

Paano ginamit ang wika sa nabasa mong pahayag sa vlog sa itaas?

1

Binigyan ng iba’ibang kulay.

2

Ipinadama sa tao ang kahalagahan ng pahayag.

3

Isinulat ito sa malalaking letra

4

Ipinahayag ang naranasang krisis at ang matutuhan mula dito.

9

Multiple Choice

Saan ginagamit ang salitang “netizen”?

1

diyaryo

2

radyo

3

social media

4

telebisyon

10

Multiple Choice

Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa ating wika?

1

madaling basahin

2

madaling maisulat

3

madaling maunawaan

4

madaling maisulat at maunawaan

11

Multiple Choice

Ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media, MALIBAN sa;

1

Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika

2

Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika

3

Laganap ang code switching

4

Laganap ang pagpapaikli ng mga salita

12

Multiple Choice

Paano ka makatutulong sa pagpalalaganap at pagpapa-unlad ng wikang Filipino sa internet?

1

Paglalagay ng mga akdang pampanitikan sa internet

2

Paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika

3

Paglalagay ng Filipinong diksyunaryo

4

Lahat ng nabanggit

13

Multiple Choice

Tinawag na Texting Capital of the World ang Pilipinas dahil sa;

1

Marami ang may iba’t ibang unit ng cellphone.

2

Maraming text ang nagpapadala at nakatatanggap sa ating bansa araw-araw.

3

Marami ang gumagamit nito sa paghahanapbuhay.

4

Marami sa mga Pilipino ang walang hanapbuhay.

14

Multiple Choice

Kung nasa malayo ang isa’t isa, ito ay maituturing na isang biyaya na maaaring makapagpadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan at mahal sa buhay.

1

Internet

2

Microsoft

3

Netflix

4

YouTube

15

Multiple Choice

Bakit tinangkilik ng mga Pilipino ang paggamit ng social media?

1

dahil sa mga aplikasyon nito

2

dahil ito’y nasa internet

3

dahil sa kagandahan nito

4

dahil sa mga larawan nito

16

Multiple Choice

Kung malayo ka sa pamilya o mahal mo sa buhay at nais mo ang agarang komunikasyon na walang kaukulang kapalit na halaga ay may mga aplikasyon na magagamit, MALIBAN sa;

1

Messenger

2

Skype

3

Twitter

4

Viber

17

Multiple Choice

Sa mundo ng social media, ito ang kahulugan ng pinaikling salita na ILY.

1

I Leave You

2

I Like You

3

I Lose You

4

I Love You

18

Multiple Choice

Ang mga nauusong salita na tinangkilik ng mga Pilipino sa social media tulad ng lol, sml, skl ay tinatawag na:

1

code switching ng mga salita

2

pagpapaikli ng mga salita

3

pagpapaliit ng mga salita

4

pagmamali ng mga salita

19

Multiple Choice

Ang mga makabuluhang bagay na naidudulot ng internet sa mga mamamayan ay ang mga sumusunod, MALIBAN sa:

1

Napabibilis ang komunikasyon.

2

Napadadali ang pag-aaral.

3

Napagagaan ang hanapbuhay.

4

Napauuso ang fake news.

20

​Aralin 2: Sitwasyong Pangwika sa Social Media

​Ang araling ito ay lubos na makatutulong sa pag-unawa sa kalagayan ng ating wika pagdating sa paggamit ng mga mag-aaral sa social media. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay isagawa mo ang mga susunod na gawain nakatala dito.

21

​Balikan

Panuto: Ang mga puzzle at paglalarawan sa ibaba ay tumutukoy sa mga icons na ginagamit natin sa social media. Kilalanin mo kung ano-ano ang mga ito? Paano kaya nagkakaiba at nagkakatulad ang gamit ng mga icon na ito?​ Piliin sa baba.

22

Fill in the Blanks

media image

23

Fill in the Blanks

media image

24

Fill in the Blanks

media image

25

Fill in the Blanks

media image

26

​Tuklasin

​Pagtalakay sa aralin ukol sa paggamit ng wika sa Social Media

Sa pang-araw-araw na buhay natin, hindi na maiiwasan na pagkagising sa umaga ay cellphone na kaagad ang ating unang tinitingnan. Minsan, katabi mo sa pagtulog subalit hindi mo na nakakausap. Ito ay kaakibat nang pagiging mahalaga nito sa ating gawain. Napapanatili natin ang koneksyon sa ating mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar, maging sa mga gawain sa trabaho ay nalalaman natin kahit nasa bahay. Hindi tayo nahuhuli sa mga nangungunang balita kahit hindi makapanood sa telebisyon, makapakinig sa radyo o kaya naman ay makapagbasa ng dyaryo. Ika nga, instant na gamit ang pagkakaroon nito. Ngunit kumusta kaya ang paggamit ng wika sa makabagong kagamitang ito?

27

​Social Media

  • ang tawag sa kinahihiligan natin sa internet. Sapagkat dito may mga aplikasyon na maaari mong magamit kung gusto mong malaman ng mga tao ang nangyayari sa iyo, katulad na lamang ng Facebook o FB. Kung hanap mo naman ay balita sa mga taong sinusubaybayan mo, sa Twitter ka naman magpunta. Kung ang nais mo naman ay makapag-upload ka ng video, sa YouTube ka naman magtungo. Matutunghayan sa mga Blogs mo ang mga artikulo para sa isang paksa na ang pokus ay mistulang diary. Kung agarang libreng tawag naman ay nariyan ang Skype, Viber at Messenger. Tunay ngang mahalaga at malaki ang papel nito sa ating buhay.​

28

​Bagama’t may magandang bagay itong naidudulot sa atin, hindi lahat ng impormasyon ay madaling makuha lalo na kung ito ay nakasulat sa wikang Filipino. Kung may makuha ka man ay walang garantiya na tama ang gramatika nito o ang pagkakagamit ng wika. Minsan pa nga, kailangan mo pa ring haluan ng Ingles kapag ikaw ay nagsasaliksik. Tulad din sa text, may code switching na nagaganap o pagpapalit-palit na paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Hindi nakakaligtas sa ganitong gawain kapag tayo ay nagpopost sa social media. Lahat ng saloobin natin ay ipinahahayag sa anomang paraan na ating nais, pati ang mga taong nagkokomento rito na minsan pa ay nagkakaroon tayo ng muling pagbasa rito at naitatama kung ito ay mali (edited).

29

​Walang magsasabi sa iyo na mali ang gramatika mo, hahayaan ka na gumamit ng mga pohz, khumusta, eklabu, chenelin, lodi, petmalu, sml, idk, lol at marami pang pagpapaikli ng mga salita. Ang pahayag na “Mahal kita” ay isusulat sa Ingles na I love you sapagkat ito ay mas naiintindihan nang nakararami sa mundo ng social media o kung minsan ay nagiging ILY na lamang o larawan ng puso. Ganyan kabilis ang takbo ng mga salita sa mga kinagigiliwan nating social media accounts.

30

​Paano ba tayo makasasabay sa bilis nito? Mayaman ang ating wika. Maaari natin itong simulan sa pamamagitan ng paglalagay sa internet ng mga wikang Filipinong diksyunaryo, mga akdang pampanitikan, mga rebyu ng pelikulang Filipino at patuloy na paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika. Ang kailangan ay magkaisa tayo na gamitin ito nang maayos sa lahat ng pagkakataon at magtulungan na mapalaganap ito sa mundo ng Internet.

31

​Suriin

​Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga nakasulat sa loob ng kahon. Pagkatapos, tukuyin ang impormasyon na iyong nakuha at sa paanong paraan nila ibinahagi ito partikular sa pagkakagamit ng wika.

32

​Fiesta ng Fabrica 2017 (Kabanata One: Ang Pag alis)

​Ang likhang ito ay isang paglalahad ng mga karanasan sa aming muling pagdalaw sa probinsya ng aking ina. Hindi direkta, ngunit sinusubukan kong engganyuhin kayong mambabasa na bisitahin at pasyalan ang napakagandang bayan ng Lobo.

33

​Kabanata One: Ang Pag alis

Ang aking adventure ngayong araw (April 30, 2017) ay nagsimula sa paulit ulit na mga katagang “Darl! Bangon na, aalis na Ang boses ni mommy ay kinilala na ng sistema ng aking katawan bilang alarm clock. Sa tuwing maririnig ko ang kaniyang very firm voice ay siguradong gising ang diwa ko hanggang talampakan. At dahil ako ay sadyang suwail (sa edad kong eto, pinipilit ko pa rin pong magbago) nagawa ko pang mangatwiran.​

​“Mabilis naman akong mag ayos ng gamit. Si Crystal nga maliligo pa!”

34

​Mommy is mommy. May sinabi sa akin si mommy bilang response pero di ko na naintindihan dahil bumalik ako sa pagtalukbong at sinubukang matulog ulit. Hindi nagtagal at umatake si konsensya.

​Mukhang kailangan ko na talagang bumangon. Kagaya ng normal kong routine hinagilap ang cellphone na (kagaya mo, kagaya n’ya) katabing matulog. Hay! Wala na namang message. Masaklap!

35

Kagaya ng aking nakagawian, bago ako tuluyang bumangon inisip ko muna ang mga damit na susuotin. My brain did not cooperate. Naalala kong hindi nga pala ako ang nagligpit ng damitan ko. Hindi ko alam ang available at hindi na sa mga damit. So, tumayo na ako at hinarap ang kulay mahogany naming cabinet. Kinuha ko sa pagkakapatas ang dalawa kong sleeveless shirts (muscle shirt ata tawag, di ko lang matanggap kasi wala akong muscle), naghanap ng bagong t-shirt, nakita ko yung bigay ni Redg na “I <3 SG”, magandang pang pang-alis. Hindi rin nawala ang mga paborito kong white t-shirt. Pinili ko yung regalo ni JP nung pasko tatak Culture. Tatlong shorts, rush guard panswimming, stripe run socks pantulog, at maraming undies (haha, share!) ang kumumpleto sa madalas na sobrang damit na iniempake ko. Hindi ako makaalis na walang extrang pamalit.​

36

​Pakiramdam ko kasi laging may unwanted circumstance na kinakailangan ng pampalit damit.

​Tinapay ang bumubuhay sa akin sa almusal ngunit wala s’ya sa lamesa! Hindi na lang ako kumain. Naligo lang ako pagkatapos kong magligpit ng bahay (aba mabait!). Isa ang paliligo sa pinakapaborito kong thinking time. Andami kong narerealize habang dumadausdos ang mga tubig sa aking katawan. Naalala ko na kailangang dalhin si Niky, face towel, at pamalit ear plug ng earphones ko. My original plan is mag sandals, kaya lang nung isang araw, sinabihan ako ni daddy na baka ako ang mag drive ng sasakyan. Nagsapatos ako. To my disappointment, sa likod ako pinapwesto, sa gitna ng dalawa kong kapatid. WHUT?! Di na ako nagreklamo, baka maging sanhi pa ako ng maaksyong sagutan ala familia.

37

​Hindi nga ako nagmaneho. Akala ko pa naman, finally magagamit ko na si Milky (yung sasakyan naming Hyundai Accent na puti) on the road. Papuntang Batangas mula Imus, dumaan kami sa Aguinaldo Highway, Daang Hari, Daang Reyna, MCX, SLEX, at Star Toll Way. Nung nag pagas kami sa Caltex, nalaman kong may discount na two pesos bawat litro kung magpapagas sa Unioil ang may SNR card. Ang mura! Pero sa Caltex nga kami nagpagas. Buti na lang may Robinsons Rewards na nagbibigay points sa Caltex. Meron din naman akong Happy Plus kung wala yung Rewards. Adik ata ako sa loyalty cards at as much as possible meron ako sa bawat store na madalas kong pinupuntahan (magawan nga ng blog ang mga loyalty cards… hmmm hahaha). Nagshort-cut kami paiwas ng Batangas City papuntang Taysan. Lumabas kami sa may factory ng Fortune Cement, tanda na we’re near to Lobo na.

38

media

39

Open Ended

Pagsusuri:

40

Open Ended

Question image

Pagsusuri:

41

Open Ended

Pagsusuri: Fiesta ng Fabrica 2017 (Kabanata One: Ang Pag alis)

42

Pagyamanin​

Ang paglaganap ng teknolohiya ay nakaapekto hindi lamang sa ating bansa bagkus sa buong mundo. Dahil sa pagbabagong ito, hindi maikakaila na nabago rin nito ang ating wika. Nasaksihan natin ang paglago, pag-unlad, at pagbabago ng ating wika lalo na sa social media at internet.

Upang matiyak ang iyong natutuhan ay isagawa mo ang pagsasanay na ito.​

​Pagsasanay 1.1 Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutin nang matuwid ang mga tanong at ipaliwanag.

43

media

44

Open Ended

Sa mga post na nababasa mo sa iyong istatus, ano ang masasabi mong naging kalagayan ng ating wika pagdating sa paggamit ng social media?

45

Open Ended

Paano nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino ang paggawa mo ng blog at pagpo-post sa social media?

46

media

47

​Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

​Ngayong alam mo na ang kalagayan ng wika sa social media, ano-ano ang masasabi mo rito?

​Handa ka na ba? Tara, Game!

48

Open Ended

Question image

Panuto: Isulat mo sa loob ng computer sa ibaba ang nabuo mong kaisipan ukol sa paggamit ng wika sa social media.

49

​Isagawa

​Subukin natin kung paano mo naisakatuparan ang iyong pagkatuto sa nakapaloob na aralin sa modyul na ito.

50

media

51

Open Ended

Question image

Panuto: Basahin ang Facebook Status, Kung ikaw ang maglalathala nito sa iyong Facebook account sa paanong paraan mo ito isusulat at bakit? Sundin ang pamantayan sa pagsagot.

52

​Tayahin

Panuto: Kilalanin kung anong uri ng social media ang inilalarawan sa bawat bilang.​

53

Multiple Choice

Question image

Anong damdamin ang namayani sa Facebook post na binasa mo gamit ang wika?

1

Hindi alintana ang dulot ng sakit sa tao.

2

Binigyang babala ang mga tao laban sa sakit.

3

Binigyang linaw ng pinuno ang desisyon sa di pagsunod sa bagong ordinansa ng kanyang lalawigan.

4

Tinapat ang mamamayan sa problema ng bayan.

54

Multiple Choice

Ano ang naging tungkulin ng wika sa nabasa mong Facebook post sa itaas?

1

pagpapahatid ng impormasyon sa kaganapan sa isang lugar

2

pagpapaalala ng matinding pag-iingat

3

panghihikayat sa pakikiisa sa bayan

4

pagtulong sa mga mamamayan sa oras ng krisis

55

Multiple Choice

Question image

Paano ginamit ang wika sa nabasa mong pahayag sa vlog sa itaas?

1

Binigyan ngn iba’ibang kulay.

2

Ipinadama sa tao ang kahalagahan ng pahayag.

3

Isinulat ito sa malalaking letra

4

Ipinahayag ang naranasang krisis at ang matutuhan mula dito.

56

Multiple Choice

Ito ay isang platform sa Internet na karaniwang sa salitang Ingles nagkakaintindihan ang lahat.

1

Pahayagan

2

Radyo

3

Social Media

4

Telebisiyon

57

Multiple Choice

Malaki ang naitulong nito para sa mga taong nawalay sa pamilya dahil sa pagtatrabaho lalo na sa mga mag-aaral na kailangan nang agarang kasagutan sa kanilang mga asignatura.

1

Internet

2

Microsoft

3

Netllix

4

YouTube

58

Multiple Choice

Saan ginagamit ang salitang “netizen”?

1

diyaryo

2

radyo

3

social media

4

telebisyon

59

Multiple Choice

Ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media, MALIBAN sa;

1

Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika

2

Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika

3

Laganap ang pagpapaikli ng mga salita

4

Laganap ang code switching

60

Multiple Choice

Paano ka makatutulong sa pagpalalaganap at pag-unlad ng wikang Filipino sa Internet?

1

Paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika

2

Paglalagay ng akdang pampanitikan sa internet

3

Paglalagay ng diksyunaryong Filipino

4

Lahat ng nabanggit

61

Multiple Choice

Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa ating wika?

1

madaling basahin

2

madaling maisulat

3

madaling maunawaan

4

madaling maisulat at maunawaan

62

Multiple Choice

Tinawag na Texting Capital of the World ang Pilipinas dahil sa;

1

Marami ang may iba’t ibang unit ng cellphone.

2

Maraming text ang nagpapadala at nakatatanggap sa ating

bansa araw-araw.

3

Marami ang gumagamit nito sa paghahanapbuhay.

4

Marami sa mga Pilipino ang walang hanapbuhay.

63

Multiple Choice

Bakit tinangkilik ng mga Pilipino ang paggamit ng social media?

1

dahil sa mga aplikasyon nito

2

dahil sa mga larawan nito

3

dahil sa ito’y nasa Internet

4

dahil sa kagandahan nito.

64

Multiple Choice

Kung malayo ka sa pamilya o mahal mo sa buhay at nais mo ang agarang komunikasyon na walang kaukulang halaga ay may mga aplikasyon na magagamit, maliban sa;

1

Messenger

2

Skype

3

Twitter

4

Viber

65

Multiple Choice

Sa mundo ng social media, ito ang kahulugan ng pinaikling salita na ILY.

1

I Leave You!

2

I Like You!

3

I Lose You!

4

I Love You!

66

Multiple Choice

Ang mga nauusong salita na tinangkilik ng mga Pilipino sa social media tulad ng lol, sml, skl ay tinatawag na:

1

code switching ng mga salita

2

Pagpapaikli ng mga salita

3

Pagpapaliit ng mga salita

4

Pagmamali ng mga salita

67

Multiple Choice

Ang mga makabuluhang bagay na naidudulot ng Internet sa mga mamamayan ay ang mga sumusunod, MALIBAN sa:

1

Napabibilis ang komunikasyon.

2

Napadadali ang pag-aaral.

3

Napagagaang ang hanapbuhay.

4

Napauuso ang fake news.

68

​Karagdagang Gawain

Binabati kita! Natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil diyan, nais kitang maging handa sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas mong marinig na salita sa mga social media at Internet.​

69

Open Ended

Question image

Panuto: Sumulat ng sanaysay. Sumuri ng isang post sa social media. Patunayan na mahalaga ang social media at Internet sa ating kasalukuyang buhay. Paano nagamit ang wika rito?

Paksa

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan Modyul 2 Sitwasyong Pangwika sa Social Media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 69

SLIDE